Isang tinig ng boses at iyong nalaman
Gumuho ang mundo ng isang iglap lamang
Sa bawat patak ng luhang nararamdaman
Meron pa bang makukuhang inaasamTila bumalik ang dati
Dating akala mo kayo pala
Parang isang iglap lamang ng iyong mga mata
Napunta na pala sa iba
Sinasabi nilang di pwede
Di pwedeng balikan ang nangyari
Baguhin ang pagkakamali
May pagasa pa bang pwede italiAno pa ba ang silbi ng nararamdaman
Kung ang isang tinig niya lamang
Tila parang taglamig ng nakaraan
Isa lang
Isa lang ang biniyayaang nagpapagana sa ating utak at puso
Pero bakit kailangan mo pang mamili
Kung iisa mo naman silang piniliGusto kong sumigaw
Gusto kong magwala
Pero di ko man lang magawa
Dahil ano pa ba ang magagawa
Sa Isang isdang inaasam
Nabingwit naman ng isang kaibigan
Hindi ko minsan pinagpagan
At nilinis ang aking nagmamayagpag na puso
Ramdam ko ang iyong iniisip
Na sa akin ay sinandalan mo
Sandalan lang naman
Nandito lang ako kailan pa man
Hindi mo man lang maramdaman
Ang matagal kong minamanman