Ang talambuhay ni Rossana (One Shot)

44 1 1
                                    

Rossana.. Rossana ang kanyang pangalan. Isang babaeng laging nasa paligid lamang at naglalaro sa ating mga isipan.. Na kahit san ka magpunta ay lagi kang sinusundan.. Lagi kang tinitingan, tinititigan at hinding hindi ka lulubayan sa oras na makapasok siya sa iyong isipan..

Galit siya.. Oo galit siya.. Punong puno ng galit ang kanyang mga mata.. Duguan at maputla ang mukha.. Mahaba, magulo, basa at marumi ang buhok.. Mapupula ang mga mata.. At nakakamatay ang bawat titig niya. Tinitingan ka lang niya habang hindi mo nakikita.. Maaaring nasa tabi mo.. Sa kanan, sa kaliwa, sa harap, o baka naman nasa likod mo at Binabantayan ka.. Na ano mang oras ay sasalakayin ka.

Pero sino nga ba siya? Siya si Rossana. Rossana Resurection. At heto ang kwento ng kanyang talambuhay.

Noong dekada singkwenta'y dos. Merong isang mayamang pamilya na namumuhay malapit sa isang kagubatan. Ang pamilya Resurection. Si Rosaryo Resurection at ang kabiyak niyang si Katalina Blanko na biniyayaan ng dalawang magagandang anak. Si Rossana, isang mataray na panganay at si Rosalia naman, Ang tahimik na bunso. Si Rosaryo ay isang estrtiktong ama at si Katalina naman ay isang mapagmahal na ina. Si Katalina lang ang malapit kay Rossana at si Rosalia naman at ang kanyang ama. Palaging binubugbog at ginugulpi ng malupit na ama si Rossana nung kabataan niya. At tanging ina lang ang nagiging kakampi niya. Pero hindi inaasahang iiwan siya kaagad ng kanyang ina na lubos na kinalungkot niya. Ilang araw.. Ilang linggo.. Ilang buwan.. Ilang taon. Ganoon siya katagal na hindi natagpuan. Pero nung nakita na ang bangkay niya.. Lubos na kaawa-awa ang sinapit ni Katalina. Natagpuan siya sa isang drum na puno ng tubig. Putol ang mga kamay.. Wala ang mga paa.. At ang ulo niya ay isinilid sa loob ng isang timba. Duguan.. At nakadilat ang mga mata. Inuuod ang kanyang ilong at ang kanyang labi ay itinahi. Ilang taon rin bago siya natagpuan sa abandonadong lugar na iyon.. Pero ipinagtaka ng lahat dahil buo parin ang mga laman nito. Hindi siya kinakain ng mga uod at insekto, sa kabilang banda ay nagtitipon-tipon sila sa putol putol na katawan ni Katalina Blanko. Sa pagkamatay niya, Mas lalong naging malupit ang ama ni Rossana. Si Rosalia lang ang pinakikitaan ng pagmamahal ng ama. Habang si Rossana ay sa simpleng pagkakamali, binubugbog, sinasaktan, hindi pinapakain, at kadalasan pa ay ikinukulong sa banyo, sa kisame, maging sa mga aparador. Nang magdalaga na si Rossana.. Dito na nagsimulang magbago ang kaniyang buhay pagsapit ng disi-otso anyos noong ikaanim na po't anim na dekada. Dumating sa mansion ng mga Resurection ang isang bagong hardinero. Si Antonio. Antonio Subalero Crudèo. Siya ang una at kaisa-isang nagpatibok ng puso ni Rossana. Siya ang nakapagdulot muli ng ngiti sa mga labi ni Rossana sa kabila ng mga kalungkutan, pagiisa at kalupitan ng kanyang ama. Niligawan siya ni Antonio at matagal silang nagmahalan ng lingid sa kaalaman ng kanyang ama. Kanyang napakalupit na ama. Masaya silang nagmahalan ni Antonio. Kadalasan nga ay hindi na niya ito pinagtatrabaho para lang h'wag na itong mahirapan. Tumatakas sila para lumabas at maging malaya. Doon lang naging masayang muli si Rossana. Sa piling ni Antonio. At kapag ginagabi na ng uwi ang dalaga, tinitiis niya lahat ng masasakit na salita, bugbog, at pasakit ng ama. Lahat para sa mahal niya. Lahat ibinigay na niya, ginawa na niya. Pero kulang parin nga ba? Gwapo si Antonio, makisig ang katawan. At sakanya natagpuan ni Rossana ang pagmamahal na kung saan ay ilang taon rin siyang nauhaw at ilang taong kinasabikan. Isang pagmamahal na akala niyang totoo kahit isang kasinungalingan lang naman. Oo. Isang kasinungalingan lang ang lahat. Pinaniwala lang siya nito at pinaasa sa isang pagmamahal na kinasasabikan ni Rossana mula pa ng pumanaw ang kanyang ina. Pero ang pagmamahal na yon na ninanais ni Rossana, ay nagtapos at siyang wumasak ng kanyang puso nang dahil lang sa isang maling pagnanasa ni Antonio. Nalaman niya ang masakit na katotohanang iyon sa araw mismo ng kanilang patagong kasal. Meron siyang ibang kinakasama kasabay ng kanilang relasyon ni Rossana. Lubos na nasaktan si Rossana. Ilang araw mas piniling mapag-isa. Hindi nagpapalit ng pangkasal na damit o naliligo.. Hindi nagkakain. Unti unti rin siyang nagiba, naging wirdo at mukhang nakakatakot. Ang sakit na nararamdaman niya ay nauwi sa depresyon na siyang naging sanhi ng kanyang pagkabaliw. Pinatay niya ang lahat ng mga alaga nila sa hasiyenda. Butas ang mga sikmura ng mga hayop at nakalawit ang mga bituka.

Ang Talambuhay Ni Rossana (One Shot)Where stories live. Discover now