BG I

205 8 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Lahat ng pagmamay-ari ng Don ay sa iyo niya ipinangalan."

Bakas sa mukha ng tiyahin ang inggit at poot. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na halos mapunit ang aking anit sa pagsabunot niya.

"Ampon ka! Sana mamatay ka na. Mamamatay tao, pinatay mo ang pamangkin ko. Magnanakaw!" Sana nga, sana mamatay na din ako kaso hindi iyon natupad. Para bang pinoprotektahan ako ng sariling kapangyarihan.

Madami pa siyang dinakdak hanggang sa kaladkarin siya ng mga pulis palayo. Siya ngayon ang dadalhin sa presinto.

"Iha, ayos ka lang ba?"

"A-ayos lang po. Salamat attorney."

"Mukhang hindi makatutulong kung dito ka pa lalagi, iha, wala ka ding babalikan sa mansiyon." Ipinatong nito ang palad sa ulo ko na para bang isa akong bata. "Naipaalam ko naman na sa misis ko ang lagay mo, titira ka muna sa amin pansamantala, okay lang ba sa iyo?"

Pinagmasdan ko ang lalaki. May katangkaran siya, medyo singkit ang mga mata, moreno at may balbas.

"Matalik na kaibigan ng misis ko ang donya. Ligtas ka roon."

"Si-sige po. Okay lang po, attorney."

"May natitira ka pa bang gamit sa loob? Kung meron, pakikuha na lang nang mabilisan at ihahatid na muna kita sa misis ko. Makakaasa kang matatapos din ang gulong ito."

Parang bata kong sinunod si attorney at pumanhik sa pansamantalang kuwarto namin ni Celine. Agad kong binalot ang mga damit niya at damit ko, lahat ng gamit, kasama ang picture frame na may family picture namin, at ang manika na ginawa niya para sa akin.

Pinagbuksan ako ng pinto ni attorney at tuluyan akong sumakay sa kotse niya. Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana. Naalala ko ang mga tingin ng kapitbahay kanina na puno ng panghuhusga, naalala ko iyong pagtupok ng apoy sa mansiyon, naalala ko ang pagbagsak ng katawan ni Celine.

Namamanhid ako. Kahapon ay halu-halo ang naramdaman ko sa mga pangyayari pero halos wala na akong maramdaman ngayon dahil sa sakit. Birthday ko pala? Hah, happy birthday to me, mapait kong banggit sa sarili.

Tahimik ang buong biyahe. Pamilyar ang bahay na dinatnan namin. Paminsan-minsan kaming sinasama ni mama sa bahay nila Tita Grace.

"Benyyy!" Masiglang bati sa akin ni tita. "Kumusta ka na 'nak?" Niyakap ako nito saka hinaplos ang buhok.

"Love," mahinang banggit ni attorney at bumaling naman sa kaniya si tita at binigyan ito nang mabilis na halik sa labi. "Mauna na ako, dito muna lalagi si Benevelle."

"Sure, love. Halika 'nak. Kain muna tayo, kumain ka na ba?" Umiling ako sa tanong niya.

Nagsandok si tita ng kanin at ng ulam - sinigang na baboy, paborito ni Celine. Tila may nabara sa lalamunan ko at kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang iyak.

"Nak, it's okay, you can cry."

At dito na nga nag-unahang maglabasan ang mga luha ko. Hindi ko maipaliwanang kung gaano kasakit na sumubo ng kanin habang umiiyak. Lalo namang uminit sa pakiramdam ang sabaw ng sinigang.

"I'll visit your mom later, sasama ka ba?" Pinatahan ko ang sarili at sasagot na sana nang magsalita ulit ito. "It would be better though if you stay here. I'm just concerned of you, mukhang wala ka pang tulog 'nak. Magpahinga ka muna."

"O-okay. I'll stay here po tita."

"That's good." Tumayo si tita para kumuha ng juice at inabutan din ako.

"What are your plans pala, 'nak? Magsisimula na ang semestre sa sunod na buwan."

"Hindi ko pa po sigurado kung mag-e-enroll ako tita."

"Naku, mag-enroll ka na. Sayang kung titigil ka, matalino ka pa naman."

"Si Cel," sasabihin ko sana na si Celine ang may mataas na grado sa aming dalawa, "Si-sige po." Sinuklian ko na lang ang mga ngiti niya nang kaunti.

"Anong course mo na ulit?"

"Nursing po."

"Ah, nursing. Naku, magastos iyon." Hindi ko makuha kung anong ibig niyang sabihin pero tama naman siya. Hinayaan ko na lang.

Nang matapos kaming mananghalian ay iginala niya ako patungo sa magiging kuwarto ko. Hindi man gaanong malaki ay sapat na ito para sa isang tao.

"Pasensiya ka na 'nak. Maid's room lang ang bakante. Under renovation pa kasi iyong guest room at malimit lang naman ang kuwarto sa bahay namin. Hindi tulad sa mansiyon niyo."

"Okay lang po, tita. Salamat po."

"Sige, maiwan na muna kita diyan ha. May gagawin lang ako. Magpahinga ka na."

Inayos ko muna ang mga gamit at hindi namalayang bumibigat ang katawan ko hanggang sa makatulog.

Naalimpungatan ako sa ingay sa labas. Tuluyan na akong nagising. Naramdaman ko ang uhaw kaya nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Gabi na pala.

"Love?" Nagulat ako kay attorney kaya nabasa kaunti ang puting t-shirt ko. Nagtama ang paningin namin at saka niya ako tinanong, "Iha, ang Tita Grace mo?"

"A-ah, nagpunta po sa lamay attorney."

"Tito, Tito Martin na lang."

"Sige po att-tito."

Mabilis kong inubos ang tubig at bumalik sa kuwarto. Naghanap ako ng maipapalit na damit nang makarinig ng katok sa pinto. Binuksan ko ito.

"I just wanna ask if you already had dinner," sabi ni Tito Martin.

"Ah, hindi po ako nagugutom."

"Okay, magpahinga ka na muna." Tuluyan naman na itong humakbang palayo.

Nahiga akong muli sa kama pero hindi na ako makaramdam pa ng tulog. Halos sumakit ang ulo ko sa malakas na ingay ng mga insecto sa labas. May ilang mga impit na boses din akong naririnig at tila ba habang tumatagal ay lumalakas ang mga ito.

Itinakip ko ang mga palad sa tainga ko dahil sa nakakabinging ingay. Please, tumigil ka na. Please. Sana hindi ko na marinig ang mga ingay.

Biglang natahimik ang paligid at naiwan akong nakaluhod sa sahig habang pawis na pawis. Ano iyon? Ang sakit ng tainga ko, para akong sinigawan ng kung sinuman habang naka-microphone. Napahawak ako sa ulo dahil parang mabibiyak ito. Pumupintig pa sa sakit.

Kung tama ang hinuha ko, para bang biglaan akong nagkaroon ng heightened sense of hearing.

I AM A BAD GENIE.

Isang buwan ang nakalipas,

Tinulungan ako ng mag-asawa na makapagsimulang muli.

Si Tito Martin ang nag-asikaso ng burol nila mama at papa, libing ni Celine, at transfer of properties. Si Tita Grace naman ang nakasama ko sa enrollment at pagbili ng mga gamit para sa school.

Suot ko ngayon ang uniporme - puting blusa, puting pencil skirt, puting knee socks, puting shoes. Nakapusod din ang buhok. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at mas mukha pa akong pasyente kesa estudyante. Ang payat kong tignan at mas maputi talaga ako kumpara sa iba.

"Beny, 'nak, lika picture ka, dali." Masiglang sabi ni Tita Grace kaya naman pinagbigyan ko na siya. Pomustura ako sa harapan ng kamera.

Maayos na ang buhay ko. May ilan pa ding problema pero kakayanin ko iyon - kabilang na dito ang kaso sa akin ng tiyahin ni Celine at ang masamang tingin sa akin ng maid nila Tito Martin at Tita Grace.

Narinig ko ito minsan na humiling na maghiwalay si Tito Martin at Tita Grace pero matagal na iyon at magkasama pa naman ang mag-asawa. Gusto kong isipin na wala na akong kapangyarihan. Sana hindi na ako tumupad ng bad wishes.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now