Kaibigan, Bakit?
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan
Ang mga katanungang gumugulo sa aking isipan.Kung bakit mo ako iniwan?
Kung bakit mo ako ipinagpalit, sa iba
Na tila ba wala tayong napagsamahan?Bakit?
Yan ang tanong ko sa iyo kaibigan.
Bakit naging ganto tayo?
Hindi naman tayo ganto dati,
Pero bakit lahat nagbago?Pati ikaw kaibigan, nagbago ka
Na tila ba naglalaho sa aking mundo.Ikaw ang unang nangako sa ating sumpaan
Na walang iwanan,Pero kaibigan
Ikaw!
Ikaw mismo,
Ikaw ang nang iwan,
Ikaw yung lumisan,Lumisan ka nang walang iniwang salita.
Inintindi ko lahat kahit naguguluhan
Ngunit maraming katanungan ang gusto kong sagutin mo
Sagutin mo ako, ngayon
Ngayon mismo sa aking harapan.Bakit ka lumisan?
Ni hindi ka man lang nagpaalam pero bumalik ka,
Bumalik ka at may kasama ka nang iba,Ipinakilala mo siya at sabi mo bago mo siyang kaibigan.
Nagselos ako.
Sa tuwing nakikita kita laging kayo ang magkasama,
Na tila ba'y wala ng bukas,
Na tila ba'y wala nang ako,
Na tila ba'y wala ng dati,
At tila ba'y walang nangyari.Oo, nagselos ako kasi ang saya niyo,
Habang ako, nandito lamang sa tabi, umiiyak.Hindi ka ba masaya noong kasama mo ako?
Kaya naghanap ka nang iba
Kaibigan, bakit?
Bakit!
Kaibigan mo pa ba ako?
Sawa ka na ba sa akin?
Ayaw mo na ba sa akin?
Bakit?
Inuulit ko kaibigan, bakit?Hinahanap mo lang ako kapag may kailangan ka
Tulad ng dati nung wala kang kaibigan
Lumapit ka sa kin at nagtanong ka kung pwede mo akong maging kaibigan.Um-oo ako,
Pumayag ako kasi nalulungkot ako sa mga taong kagaya mo,Pinagpalit kita sa mga kaibigan ko,
Inintindi nila ako,
Kasi totoo sila.Pero ikaw kaibigan, bakit?
Hindi ka naging tapat,
Iniwan mo na nga ako, ipinagpalit mo pa ako sa iba.
Okay lang ba sa iyo na wala ako
Na dati rati'y ayaw mong mangyari?Bakit ganun?
Palagi naman akong nandito,
Pero pilit kang lumalayo.Hindi kita maintindihan
Puro bakit sa isipan ko na gusto kong ikaw mismo ang sumagot.
Pero oo, inintindi kita kahit pagod na ako,
Kaya kaibigan patawarin mo sana ako
Kasi napagod na ako.Pagod na ako.
Sana maging masaya ka sa kanya kaibigan,
Nandito lang ako kapag iniwan ka niya.Pero ako na ang magpapaalam
Kahit na dapat ay ikawIto na ang huli, kaibigan
Itatak mo sana sa isipan mo ang katagang ito
"Mahal kita kaibigan ngunit paalam."
-A
End of SP5
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
RandomSa tuwing nakikita ko kayong magkasama Ay pinipikit ko na lang ang aking mga mata Upang maiwasan ang sakit na nadarama Dahil sa iyo, aking mahal. I'll just tried to write, I hope you enjoy reading