The String to your Heart

363 17 3
                                    

Four years. 

Four years na tayong magkakilala. Four years na tayong magkasama. Four years na akong nagmamahal sa'yo ng palihim. 

Four years na rin akong umaasa sa wala. 

Oo nga pala, four years na rin tayong magkaibigan. In English, friends. FRIENDS. 

Saklap diba? Sa sobrang tagal na nating magkasama, hindi ko na maalala kung kailan o saan ako nagsimulang magkagusto sa'yo. O kung papaano tayo nagkakilala. Basta ang alam ko lang, masaya akong kasama kita. 

Alam mo ba kung gaano kasakit? Ang lapit lapit mo lang eh. Sa sobrang lapit mo, hindi kita maabot. At kahit anong gawin ko, parang may isang invisible na na dingding ang nakaharang sa'ting dalawa. Kahit anong gawin kong tulak, kahit anong pilit ko sa sarili ko, hanggang dun na lang. At kapag ipinagpatuloy ko pa, masasaktan ko lang ang sarili ko. 

Tiniis ko, alam mo ba yun? Tiniis ko ang panliligaw mo sa iba kahit ang sakit-sakit na. Oo lang ako ng oo kapag humihingi ka ng pabor sa'kin kahit na hindi ko pa tapos ang ginagawa ko. Sasabihin kong okay lang kapag magkasama tayo at biglang may mag-aayang babae sa'yo at naiiwan akong mag-isa. Hindi ako nagsasalita kapag nangangako ka sa'kin at makakalimutan mo kinabukasan kasi may bago ka nang appointment. 

Iniiyak ko lang kapag tatawag ka sa gabi bago ako matulog at sasabihing "I loveyou...BEST FRIEND." 

Tiniis ko lahat kahit parang nadudurog ang puso ko. Tiniis ko, kasi dun ka masaya. Kasi mahal kita. 

Do you know my biggest fear? Yun ay ang mawala ka. Natatakot akong pakawalan ka. Pero kung tutuusin, ilang beses na kitang pinakawalan sa tuwing nanliligaw ka sa iba at sasabihin mo sa'king "Jana, gusto ko siya." 

Sabi nila perpekto ka. You have the smile that could melt many women's hearts. You have the body that men are envious of you for. And your eyes - it's impossible not to fall for those eyes. For your eyes are like quicksand. Isang tingin mo lang, mahuhulog ka. At kapag nahulog ka, hindi ka na makakaahon pa. Pero para sa'kin, ikaw lang si DyMa - ang nag-iisang DyMa ng buhay ko.

I tried to suppress my feelings. Naisip ko, kapag itinuloy ko pa ang kahibangan ko sa'yo, baka tuluyan na akong malunod sa ilusyong ako mismo ang gumawa at di na makaahon. Gusto kong mabuhay sa realidad. I want to live the truth. And as much as I want you to be my reality, hindi pwede. Kasi ang katotohanan, hindi tayo pwede. Hanggang dun lang tayo at kailangan ko iyong tanggapin. Kaya nga ako sumali sa Rondalla diba? Sumali ako sa org para mabawasan ang oras natin na magkasama tayo. Sumali ako roon para magkaroon ako ng dahilan para umiwas sa'yo. Nang sa ganoon, mababawasan ang sakit. Kasi, nakahanap ako ng isang bagay na mag-o occupy sa puso ko - ang pag-ibig ko sa instrumento. 

I almost succeded in getting you out of my system. Unti-unti, nabawasan ang depedency ko sa'yo. Unti-unti, nababawasan ang kagustuhan kong makita ka, makasama ka. Unti-unti, nakakalimutan na kita. Mahal pa rin kita at mahirap iyong mabago sa isang pitik lang ng daliri ko. Hindi iyon ganoon kasimple. Pero proud pa rin ako sa sarili ko kasi naka-survive ako na hindi mo na ako niyayakap pagkakita mo sa'kin. Kasi umiiwas ako at gumagawa ng alibi. Proud ako sa sarili ko kasi nakakaya kong hindi marinig ang boses mo bago ako matulog. Kasi, pinapatay ko agad ang cellphone ko. Proud ako sa sarili ko na nakakaya kong hindi kita kasabay umuwi. Kasi sinasadya kong magpahuli at nagkukulong ako sa Rondalla room. Proud ako kasi nakaya ko. Isipin mo yun? NAKAYA KO. 

Everything was going according to plan. I was doing well at avoiding you. You weren't doing anything about it. My life couldn't get better than that. Kaunti na lang, makaka-move one na ako sa'yo. Kaunti na lang. Kaso, matibay ka talaga. Nakahalata ka sa intensyon ko. You started questioning me about it. You started following me around. You started to meddle with my business. Kahit nga mga taong nakakasalamuha ko, pinagdududahan mo na rin. At hindi ko iyon gusto. 

Dyma Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon