CHAPTER FIFTEENTH

967 39 9
                                    

" I WISH YOU ARE HERE "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER FIFTEENTH

" CM ko si Gwen iyun di  ba?" Agaw pansin  ni Daylan  sa asawa ng napansin ang kumusyon sa isang tabi  ng plaza.

Sa  narinig  ay  agad  bumaling  si  Crystal Marie sa asawa. Kasalukuyan silang  naglalakad din sa park na iyon  pero hindi lang basta paglalakad  ang porpuse nila kundi may  minamanmanan din. Nagkataon lamang na sa  kapatid ni Daylan  sila  tumuloy  kaya hindi niya nalaman  na nasa park din ang pinsan  niya.

" Nasaan asawa ko?" Malakas  na tanong ni Marie pero agad ding tinakpan  ng asawa ang bibig dahil napatingin  din ang mga ito sa gawi nila pero agad silang nakakubli.

" Asawa ko naman wala tayo sa  battle kundi nandito tayo sa mismong kinalulugaran ng hinahanap natin and besides baka mawala sila sa  paningin  natin sige  ka." Nakangiwi  na halos hindi na marinig  sa  kahinaan  nito.

Para namang nahimasmasan si Crystal Marie sa narinig mula sa mahal  niyang asawa. Totoo  naman kasing napalakas ang boses niya kaya sa pagsasalita niyang muli ay pabulong na rin.

" Ano ba kasing nakain ng babaing ito at lumakad  mag-isa? Aba'y marami  naman siyang  maaring isama ah." Banaag  na rin sa  boses nito  ang pagkainis hindi dahil sa lumakad ang  pinsan niya ng mag-isa kundi  naiinis ito dahil kahit in a broad day light ay gumagawa  ng kababalaghan  ang  mga  tauhan ni Satanas.

" Nakalimutan  mo yatang kaya siya nandito according  to grandma na kaya siya nandito ay  para lumimot sa  kalung--"

Hindi na natapos ni Daylan ang sinasabi dahil hinila  na ito ng asawa palapit sa mga ito kaya  wala  na siyang nagawa  kundi ang sumunod  dito. But in his mind, he's  telling na " pambihira ang asawa niya dahil uminit  na naman ang ulo " . Pero kung nagulat siya sa paghila ng asawa  ay  mas nagulat pa siya sa sumunod na hakbang nito.

" Parekoy mukhang pamimilit na iyan ah." Ismid  nitong aniya  sabay tapik  sa balikat ng isa sa mga lalaki.

" Ate Marie!" Animo'y lumakas  na agila na sambit ng dalaga o  ni  Gwen ng makita ang pinsan dahil sa pagkarinig sa boses  ng pinsan ay bigla  siyang nakawala sa nakahawak sa kanya.

" Anong pakialam mong  babae ka! Come Gwen  honey let's go." Maangas na sagot ng lider nila kaya naman napantastikuhan ang mag-asawa pero agad ding nakuha ang ibig sabihin ng dalaga ng ito'y umiling.

" Hmm honey  pala ha? Well sige wala namang masama  sa honey." Pauyam  pang aniya ni Marie bago bumaling sa asawa na hindi malaman kung nang-aasar nga ba ito o paraan lang nito ang pagtawa nito para ilihis ang init  ng ulo  niya.

" Give them sample  asawa ko now na!" Tuloy  ay mando nito  pero halos  hindi pa natatapos ni Marie ang sinasabi ay lumapat na ang posas  sa braso ng isa  sa mga lalaki. Dahil habang nang-aasar pala ito'y nakahanda  na ang posas nito.

Kaya naman ang dalawa pa nitong kasama ay  mabilis na nagtangkang tumakas pero kung saan man binunot ni Marie ang baril  na ipinutok sa mismong tabi ng mga ito dahilan para mapatigil ang dalawa.

" Gusto  ni'yo  pang tumakas ha? Ito ang nararapat sa  inyo." Inis na inis pa ring sambit  ni Marie. Ang tagapagmana ni ex general Sungit este ex general Artemeo Aguillar  sa kilos, galaw, maski  ang outlook appearances nito ay kuhang-kuha ang mukha ng abuelo. Patunay lamang na umuusok ang ilong nito sa galit dahil bago pa makatayo ang dalawa ay nakaposas na rin  ang mga ito.

" Asawa ko take them all to the car and let's  go to the nearest police station and give them a lesson!" Malakas na utos nito  sa asawa.

Dahilan para mapatawa  si  Daylan. Kahit  kailan mula  sa  pagkakaibigan nila, sa trabaho,  hanggang sa pag-asawa nila. Wala itong ipinagbago  simula noong una niya itong nakilala.

I WISH YOU ARE HERE WRITTEN BY : SHERYL FEE( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon