HTWTB XXIV: The Sandovals Pt.2

329 5 3
                                    

How to win this Battle
Chapter 24

She was wearing a white tube top, skinny jeans, and a pair of Christian Louboutin. She's still stylish as ever. Andito nga sya! Hindi lang ako namamalikmata! Kahit matagal ko na syang di nakikita, parang tulad pa rin sya ng dati. Simple at walang ka-arte-arte.

"Avi!" sabi ni Kuya as he ran towards her. Niyakap nya ito ng mahigpit na tila miss na miss na nya ito. Sumunod naman agad si Dim at yumakap rin. She then gazed at me and smiled.

Nagulat ako nung ginawa nya yun. Woah, wait lang. Talaga bang nginitian nya ako? Si Avi ba talaga 'tong nakikita ko? Anyare? Na-engkanto? Sa pagkakatanda ko kasi, ngumingiti lang yan kapag may ginawa akong katangahan o 'di kaya'y napapahamak ako e.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Ang tagal ko kayang nawala."

I raised my left brow and crossed my arms, "Hindi ko kasalanan na umalis ka." mataray kong tugon pero yung totoo, gusto ko na talaga syang yakapin kaso nahihiya lang akong gawin. I've missed her so much.

Tumawa lang sya sa sinabi ko at dumila sa akin. I'm happy kasi mukhang masaya na sya. She deserves to be happy.

Farah Kristina Avenir. She's our eldest sister and also my frenemy. Lagi nya akong binubully at 'di lumilipas ang araw dati na hindi nya ako ipinapahamak. Despite that, 'di ko nagawang kamuhian sya. Oo, may mga araw na talagang napipikon ako sa kanya, pero never akong nag tanim sa kanya ng galit. Para kasing naging way na rin namin nag pag sho-show ng pagmamahal yung pag-aaway. Natural din naman talaga sa mga magkakapatid yung nag-aaway diba?

It's been four years simula nung huli ko syang makita at makausap. Sa loob kasi ng apat na taon, 'di sya nag pakita o tumawag man lang sa amin. Nagulat na lang kami nung nalaman namin na international model na sya.

She felt so lost after syang iwan ng fiancé nya sa altar, so she decided to find her self once again. Dati, pag nakikita ko syang umiiyak parang dinudurog din yung puso ko. I'm proud of her, kasi kahit ang sakit ng pinagdaanan nya, hindi pa rin sya sumuko.

"So ikaw ang nanligaw kay Verna?" tanong ni Ate kay Basty.

Andito kami ngayon sa front porch at kakatapos lang naming kumain. Gusto ko na sanang umalis para makapagusap silang dalawa lang pero itong si Basty, kung makahawak sa kamay ko akala mo naman tatakbuhan ko sya.

"Hindi. Sya yung nanligaw talaga sa akin." agad namang sagot ni Basty na nakatingin pa ng nakakaloko.

Tama lang talaga na pag samahin ang dalawang 'to, ang sasama ng ugali sa akin e.

"Ingat dyan ah, may pagka-psychotic kasi yan madalas."

Mag re-react na sana ako nung bigla naman akong hilahin ni Basty papunta sa harap nya at niyakap ako mula sa likuran. Syempre nagulat ako pero naki-ride nalang ako para mas effective yung pagkukunwari namin.

"Ewan ko nga e, kasi kahit psychotic 'to mahal na mahal ko pa rin. I will do anything for her. Anything." mas hinigpitan nya yung yakap nya tapos isinandal nya yung mukha nya sa ulo. Naramdaman ko na ngumiti sya. Tinignan lang kami ni Ate na para bang naaaliw sya sa pinapanuod nyang mala-pelikula.

"Anything for her, huh?" napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Kuya sa front door at matiim na tinignan si Basty. Lumabas naman si Dim kasama si Irvy at Ace na sya nama'y agad na sumandal sa may poste.

Teka, kelan lang ba sila dumating? 'Di ko kasi napansin yung pagdating nila e.

"Yup, anything for her."

"So if she wanted to break up, are you willing to let her go?" tanong ng pinsan nya na nakatingin sa kanya ng malamig.

'Di nag tagal, nag palitan na ng seryosong tingin ang dalawa. Si Basty naka kunot ang noo pero di masyado, at si Ace naman, yung usual poker face nya lang.

How to win this BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon