SP2

2 0 0
                                    

Pasensiya ka na.

Ako nga pala ang anak mo,
Gusto kong sabihin lahat lahat ng hinanakit ko.

Ngayon mismo, sa araw na ito, sa harapan mo
Nawa'y pakinggan mo ko, kahit ngayon lang

Bakit ganun?
Panganay ako oo, pero bakit?
Palagi na lang kasalanan ko,

Lahat kasalanan ko kahit hindi naman talaga
Pero tanggap ko, tinanggap ko
Inintindi ko
Kase ganun naman talaga e
Kahit di ko kasalanan ako pa din ang may kasalanan

Naiintindihan ko, kasi mahal kita.

Oo na, kasalanan ko na,
Kasalanan kong tanga ako,
Kasalanan kong tamad ako,
Kasalanan kong iniianak at nabuhay pa ako sa mundong kinalalagyan mo

Minsan inisip ko na lang
Na sana ay sa ibang lugar na lang ako nakatira,
Na sana iba na lang magulang ko,
Na sana hindi nalang ikaw
At sana hindi na lang ako ang naging anak mo,

Sana.
Pero hanggang dun lang, Sana lang.

Yan tayo sa salitang "SANA"
Kaya lagi akong umaasa na sana maging maayos na ito

Maging maayos ang pakikitungo mo sa akin,
Na sana kapag may masakit sa akin
Nakikita mo din yung kahit di ko sabihin,

Na sana kapag may sinabi akong masakit sa katawan ko ay hindi mo 'ko binabalewala.

Patawarin mo ako kasi lahat nang nakikita mo sa 'kin ay puro mali
Lahat ng gawin ko masama
At ang mga tamang ginagawa, kailanma'y hindi mo nakita
Patawad.

Maraming salamat po.
Pinasasalamatan kita kahit na ganiyan ka sa 'kin

Salamat kasi tanggap mo parin ako
Kahit na ganito ako,
Isang tanga at walang kwenta

Salamat kasi naranasan kong mabuhay sa mundong puno ng pasakit
Salamat sa lahat lahat.

Gusto ko ding magpaalam,
Pero gustuhin ko mang mawala sa mundong ito
Hindi ito maaari sapagkat marami pa akong kailangang tapusin,

Pero gusto ko nang magpaalam sa iyo, patawad sa mga kasalanan ko at salamat sa lahat,
Paalam...

-I love you, Pa

End of SP2

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon