*Chapter 3

690 14 0
                                    

Chapter 3

<Steff’s POV>

Seriously!? Date ba talaga tong ginagawa namin? Eh wala naming ibang ginawa ang kutongin na to kung hindi dalhin ako sa mga common na lugar na alam niya >_<

Pero inaamin ko nag enjoy ako sa pagkain nung mga EXOtic foods na binili niya kanina. First time kong kumain nun, syempre dahil kinakain niya yun kakainin ko na din ^__^  Ayos lang magka sakit kung siya naman mag aalaga sakin.

Che! Pwede ba Steff magtigil ka nga sa mga iniisip mo. Nakakadiri na >//< pinagnanasaan ko nanaman yung kutongin na yun sa isip ko.

Habang kinakausap ko sarili ko dito, may biglang pumasok sa utak ko… hehehe ^_^v

“kutongin!” pagtawag ko sakanya.

Tumingin naman siya sakin ““Ang gwapo mo!” ^_^ haha natatawa na agad ako ^3^

“Why thank you” ^__^v nakangiting sagot niya sakin.

“G-ag*ng

W-alang

 A-lam kundi

P-umorma mukha naman

O-nggoy!”

Hahahaha!! Natawa nalang ako bigla. Habang siya tinitingnan ako ng hindi ko maintindihan hahaha! Nahawa na ko sakanya. Ang corny ko na.

Nagpigil ako ng tawa, mukha na kong sira -__- di bumenta yung joke ko >3<

Naglalakad kami dito sa kanto nila. Ansave naman nito diba? Hinahayaan niyang mapagod at mainitan ang isang dyosang kagaya ko !

Pero di bale nalang basta ba magkasama kami hihihi :”>

Mas maganda nga kung dadalhin nalang niya ko sa bahay nila at ipapakilala sa parents niya , edi masaya ^_^

“huy Stephanie nakikinig ka ba sakin?” nagulat naman daw ako nung bigla siyang nagsalita at tumingin sakin.

“H-ha?” tanong ko. Malamang hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

“Tsk! Sinasayang mo ang boses at laway ng gwapong lalakeng kagaya ko” at umarte siya ng parang nagtatampo. At iniwas ang tingin sakin

Ang cute niya >//<

Este hindi pala! Panget siya! Mukha siyang kuto!

“alam mo daig mo pa mga bida sa teleserye” lumingon siya sakin ng nagtataka “kase ang drama mo!” natawa ako ng konti kaya napangiti naman siya.

Takte kinilig nanaman akoooo >o<

Bakit ba ang cute ng kutongin na to lalo na kapag ngumingiti siya??

OVERLOADED sa cuteness! dinaig pa ang babae. Pero siyempre mas maganda pa rin ako ^3^ walang makakatalo dun.

3 Times to Fall (EXO Teen Fiction/Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon