OSL

1.7K 61 43
                                    

Title: One Sided Love

Athena's POV

Sabi nila masarap daw magkaroon ng kaibigan na lalaki dahil una, hindi sila katulad ng mga kaibigan mong babae. I mean, hindi sila plastik at higit sa lahat, masarap silang kasama.

Yeah, so ako nga pala si Athena and I have a guy bestfriend, si Kyle.

Si Kyle yung tipong mabait na lalaki. He's gentleman. Hindi siya katulad ng mga tropa niya. May respeto siya sa mga babae. Siya yung lalaking sobrang sweet. Hindi siya kagwapuhan pero sakto na ang ugali at mukha niya para maging ideal man.

Hindi ko rin alam kung paano kami naging magkaibigan. Basta ang alam ko, siya ang number 1 enemy ko sa room noon.

Naalala ko na naman tuloy yung araw na diring diri ako sa mga pinagsasabi niya..

"Uy Athena!" Napalingon ako sa lalaking nasa side ko at nakangiti itong nakatingin sa akin.

"Ano?" Masungit na tanong ko dito at pinaglaruan ulit ang hawak hawak kong pandesign na may shape na heart. Kinuha niya ito bigla kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wow! Saan nilalagay ito?"

"Lagay mo sa butas ng ilong mo kung gusto mo" -_-

"Sungit mo naman. Bahala ka dyan. Hindi ko babalik sayo 'to."

"Tss, akin na nga kasi!" Sabi ko sabay hablot dito pero agad agad niya itong tinago.

"Ayoko nga. Dapat mahanap mo muna."

"Ewan ko sayo. Ang dami mong alam." Lumingon na lang ako sa harap at hindi siya pinansin. Kinuha ko na lang ang backpack ko atsaka yakap dito. Bigla akong napatingin sa zipper nito. Andito na pala..

Lumingon siya kaya napalingon din ako.

"Papakulong kita"

"At bakit? -,-" tanong ko

"Ninakaw mo kasi yung puso ko"

Natahimik ako at tinignan sya ng masama ng malaman kong tumatawa na pala siya.

"Eww! Kadiri siya! Ang jeje niya! Ang corny corny niya! Ang sarap niyang barilin sa mukha! Eww!" Bulong ko sa sarili ko.

After ng mga araw na yan, lagi na lang kaming nagtatalo sa maliliit na bagay. Bakit pa kasi siya pa ang naging seatmate ko?

Pero dumating din yung day na naging close kami sa isang bagay. Yun na yung naging dahilan kung bakit kami magkaibigan ngayon.

Naging human diary niya na ako. When I'm with him, I feel so happy. Nalilibang ako tuwing kausap ko siya. Lahat ng gusto niyang sabihin, sinasabi niya. He's too talkative.

Sa sobrang close namin, I don't know why I fall for him. He's too sweet! Damn.

Until now..

Andito kami ngayon sa room at naghihintay na magbell. Vacant kasi namin. Kapag minamalas ka nga naman, pinagpalit pa sila ng pwesto ni Jack kaya eto ngayon si Kyle. Seatmate ko again and again. Grabe, sawang sawa na ako sa mukha niya. Hays.

"Athena.." Tawag niya sa akin.

"Oh?"

"Magkatabi na naman tayo, haha" then he laughed. Ghad, nakakahawa yung tawa niya.

"So? Kilig ka lang kasi malapit ka lang kay Alexis eh." Pangaasar ko.

"Tss, pakelam ko dyan -_-"

ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon