Bella's POV
Masama bang umiyak !! Masama bang maglabas ng damdamin .
Kung Hindi bakit sinasabi ng puso ko na tigilan ko na ,na hwag na akong umiyak na tama na ang kangangawa .
Kasalanan ko bang masakit pa??
Kasalanan ko bang Hindi pa ako handa??
Kasalanan ko bang Hindi ko pala kayang mag move on ??
Ayoko ng ganito !!
Yung parang ayaw mo na syang maalala pero tong pasaway na puso mo bumibilis ang pagtakbo kapag naririnig mo ang pangalan nya.Anu bang gagawin ko??
Papaano ba ako makakawala sa bwisit na damdamin na to na Hindi ko Alam kung mahal ko pa ba o Hindi ahhhhh?!!!!Nakatulala akong nandito sa may balcony ng kwarto ko.
Bigla naman akong nakarinig ng isang katok."Busog pa po ako !! Bababa nalang ako kung kakain ako!?" Sigaw Kong sabi.
Pangatlong beses na kasi nila akong kinakatok para lang kumain.
Hindi kasi ako nakakain kanina ng umagahan pati narin ng tanghalian sadyang wala lang kasi ako ganang kumain.Tok Tok!!.
Inis akong tumayo at nagtungo sa may pinto.
"Sabing-" naputol Kong sabi.
Sakto ng pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang kapatid kong may dalang isang tray ng pagkain.
"Ate kain kanapo??!" Alok nya.
"Bunso anung ginagawa mo dito??" Takang tanung ko.
"Sinabi po sa akin nila Kuya na Hindi kapa daw kumakain kaya eto may dala akong pagkain sa iyo" sabi nya.
Napangiti naman ako sa sinabi nya.
Niyakap ko sya ."Kaya mahal na mahal kita ehh" sabi ko sabay gulo sa buhok ng babyboy ko.
Ngumiti naman sya sa sinabi ko at hinalikan nya ako sa may pisngi ko.
"Tara pasok ka ,saluhan mo si ate" alok ko.
Pumasok kami at inilapag sa may mesa ko ang pagkain at sumubo ako kahit na wala akong kaganang gana kumain.
Basta maipakita ko lang sa kanya na OK lang ako.Napansin ko naman na ang biglang titig nya sa akin.
"Sam, OK ka lang ba?? May problema ba???" Tanung ko.
"Ate kaya kaba nagkukulong dito kasi nakauwi ng pilipinas si Kuya Charles??" Tanung nya.
Nagulat naman ako bigla sa tinanong nya.
"Teka papaano mo naman nalaman ha!!" Sabi ko.
"Pinilit ko si ate jade na sabihin sa akin kung bakit ka nagkukulong sa kwarto mo" walang emosyong sabi nya.
Jade !!!! Yari ka sa akin !!
"Sam" pagtawag ko sa pangalan nya habang hinawakan ko sya sa balikat.
"....Hindi dahil sa Kuya Charles mo kung bakit ako nagkukulong o kung bakit ako nalulungkot sadyang pagod lang ang ate " pagsisinungaling ko .
Alam mo Sam sa totoo lang hirap na hirap na si ate ,alam mo ba yun Hindi lang masabi ngayun ng ate kasi Alam Kong Hindi mo naman maiintindihan .
"Ate ,mahal po kita kaya ako nagaalala ayoko pong nakikita kayong umiiyak o maski nalulungkot kasi po kahit may sakit ako kukunin ko parin yung dahilan o sakit na nararamdaman nyo kapag malungkot kayo " naiiyak nyang sabi.
Agad ko syang niyakap at umiiyak sya habang nasa balikat ko.
Nangilid nadin ang luha ko sa bawat hikbi na naririnig ko sa kanya."Mahal din kita Hindi rin kita hahayaang umiiyak ng ganyan Kaya tahan na OK lang si ate " malumanay kong sabi.
"Ate " narinig Kong tawag nya sa akin.
"Bakit??" Sabi ko.
"Kapag dumating ba ang mama mo sasama ka??" May takot sa mga mata nyang tanung .
"Bakit mo naman natanung nyan ,abat Syempre Hindi ,hinding Hindi kita ipagpapalit sa taong binalewala ako"sabi ko.
Tipid syang ngumiti at umiyak ulit.
" ate huwag mo kaming iiwan hah, nawala na nga si mommy at daddy iiwan mo pa ako"umiiyak nyang sabi.
Umiling ako at niyakap sya.
"Ohhh andyan kapala" rinig Kong sabi ni Kuya ryle na kararating lang siguro.
"Ohhh bakit ka umiiyak????" Takang tanung ni Kuya.
"Nagkwentuhan lang kami" nakangiti Kong sabi.
"Tara bunso tulog na tayo?" Alok ni Kuya.
Tumango naman si Sam .
"Ate !! Goodnight po I love you po" sabi nya.
"I love you " nakangiti Kong sabi .
Nang maiwanan ako magisa sa loob tinapos ko na agad ang kinakain ko .
Naisip ko bigla yung tanung nya sa akin .
"Kapag dumating ba ang mama mo sasama ka??"
Matagal na kasi yun yung huli Kong narinig yun at yung huli ay narinig ko Kay mommy .
Ampon ako iniwan ako ng mama ko dahil Hindi nya na ako kayang buhayin pa masakit para sa akin na mawalan ng magulang ang sabi ni mommy yung umampon sa akin ,namatay na daw ang papa ko bago pa daw ako isinilang sa mundo ,nagkaroon ng depression ang tunay Kong mama dahil doon at nagkaroon ng kumplikasyon ako dati mataas ang lagnat ko nun at isinugod ako nang mama ko pero wala syang pambayad at sakto naman na nakita ng mama ko ang mommy ko na noon gustong nagkaroon ng anak ng babae nakiusap ang mama ko Kay mommy na ampunin nalang ako para magkaroon ng magandang buhay.
At ang tanging alaala ko sa mama ko ay yung araw na nailabas na ako ng hospital at paghatid sa akin ng mama ko sa bahay ng mommy ko masaya nila akong tinanggap pero nagulat nalang ako ng biglang pagiyak ng mama ko at parang nagpapaalam na sya tinawag ko sya pero Hindi nya manlang ako nilingon nakita Kong may iniabot ang mommy ko Kay mama .
At yun Simula nun nahirapan na akong magtiwala at magmahal ,ang tangi ko nalang minamahal ay ang mga kapatid ko at ang kaibigan ko .
Pero nagbago dati ang paniniwala ko nung dumating sa buhay ko si Charles mahal ko sya mahal na mahal pero parang mismong panahon na ang nagsabi na ang pagibig pala at kadalasang ay mali .
Mali ang taong Napili.
Maling panahon .
Maling pagmamahal .
At maling ang ginawa kong desisyon.Naiisip ko na sana ay Hindi ko nalang sya nakilala at sana Hindi na ako naiwan.Hindi na sana ako nasasaktan ng ganito.
Ayokong nang masaktan pa at ayoko nang umiibig pa.
Gusto ko nalang magpaisa .
*************
Hayyyy !!!!! What's Zup!! Haha
Vote?? Reaction??
Sorry for the wrong typo's ✌😅

BINABASA MO ANG
LONELY FOREVER
Ficção AdolescenteLONELY FOREVER ❤❤(Tagalog) Arabella Anderson, a simple girl that she wants to forget her fast ,forget her first love that he broke her heart. But when a guy named Louie came to her life he brings joy she want,care she want ,and especial love she wan...