Bella's POV.
Isang nakakabinging katahimikan ang tangi ko lamang naririnig sa oras na to.
Hating gabi nat pero heto parin ako kinakausap parin ang sarili ko.Naisipan Kong bumaba ,para makapunta sa may kusina para makainom ng kape, kasi kung yung iba pampagising sa akin parang nakasanayan ko na yun at nakakatulog pa nga ako kapag may kape.
Nagtimpla ako ng kape ,at dumiretso na ako sa pool area para makapagpalamig kahit sandali.
Inilublob ko ang dalawa Kong paa sa may pool at nag relax."B-bella??"
Napalingon naman ako sa tinig na narinig ko.
"Ohhh Kuya ,gising kapa???" Takang tanung ko.
"Oo,kakatapos ko lang gawin yung paperwork's ko ,ikaw bat gising kapa??" Tanung nito.
Masyado kasing busy at laging focus tong so Kuya kyle sa trabaho sa kanya ko kasi ata namana ang pagiging seryoso sa mga bagay bagay ,isa rin kasi syang manager sa isang agency sa makati.
"Ahh yun ba" sabi ko at tumingin sa kalangitan na punong puno ng maraming mga bituin.
"Sinusulit ko lang ang Sandaling bakasyon ko" sabi ko.
Napansin ko naman na tumabi sya sa akin ganun din ang ginawa nya sa paa nya inilublub nya rin ito sa pool .
"Akala ko ba buong buwan kayong bakasyon??" Tanung ulit nya.
"Akala ko nga rin Kuya ehh ,pero nagkaroon kami ng big project at Hindi Basta basta ang gagawin naming project ang gagawan kasi ng proyekto na to ay isa sa mga taong mahalaga sa kumpanya namin." Sabi ko.
"So ?? Magiging busy ka this month?" Sabi nya.
Tumango at tipid ko syang binigyan ng ngiti.
"Hindi lang busy, magiging stressful ang magiging aura ko this month " natatawang wika ko.
Natawa naman sya ng bahagya sa sinabi ko .
Napangiti nalang ako ,at tumingin sa kalangitaan para I enjoy ang huling gabi ng pagpapahinga ko.**********
"Ate ?!!! Good morning!!" Rinig Kong sabi nya habang pababa ng hagdan.
Kasalukuyan kasi akong nakaupo dito sa kusina at nakakape ."Sam!! Kamusta ang gwapo Kong bunso!" Sabi ko.
"Eto pogi parin haha,kumain kana ba ate??" Sabi nya
"Hindi pa ,pero ayos na sa akin tong kape" tugon ko.
Tumango naman sya at bigla kaming nakarinig ng pag doorbell .
Taka Kong sinipat kung sino iyun??"Tito Ivan!!!" Tawag ni Sam.
"Sam!!" Tawag naman nito.
Kita ko ang pagtakbo ni Sam patungo Kay Ivan at agad naman ding binuhat nito si Sam .
"Mukhang bumibigat kana ahh!!" Nakangiting sabi naman ni Ivan.
"Syempre naman po bibigat ako ,even in the hospital I ate a lot because i want to be healthy para Hindi na po ako babalik doon "sabi nito.
" Very good ,ahh by the way may pasalubong ako sayo "
"Talaga po!!" Namimilog na tingin naman ni Sam
"Nasa kotse " sabi nito.
Agad naman tumakbo si Sam papalabas .
"Sam!! Wag kang tumakbo!!" Paalala ko.
Nakangiti namang lumapit sa akin si Ivan.
"Hi"
"Hello" nakangiti Kong sabi.

BINABASA MO ANG
LONELY FOREVER
Teen FictionLONELY FOREVER ❤❤(Tagalog) Arabella Anderson, a simple girl that she wants to forget her fast ,forget her first love that he broke her heart. But when a guy named Louie came to her life he brings joy she want,care she want ,and especial love she wan...