LNFI

446 5 0
                                    

Title: Let's Not Fall Inlove

Description: Bakit kung sino pa mahal natin eh hindi tayo mahal? At bakit kung sino pa nagmamahal sa atin, hindi natin sila kayang mahalin? Bakit ba napaka unfair ni kupido? Is it really unfair or there's a reason behind it?

Athena's POV

Sabi nila kapag mahal mo, mahal mo. Walang reason reason kasi nga mahal mo diba? Pero bakit iba ang nangyari?

Foundation na. Nandito kami ngayon sa hallway at naglalakad papuntang faculty. Magpapasa kasi si Francheska ng dedication letter para sa dedication booth.

Kinakabahan ako. Bakit? Dahil ako ang taong nakalagay doon sa dedication letter. Hindi ako makaangal dahil kaba na ang nauna sa akin.

Pagkabigay niya ng letter sa loob ng faculty ay kasabay ng pagdating nila Kyle.

O_____O

Hindi ko alam gagawin ko. Gusto kong kuhanin yung ipinasang letter pero tanging idukdok na lamang ang mukha sa pader at magtago sa sobrang kahihiyan ang nagawa ko.

Nahihiya ako. Saktong pagdating nila sa way namin ay ang kasabay ng pagbasa ng isang teacher sa letter na ipinasa sa kanya.

"To: KR of GS (section)" pagkasabi niyan ay napatigil silang magbabarkada sa paglalakad at pinakinggan mabuti ang nilalaman ng letter. Nagsigawan naman sila Francheska, Nam at Cara.

"Wala na. Alam na ng mga barkada mo ang sikreto na pinakainiingatan ko. Kahit ganyan ka kamanhid, mahal pa rin kita. Nandito lang ako lagi tuwing nasasaktan ka na dahil sa kanya. I love you." (Laman ng letter)

Nakahinga ako ng maluwag ng walang banggiting pangalan doon. Kinabahan ako sobra. Pero hindi ko inaasahan na..

"From: Athena"

"MAMAAAAA!!" pagsigaw ko habang may kasabay na umiiyak na tono. Sira na reputasyon ko! Haha, joke. Ano pang mukha ang maihaharap ko sa kanya?

Maya maya ay may kumalabit sa ulo ko. Paglingon ko.. si Kyle pala.

"Athena, sino yun?" Tanong niya na mas lalong ikinakaba ko. Ewan ko kung magsasalita ba ako o ano. Gusto kong sumigaw.

"Ewan ko sa kanila!" Yan lang ang tanging nasabi ko sabay walk-out. Hindi ko naman kasi inutos yun. Napagtripan lang ako.

Worst? Narinig niya na. Pinakaworst? Hindi lang siya ang nakarinig! Pati buong campus!

"Lupa, kainin mo na akoooo!!" Sigaw ko habang nagpapadyak. Pumunta ako sa garden. Gusto kong mapagisa.

Bakit ba kasi nagkakaganito ako? Eh ano naman kung malaman nila diba? Oo nga pala. Ako nga lang pala ang natatanging pangit na nagkagusto sa kanya. Nakakahiya lang, pwe.

"Ako na lang ang kumain sayo." Nagulat ako ng makita ko kung sino yun. Si Xander.. Ano ang ginagawa niya dito?

Binatukan ko nga siya bigla sabay pout.

"Nakakainis ka! Napakamanyak mo talaga!" Pagmamaktol ko.

"Yan lang naman ang gusto ko eh. Ang makita yang ngiti mo.." Ano daw?

"Heh! Ano bang ginagawa mo dito? Mangaasar ka ba?"

"Hindi ah. Napansin ko kasing umalis ka kanina kaya sinundan kita. Bakit mo naman sinigawan si Kyle kanina? Nagtanong lang siya eh."

Natahimik ako. Bakit ko nga ba ginawa yun?

"Nadala ako ng emosyon ko. Sorry."

"Oka---"

"Pinsan, pwede bang magusap kami ni Athena?" Napalingon kaming pareho sa nagsalita.

Si Kyle..

Lumingon sa akin si Xander sabay tango. Nginitian niya naman ako sabay gulo sa buhok ko. Umalis siya bigla ng nakayuko. Minsan talaga naweiweirduhan na ako kay Xander dahil sa inaasta niya.

Lumingon sa akin si Kyle. Tinitigan niya ako sa mata ng may halong pagkaseryoso.

"Athena, magusap tayo."

Hindi ako makatingin sa kanya ng matagal. Feeling ko naiilang ako.

"Ayaw kita kausap." Sambit ko habang nakayuko.

"Seryoso ako Athena. Tumingin ka nga sa akin."

Sa hindi malamang dahilan, biglang umangat ang ulo ko sabay tingin sa kanya.

"Ano ba kasi paguusapan natin?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga kung ano yun.

"Yung sa dedication letter kanina."

"Bakit iyon? Hindi naman ako ang may gawa non ah."

"Alam ko. Pero ilalagay ba nila yun kung hindi totoo? Sino yung KR na yun? Manliligaw mo ba? Akala ko ba wala tayong lihiman?" Bakas na sa tono niya ang irita.

"Pwede ba Kyle? Huwag ka ngang umasta na para bang may pakialam ka sa mga taong nagugustuhan ko." Inis ko ring sabi.

"Damn, Athena! Itatanong ko ba kung wala akong pake sayo?! Sa tingin mo ba pupunta ako dito para lang itanong kung sino yung gagong yun?!"

"Hindi mo kailangang sumigaw, Kyle! Gusto mo malaman kung sino yun? Ikaw yun Kyle! Ikaw lang naman eh! Ikaw yung mahal ko! At tama ka, gago ka nga. Ang gago mo dahil kahit anong gawin ko, binabalewala mo lang ako! Lahat ginawa ko! Kahit panay bukambibig mo si Alexis, kahit panay siya ang dahilan kung bakit ka masaya at kaya ka malungkot, hindi ako umalis sa tabi mo! Kasi alam ko na kailangan mo ng taong iintindi sayo! Kyle, mahal kita! Almost 2 years na! Normal pa ba ang tawag sa akin nito? Masyado kong tinuon yung pansin ko sa taong sinasaktan lang ako." Pinunasan ko ang mga luha na nagsipatak sa pisngi ko. Gumaan bigla ang pakiramdam ko ng masabi ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba Athena, ikaw lang? Ikaw lang ang nasasaktan sa ating dalawa? Nahihirapan din ako Athena. Naalala mo yung araw na nasa likod tayo ng school habang nakatingin sa dagat? Narinig ko lahat ng sinabi mo. Athena, after nun.. nalaman ko lahat ng value mo! Narealize ko na napakahalaga mo talaga. At.. narealize ko na--" hindi ko na siya pinatapos at nagsimula ng maglakad.

"Ayokong pakinggan ang sasabihin mo. Ayoko ng umasa sayo." Hinila niya ako sabay yakap sa akin na ikinagulat ko.

"Athena.. doon ko narealize na mahal kita. Mahal rin kita, Athena. Pero alam mo bakit ko tinigil lahat ng iyon? Kasi alam ko na yun ang tama. I know that we're not meant to be. Hindi mo deserve ang gagong katulad ko. Sasaktan lang kita, Athena. Mas pinili ko yung relasyon na alam ko kung saan tayo mas tatagal. Ayokong dumating yung araw na mahalin natin ng lubos ang isa't isa at dumating sa punto na magkasawaan na at mawala na lang bigla. Athena, pakitigil ang nararamdaman mo, please. I'm not the perfect guy for you. Let's not fall inlove. That is the only way to avoid this kind of pain." Biglang may pumatak na luha sa balikat ko. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at ganun din ako.

Ngayon, alam ko na. Nalaman ko na kaya siguro hindi tayo kayang mahalin ng mga tao na mahal natin, is because may reason sila. I' d realized that the more you hold on to something, it causes more damages than letting go.

ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon