BG II

174 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Gusto kong isipin na wala na akong kapangyarihan. Sana hindi na ako tumupad ng bad wishes. Ihinatid ako ni Tita Grace sa university at nagsabing tawagan ko na lamang siya kung magpapasundo ako.

Natapos ang isang buong araw. Puro lamang pagpapakilala ang ginawa namin. Tinawagan ko ang numero ni Tita Grace habang naglalakad nang bigla na lamang akong mapaupo sa sahig.

"Hey, nerd, watch where you're going. Tss." Isang matangkad na lalaki ang nabangga ko. Iritable ito at gusot ang mukha sa inis.

"Sor-" Tumayo ako at pinampag ang sarili nang may biglang dumating at umakbay sa kaniya.

"Woy, bro! Easy." Awat sa kaniya ng ka-team niya sa varsity. Manlalaro pala sila kaya magaganda ang katawan.

Yumuko na lang ako sa kanila at tumakbo paalis doon. Tumatak sa isip ko ang bulong nung happy-go-lucky guy kay grumpy guy.

Thunder, I think she's one of us.

Bago pa man ako makalabas ng building ay bigla nang bumagsak ang malakas na ulan. Inabot ko ang cellphone para tawagan muli si Tita Grace nang mabasa ko ang message niya.

[I'm sorry, Beny. Still in a meeting, can you commute from there?]

[Yes, tita. Kaya ko po. Thank you po.]

Walang awa ang ulan at mukhang wala pang balak tumigil. Isang malalim na buntong-hininga. Nilakad ko na lang mula sa building hanggang sa gate.

Hoy Asul, pahinaan mo.
Wait, baby Fiona, I don't know how.
Oh shit. Iyong ulan pahinaan mo, hindi siya maaabutan ni Silver.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga naririnig ko. Tama ang hinuha ko na nagkaroon ako ng heightened sense of hearing. Kung hindi ko makontrol, hinihiling ko na lang na sana wala akong marinig. Gumagana naman.

Sumakay ako sa isang jeep at bumaba sa paradahan ng tricycle. Nagtricycle na lang ako papunta sa bahay nila tita. Pagkababa ko ay tumingin ako saglit sa kalangitan na kulay kahel at pula. Mag-gagabi na pala.

"Oh, iha."

"Good evening po tito. Ma-magpapalit po muna ako."

Dali-dali akong tumungo sa kuwarto, pinihit ang door knob saka ako pumasok. Bago ko pa man isara ay may nagtulak nito pabukas kaya gulat akong napaatras.

"Ti-tito Martin." Sumisilip ang kalahating katawan nito sa kuwarto. Nakahawak ito sa doorknob habang titig sa kalagayan ko.

"Ang Tita Grace mo?"

"Na-nasa meeting po."

Tuluyan itong pumasok, isinara ang pinto saka ito ni-lock. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napaatras ako sa paglapit niya.

"Ti-tito." Napaupo ako sa kama nang wala na akong maatrasan. Sumisikip ang dibdib ko. Sinundan ko ang mga tingin niya at nakitang bakat pala ang mga panloob ko sa nabasang puting damit.

Napaigtad ako nang ipatong niya ang palad sa ulo. Ang isa niyang kamay ay humahaplos sa kaniyang balbas.

"Benevelle, be a good girl. Wala naman akong ginagawang masama." Inilipat niya ang kamay sa balikat at dahan-dahan akong itinutulak pahiga.

"Tito," mahinang kong sambit. Halos magmakaawa na huwag niyang ituloy ang nasa isip.

"Shhh," idiniin niya ang hinlalaki sa aking mga labi. Nakita ko kung paano mamilog ang kaniyang mga mata at mandilim ang paningin.

Nadama ko ang bigat ng kaniyang katawan nang dumagan ito sa akin. Gusto kong sumigaw, gustong-gusto. Pero may nabarang kung ano sa lalamunan ko. Napipipi ako sa takot.

Nag-iinit ang mga mata ko sa mga luhang kusang pumapatak. Hinanap ng mga kamay ko ang manika sa kama saka ito mahigpit na hinawakan.

"Sir, aah. Uhmp...aah." Isang gabing hindi ako makatulog ay puro ungol ang naririnig ko. "Aah, sir, pakibilisan. Baka po dumating na si ma'am."

"Shhh, hindi pa darating ang asawa ko." Ipinagpatuloy nila ang ginagawa at kahit magtakip ako ng tainga ay puno ng malalaswang ingay ang gabing iyon. Sana hindi ko na sila madinig, please.

Bago pa tuluyang maputol ang pandinig ko noong gabing iyon ay narinig ko ang masamang kahilingan ng katulong nila Tito.

"Sana maghiwalay na kayo ni ma'am, sir. Sana ako na lang."

Lumabas ang usok sa mga palad ko noong gabing iyon pero hanggang ngayon ay nagsasama pa rin ang mag-asawa. At, patuloy pa ding niloloko ni tito si tita. Kinakain ako ng konsensiya ko.

Naglalaro ang mga kamay ng lalaki sa loob ng damit ko kaya hindi ko napigilan ang pag-iyak. Nakakadiri. Ayoko na dito, ayoko na please.

Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa lalaki.

"Manahimik ka." Nandidilim ang paningin nito kaya napakagat ako lalo sa labi para patigilin ang sarili. Nalasahan ko ang sariling dugo. Dama ko sa buong katawan ang panginginig.

Marahas nitong hinila ang blusa kaya nagsitanggal ang mga butones nito.

"Huwag po," sa wakas, nagawa kong magsalita.

Wala naman itong kwenta dahil itinaas lang niya ang natitirang saplot sa dibdib ko.

"Sinisingil ko lang ang bayad sa pagtulong ko sa iyo." Sinalubong ng dila niya ang buto ko sa dibdib.

Sana hindi niyo na lang ako tinulungan.

Diring-diri ako. Lalo kinamuhian ang sarili nang makaramdam nang maginhawang kiliti habang inaabangan ang sunod niyang mga gagawin. Tulala na lamang ako sa kisame.

Shit. I'm late.

Isang malakas na hangin ang nagbukas sa sarado kong bintana, sa sobrang lakas ay tumilapon pababa ng kama ang lalaki.

"FUCK! May sa-demonyo ka talagang bata ka, ano." Mapanghusga akong tinignan ni Tito Martin habang siya nga itong may kademonyohang ginawa. Sana makaalis na ako dito.

Akmang pagbubuhatan niya akong muli ng kamay nang dalhin ako ng kapangyarihan ko sa ibang lugar. Tumambad ang likod ko sa malamig na sahig. Halos hindi ko maigalaw ang katawan pero naramdaman ko ang ginaw kaya agad kong inayos ang sarili. Ipinatong ko ang ulo sa magkadikit na tuhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Mahigpit kong niyakap ang regalong manika ni Celine, mabuti na lamang at nadala ko ito. Awtomatikong inalala ng utak ko ang mga pangyayari. Minolestya ba ako? Pangmo-molestya bang matatawag doon kung hindi naman niya naipasok?

Nalunod ako sa mga tanong hinihiling na sana'y makalimutan ko na lahat ng nangyari.

I AM A BAD GENIE.

Kinabukasan,

Dinala ako ng mga paa sa iba-ibang lugar. Nakapagnakaw ako sa mga kapitbahay ng ilang sampay na damit dahil kahabag-habag ang itsura ko pagkagising. Sa hindi kalayuan ay nadinig ko ang balita sa telebisyon. Dala ng kuryosidad ay pinuntahan ko ang ingay.

Nakita kong nakapaskil ang mukha ko doon. WANTED. Isang kriminal na pinagnakawan ang isang mayamang attorney at isang mamamatay tao na nagsagawa ng arson sa isang malaking pamilya ng mga haciendero.

Yumuko ako at lakad-takbong umalis doon.

"Miss, mag-isa ka ata." Nagtatago ako sa isang maliit na eskinita, hindi alam kung saan ako pupunta.

"Gusto mo samahan kita?" Malisyoso ang pagtanong nito at kita ko ng pagsenyas niya sa ibang kasamahan.

Inilibot ko ang mga mata sa lugar pero wala akong makitang lagusan.

"Uy, pre. Halika, may kuting dito."

Gusto kong tumakbo pero tila napako ako sa sahig. Putangina, hindi nanaman ako makagalaw.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now