Chapter 1- What an incident!

41 1 0
                                    

Hello. Ako nga pala si Leii Chanelle Lopez. 

LEII ang nakasanayang itawag sa'kin. Alam mo na?

MaaLEIINdog. Hehe! Just kidding :)

Eto, nagde-daydream nanaman ako.

'Di naman masama diba?

Andito ako ngayon sa Maybelle's Mall. Oath-taking ng kaisa-isa kong kuya-- si Kuya Gym.

Hindi naman talaga ako dapat sasama. Kasi alam kong maghihintay lang ako sa labas bg convention. Pero nakakahiyang tanggihan si kuya. Siya kasi mismo ang nagyaya sa'kin. Kaya napapayag niya na rin ako.

At isa pa, wala din naman akong ginagawa sa bahay.

Isa lang naman ang pinagkakaabalahan ko ngayong summer.

Ang paglalaro ng DOTA.

Madalas kong takasan sila Manang Fely (yaya ko simula pagkabata). 

Yeah, you read it right. (Alangan namang you heard it right? :D)

Masaya kasi e. Nakakawala din ng stress.

**

Makalipas ang ilang minuto..

Hindi nga ako nagkamali sa hinuha ko!

"Sabi na e! Paghihintayin lang ako dito sa labas! Tss"

'Di ko man lang nakitang nanumpa si Kuya. Kung sinabi niya lang sana kasi ng mas maaga edi sana nakapag-provide ako ng sarili kong ticket!

Pero proud ako sa kanya. Sana ganun din sila Mommy at Daddy. Hayy.

"Buti naman may upuan dito" may nakita akong bench.

Pagod na pagod na kasi ako at ang dami ko pang paltos. Wagas kasi 'tong sapatos na 'to. Maganda nga, nagkapaltos naman ako! Tsk!

Tingin tingin sa mga tao.

Observe. Observe.

Baka kasi may makita man lang akong kakilala diba? Enebe. Wala akong makausap. Nakakapanis ng laway ne? Haha.

Wala rin akong makalikot. Malas lang. 'Di ko din nadala si ipod. 

Tinatamad naman akong magtxt o kahit kalikutin man lang ang cellphone ko.

Almost 2hrs na 'kong nakaupo dito.

Kaya ko pa ba?

Antok na antok na ko  -__-

Maya maya..

*BOOOOMM!!!

Nangyari 'yung kinatatakutan ko.

Bumilis 'yung tibok ng puso ko.

'Di ko na alam gagawin ko.

WAAAAAHHHHH!!

Ayan na.

Ayan na.

Ayan aa?

'Wag ka kayang mag-panic Leii. Sige. Kausapin mo pa sarili mo. Haha

PAK$HET NAMAN! 'Bat ako nakatulog? Tsaka sino 'tong sinasandalan ko? At F na F ko ha? Imperneessss! Ambango ah? Baka naman gusto 'kong lumayo sa kanya?

At ganun talaga spelling ng IMPERNES? HAHA!

Nararamdaman kong tumitingin siya sa'kin.

Pasulyap-sulyap.

"Tinitignan siguro nito kung tulog pa ko." pabulong 'kong sabi sa sarili ko. Ang sarap kaya kausapin ng sarili ko. Hahaha!

"Teka, gising ka na ba?"

Nagualt ako. HALA! Napansin atang bumubulong ako!

"Miss? Miss?" tinatapik nung lalaki yung balikat ko.

Eto na..

Kunyari nagising ako bigla sa pagkakatapik niya sa'kin.

"Ay! S-sorry. N-napasandal pala ko sayo. S-sorry talaga. Antok na antok na kasi ako kanina e." joke lang yung napasandal part kasi hindi ko talaga maalala. Nakakahiya lang. Pero ang totoo, yung antok na talaga ako kanina.

"Nako. Ok lang miss." ngumiti sa'kin yung lalaki.

"Nakita ko kasing hirap ka na sa pwesto mo kanina. E kesa naman sa mabagok ka dahil sa likot ng ulo mo e sinandal nalang kita sa balikat ko." dagdag pa nung lalaki.

At IMPERNES  din naman sa kanya, me itsura sya ha? ANO BA 'TO? MEMBER NG SUJU?! (Chae: o 'wag na mag-react. KPOP nga e! :D)

Maputi.

Chinito.

Katamtaman lang yung built ng katawan.

Galing pumorma!

In short?

YUMMINESSS! HAHAHAHA!

"Sorry ulit ha?" aakmang papagpagin ko yung shirt nya. Malay mo nadumihan ko diba? Kahiya naman kay kuya!

Pero pinigilan nya ko.

Ngumiti ulit sya sa'kin.

OWMHEEENNN! THAT SMILE :))))

Ay naman kuya? Koreanong koreano ang datingan pero.. "Bat tagalog 'to magsalita?" bulong ko nanaman sa sarili.

"Ay! Sige ha? Got to go!" ngumiti lang din ako sa lalaki.

Pero para akong tangang mas mabilis pa sa alas kwatrong nagtatakbo palayo sa kanya.

Naman 'te! Embarassing kaya. Nakatulog ako dun? HAHA!

Sa sobrang bilis nyang tumakbo, hindi na nya narinig ang sigaw ng lalaki. 'Di rin nya alintana ang sakit ng paltos sa kanyang paa.

2hrs din akong nagpaikot-ikot sa mall. 'Di ko alam kung paano ko natagalan yun. Gayong ang sakit sakit na ng paltos ko.

Adrenaline rush talaga yung kanina. Grabe. Napatakbo ako. Natatawa nalang ako sa sarili ko.

"Atlast! Natapos din kayo!" sabi ko nang makita kong lumabas na si Kuya galing sa convention.

"Congrats Kuya!" lumapit ako sa kanya at niyakap. "Ang tagal-tagal naman nun!" Dapat pala 'di nalang ako sumama!"

"E malay ko bang matatagalan yun? Ayos lang yun. Nag-enjoy ka naman atang gumala e!" sabi sa akin ni kuya.

"Oo nga. Nag-enjoy ako." ngumingiti-ngiti ako. Pa'no, di maalis sa isip ko yung nangyari kanina.

"Tara! Kain muna tayo bago umuwi!" yayani kuya sa'kin.

"Sige kuya!"

**

Pagkatapos naming kumain e niyaya ko na agad si Kuya na umuwi. 'Di ko na kasi matagalan yung paltos ko sa paa. Pagkauwi namin, sinulat ko agad kay TALA yung mga nangyari sakin ngayong araw.

NOTE: Si TALA, yung DIARY ko. TALAarawan. GETS? :D

Dearest TALA,

Masaya ako ngayong araw na 'to. Ewan ko din kung bakit. Wala namang masyadong nangyari bukod sa ACCIDENTALLY kong nasandalan kanina. Ihhh! Crush ko siya! Sana makita ko sya ulit! Narinig ko syang kumanta. Ang cute *O* Hehe. Sige! Goodnight Tala! 

--

Author's Note: You'll meet the other characters of my story as chapters go by. 

Leave comments! Vote kung nagustuhan nyo. You can even send PMs on me. 

Keep updated! =))

 (c) CHAE

ONE-DAY LOVE AFFAIR [1DLA]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon