Title: Regrets
Description: Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin. Ipakita mo na lahat ng pagmamahal mo sa taong deserve ito. Iparamdam mo na lahat lahat sa taong nagmamahal sayo kasi darating din yung araw na mapapagod na siya. Darating yung araw na hindi mo na makikita pa ang presence niya at darating yung araw na magsisisi ka.
—
Kyle's POV
May mga araw din pala na akala mo siya na. May mga araw palang marerealize mo na hindi ka pa pala nakakamove on sa kanya. May mga araw rin pala na masasabi mo sa sarili mo na "sana ikaw na lang pala yung minahal ko" Tangina, ang hirap pala kapag niloko mo ang sarili mo.
Mahigit 2 years na kami ni Alexis. After nang mga nangyari sa foundation, nalaman ko na break na sila ni Chris at kinausap niya ako. Sinabi niya na mahal niya din daw ako. Ang sarap sa feeling na mahal niya pala ako. Sinabi niya na gusto niya lang daw si Chris kasi gwapo ito pero ako daw ang mahal niya. Grinab ko na ang opportunity at niligawan siya. Tanga na ba ako? Mahal ko eh. Ilang weeks din at pinatigil niya akong ligawan siya at yun na yung simula na naging magkasintahan kami.
Wala namang problema sa kanya. Walang arte, kalog at higit sa lahat, masayahin. Nakakahawa ang tawa niya. Dalawa lang naman ang ayoko sa kanya eh, ang pagiging malapitin niya sa mga lalaki at ang pagsuot niya ng medyo exposed na damit. Para sa akin? Ayoko siyang nagsusuot ng ganon dahil ayokong pinagtitinginan siya ng mga lalaki lalo na't maganda siya. Pero ayoko namang pigilan siya sa kakasuot niya ng ganon dahil ayoko namang tanggalan siya ng freedom. Masaya na ako basta masaya siya. Pero kapag nagsusuot siya ng mga formal na damit, naaalala ko sa kanya yung bestfriend ko, si Athena..
Kamusta na kaya siya? Simula ng matapos ang foundation at naging kami ni Alexis, hindi na siya nagpaparamdam. Hindi na rin siya nagpapakita sa akin. Hindi ko na siya nakikita sa school. Tinatanong ko ang mga kaibigan niya pero sinasabi nilang pumapasok naman daw ito. Baka nga siguro tinataguan niya na lang ako. Tangina, dalawang taon ko na siyang hindi nakakasama. Nakakamiss rin pala? Nakakamiss yung mga araw na lagi kayong nagtatawanan at naglolokohan. Pero ang mas nakakamiss, yung mismong siya.
Wala na akong napagkwekwentuhan tungkol sa mga masasayang nangyayari sa akin. Wala ng chat ng chat sa akin at nangungulit. Wala ng nagsesend sa akin ng oyster na stickers kahit hindi ko magets yung pinagsesend niya. Ang tahimik na ng inbox ko at isang tao na lang ang nakakausap ko kundi si Alexis. Wala ng nagpapayo sa akin tuwing may kaaway ako. Tuwing naiinis ako at lalong tuwing nag-aaway kami ni Alexis. Athena, 2 years na kitang hindi nakikita. Hindi rin kita naaabutang online. Kamusta ka na?
Hindi ko makuha ang kaligayahan ko, bakit? Diba dapat masaya ako kasi kami na ni Alexis? Hindi ba dapat siya lang ang iniisip ko at dapat kinalimutan ko na din ang taong matagal ng kinalimutan ako? Bakit pakiramdam ko kulang pa rin ako? Dumating nga si Alexis sa buhay ko pero nawala naman ang kaibigan ko. Bakit ang unfair?
Ngayon ngayon lang, wala na kami ni Alexis. Tuluyan na kaming nagbreak at dahil yun sa pagod na ako. Ayoko na. Nakita ko lang naman na kayakapan niya si Chris :) Mahirap ng umintindi. Nakakasawa. Athena, asan ka na ba?
Athena's POV
"Ayos ka lang ba, Athena? Ano ka ba, ilang taon na tayong nagsisinungaling kay Kyle. Ilang araw niya na akong tinatanong kung nasaan ka, kamusta ka na, kung bakit hindi ka niya nakikita, hindi ko na alam isasagot ko. Puro ewan at hindi ko alam ang sagot ko. Athena, kailan mo ba balak ipaalam kay Kyle yan?" tanong sa akin ni Francheska.
"Ano ka ba, hindi niya naman dapat malaman eh. Matagal na ang mga nangyari at alam kong nakalimutan niya na rin ako. At isa pa, may Alexis naman ng nageexist sa buhay niya." napangiti ako ng mapakla dahil sa sinabi ko. Andito pa rin yung sakit. Tagos eh.
"Gaga, wala na sila ni Alexis. Paano ba naman kasi, nahuli niyang nagyayakapan si Chris at Alexis. Ayun, nagbreak na sila." Nagulat ako sa sinabi ni Nam . Kaya naman pala kinakamusta niya ako kasi wala na si Alexis. Kaya naman pala hinahanap niya ako kasi wala ng taong nagstay sa gilid niya. Napangiti ako pero napawi lang din ito agad. Masaya ako kasi wala na sila pero malungkot ako kasi nag-iisa na naman siya.
"Wala na sila.. hindi kaya nagwawala na naman at umiiyak na naman si Kyle? Gusto ko siyang puntahan." sabi ko sa mga kaibigan ko.
"Puntahan? Nakikita mo ba ang karamdaman mo ngayon Athena? Nakikita mo ba ang sarili mo? Ang daming nakakabit na mga gamot sayo oh. Kung gusto mo, ipaalam natin kay Kyle ang karamdaman mo para makita ka niya-"
"No, Cara. Ayoko. Huwag niyong ipapaalam sa kanya. Ayokong makita niyang ganito ako."
"Alam mo ba kung makikita mo si Kyle ngayon, Athena? Hinding hindi na siya katulad ng dati. Napansin namin na tuwing magkasama sila ni Alexis, parang hindi siya masaya. Athena, hindi ba parang ikaw lang talaga ang hinahanap niya?" usisa pa ulit ni Nam.
"Nam, pwede ba? Kung ano man ang mga iniisip mo sa mga ginagawa niya, pakitigil na."
"Naalala mo pa? Yung sinabi niya sayo nung foundation? Na mahal ka niya pero natatakot lang siya sa kalalabasan ng friendship niyo? Athena, wake up. Ikaw ang mahal ni—"
"Ano ba Francheska at Nam, itigil niyo na yan. Hindi niyo ba naisip na may sakit si Athena sa puso? Hindi niyo ba naisip na mamaya sumikip na naman ang dibdib niyan dahil sa mga pinaggagagawa niyo? Athena, excuse lang. Kakausapin ko muna silang dalawa at magpahinga ka na. Huwag ka masyadong magoverthink." sabi ni Cara at lumabas na sila sa room ko.
Ito na naman ang mga luha ko. Ang mga luha kong lagi kong kasama tuwing gabi. Bumabalik na naman lahat ng sakit simula ng maaalala ko lahat ng nangyari nung foundation. Ang tagal na nun pero sariwa pa rin sa isip ko lahat. Kyle, bakit nga ba? Bakit nga ba ang hirap para sayo na mahalin ako? Hindi mo alam kung gaano kita namimiss. Gusto kitang puntahan ngayon pero wala na eh. May sakit ako at alam kong anytime, tratraydurin ako nito. Nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagsmile. Pagod na ako. Kailangan ko ng magpahinga.. mahal na mahal ko kayo.
Kyle's POV
Bakit kailangan mong itago lahat, Athena? Ito ba yung lagi mong sinasabi sa akin na naninikip ang dibdib mo kaya't hindi ka makatulog ng maayos tuwing gabi? Ang daya. Ang daya daya mo Athena.
Nakwento nila lahat sa akin lahat ng nararamdaman mo. Lahat ng sakit na tinitiis mo tuwing nakikita mo kaming magkasama ni Alexis. Lahat ng letters na ginawa mo para sa akin na hindi mo nabibigay kasi nahihiya ka. Lahat ng mga sinasabi mo kung gaano mo ako kamahal. Kung gaano ka nasasaktan sa lahat ng ginagawa ko. Athena dapat pala noon palang ikaw na ang minahal ko. Hindi man lang kita nayakap kahit ilang oras lamang. Hindi ko man lang nasabi sayo ang totoo kong nararamdaman. Athena, ang tanga ko para sayangin ka.
Hinawakan ko ang puntod mo na nakasulat ang pangalan mo at sa baba naman nito ay ang litrato mong nakangiti. Namimiss na kita Athena. Salamat sa lahat at sorry kung sinaktan kita. Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha ko sa mukha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/91248755-288-k807998.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SIDED LOVE
Short StorySometimes, we're just pretending that we are okay eventhough we're definitely not. "I'm okay" but deep inside, "I'm dying." You love him, but he doesn't love you. Sounds nice, right? Spending all your efforts and time to a person who doesn't notice...