Chapter 2

3 0 0
                                    

Pysche Herron Pov

Pagkapasok namin sa room ay agad nagtinginan yung mga kaklase namin sa pwesto namin ni Britt. Halata sa mga muka nila ang gulat na kasama ni Britt ang tulad ko.

'Bakit kasama niya yang geek na yan?'

Karamihan yan sa mga narinig kong tanong ng mga kaklase ko. Which is tanong ko din sa sarili ko. Bakit naging kaibigan ko si Britt? Sa pananamit pa lang at sa ugali ay magkaibang-kaiba kami. Nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Britt sa dulo kung saan ako nakaupo kanina at tumabi siya sakin. Saktong pag-upo namin ay dumating ang prof namin.

Natapos ang klase ay agad ko na inayos lahat ng gamit ko at jilagay sa bag ko ganun din si Britt.

"Sinong kasabay mong umuwi Psyche?" Narinig kong tanong ni Britt.

"Wala, ako lang" Sabi ko sakanya. Bigla naman itong tumigil sa pag aayos ng gamit at humarap sakin.

"Seriously? Tara sabay na tayo. Hahatid na kita" Sabi niya sakin.

"Nako wag na, nakakahiya. Siyaka mas gusto kong naglalakad pauwi" Sabi ko sakanya. Nagpumilit pa din siya na siya na ihahatid niya ako pero sa huli ay ako pa din ang nanalo.

"Ayaw mo talaga magpahatid?" Tanong niya ulit sakin. Napatawa nalang ako sa kakulitan niya. Kanina pa niya kasi ako tinatanong baka daw kasi magbago yung isip ko. Umiling nalang ako sakanya at nagpaalam na.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa park sa loob ng subdivision namin. Nakita ko si manong na nagtitinda ng dirty ice cream doon..

"Manong Iko, magandang hapon po" Bati ko sakanya at nagmano.

"Oh ikaw pala yan Pysche" Sabi niyo sakin at ngumiti. Kilala na ako ni Manong Iko dahil lagi ako dumidiretso dito galing sa school. Parang pangalawang tatay ko na nga  si Manong Iko. Alam niya din ang tungkol sa stepmother slash gold digger ko. Siya kasi ang lagi kong napagsasabihan ng sama ng loob ko sa bahay at sa school.

"Kamusta ang eskwela iha?" Tanong niya habang naglalagay ng ice cream sa cone. Hindi ako nag salita kaya naman napailing nalang siya.

"Sabi ko naman sayo wag kang magpapaapi. Matuyo kang lumaban" Sabi niya at inabot sakin yung ice cream. Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Axel kanina.

'Learn how to fight. Don't let people ruin your life'

Namula ako ng maalala ko yung nanagyare kanina. Nakakahiya, first time na nga lang namin mag-usap sa nakakahiyang sitwasyon pa na nangyare sa buhay ko.

Nagkwentuhan pa kami ng Manong Iko nang mapansin kong gumagabi na kaya naman nag-paalam na ako sakanya na kailangan ko ng umuwi. Habang naglalakad pauwi ay may narinig akong yabag ng mga paa kaya naman napalingon ako doon. Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Axel na tumatakbo at may kasunod siyang limang lalaki halatang hinahabol siya.  Hindi ko alam kung anong sumanib sakin at hinabol ko din sila kung saan sila papunta.

Napadpad ako sa bakanteng lupa. May narinig akong nagtatawanan kaya naman sinundan ko yun. Nakita ko sila hawak ng dalawang lalaki si Axel habang yung dalawa naman ay nasa harapan niya habang yung isa naman ay nakaupo. Nagtago ako sa pader para hindi nila ako makita. Nakita kong kumuha ito ng kahoy at pinaglaruan niya ito sa kamay niya.
"Ano Axel? Nasaan ang ang yabang mo ngayon? Wala ang mga ka-grupo kaya umayos ka" Narinig kong sabi ng lalaki na mukang lider ata nila.
Ngumisi naman si Axel bago nagsalita.

"You don't know how to fight fair huh? Sabagay, kahit mag-isa lang ako kaya ko kayong tapusin" Sabi ni Axel. Tumawa naman yung lalaki na may hawak na kahoy.

"Nanganganib ka na nga, mayabang ka pa din? Kung baliin ko kaya itong hawak ko sa katawan mo?" Sabi naman nito. Nanlaki naman yung mata ko, kailangan ko tumawag ng tulong kung hindi mapapahamak si Axel. Tatawag na sana ako ng tulong nang marinig kong nagsalita ulit si Axel.

"Do it then" Sabi nito at nginisihan ang lalaki. Nainis ang lalaki, nanlaki yung mata ko nang makita kong iniamba ng lalaki ng ihampas kay Axel yung hawak nitong kahoy.

"WAAAAAAAAAG!" Huli na ng marealize ko ang ginawa ko. Napatingin sila sa gawi ko pati na din si Axel at nakita kong nagulat siya ng makita ako.

'Lagot na'

"H-hi?" Sabi ko at alanganing ngumiti sakanila.

"Hulihin niyo siya!" Narinig kong sabi nung may hawak ng kahoy. Nakita ko naman na tumakbo papunta sakin yung dalawang lalaki.

'Harujuskupu! Ayaw ko pa madedo"

Pumikit ako at nagdasal para buhay namin ni Axel.

'Lord jusko po, wag niyo po muna kami kunin. Wala pa nga kaming lovestory ng Axel kukuhanin niyo na agad kami. Lord wag kang ganya-'

"Ouch!"napatigil ako sa pagdadasal at napahawak sa noo ko dahil sa pagpitik sakin. Tinignan ko naman ang may gawa nito, nanlaki yung mata ko ng makita ko si Axel sa harapan ko. Hawak siya ng mga lalaki diba? Tumingin ako sa likuran niya, mas lalo akong nagulat ng makita kong nakahandusay ang mga ito.

"Stupid girl" Sabi nito at ngumiti sakin. Napanganga nalang akong tumingin sakanya tapos sa mga lalaking kanina lang ay balak na siyang saktan na ngayon ay nakahiga na.

"Anyare?" Tanong ko habang tinuturo yung mga lalaking nakabulagta ngayon sa sahig.Tumawa lang ito habang hindi pa din ako makapaniwalang nakatingin sakanya. Umiling naman ito saakin at ngumisi bago hawakan yung kamay ko at hinila ako paalis doon. 

Nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak. Naginit yung pisngi ko ng marealize ko na magkahawak kamay pala kami. Dinama ko yung kamay niya sa kamay ko. Ang lambot ng kamay niya daig pa ako. Hindi ko namalayan na napahigpit na pala yung hawak ko sakanya.

Nagulat ako ng tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. Nagulat naman ako at binawi yung kamay ko sakanya. Buti nalang madilim at hindi niya nakikita yung pamumula ng pisngi ko. Tinignan ko kung nasaan na kami at nakita kong nasa tapat na kami ng bahay namin. Napatingin ako sakanya at doon ko lang napansin na may sugat siya sa gilid ng labi.

"M-may sugat ka..." Sabi ko sakanya at hakmang hahawakan ko iyon ng tapikin niya yung kamay ko. Ouch

"Don't mind it, pumasok ka na" Sabi nito at tinalikuran ako at walang lingon lingon naglakad papasok ng bahay niya. Napabuntong hininga nalang ako dahil don at nagsimula na din maglakad papasok ng bahay.

"Bakit ngayon ka lang?" Pagkapasok na pagpasok ko pa lang ng pinto ay yung tanong ng Gold digger slash stepmonster ko ang bumungad sakin. Napairap nalang ako dahil don.

"Diyan lang..." Sagot ko at naglakad na paakyat. Wala akong ganang makipag-talo ngayon sakanya pero bago pa ako makaakyat ay hinili ulit ako nito pabalik.

"Hoy kinakausap pa kita, wag mo akong tatalikuran!"

"Pwede ba Minerva, wag kang mag panggap na nag-aalala ka kasi alam naman nating pareho na hindi and please, stop acting like your my mother because you're not" Sabi ko sakanya at hindi na hinintay ang saasabihin niya at agad na akong umakyat. Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi nako lumingon at agad sinarado yung pinto ko.

Naglakad ako papunta sa kama ko at humiga. Napatingin ako sa side table ko kung saan nandoon yung picture kung saan kumpleto pa kami. Kinuha ko yon at tinitigan.

"I miss you mom. I wish you were here" Sabi ko at niyakap ito hanggang sa makatulog ako.





Crush On Mr. Bad BoyWhere stories live. Discover now