Chapter 2 : Kakaibang torpe

13 1 0
                                    

Kakagising lang ulit ni Clap ng mapansin niya na malapit na siyang malate. Nagmadali siyang tumayo ng higaan at Nagayos na para pumasok. Nang bigla na namang pumunta si Andrew sa kaniyang bahay at halos masira ang kanilang pinto sa kakakatok ni Andrew.

Clap : Pre! Ang lakas mo naman kumatok! Gigibain mo ba pinto namin?!

Andrew : Tagal mo kasing buksan pinto niyo eh, Kala ko tulog ka pa. 

Clap : Asus! Wala ka namang tiwala sa Papa mo, Syempre maaga ako gumigising kasi maaga pasok natin. Kalokohan mo talaga Andrew.

Andrew : Kalokohan ko pa eh no? Tara na nga Gerald Anderson! Late na tayo.

Sumakay na sa Jeep sila Clap at Andrew. Walang traffic kaya mabilis silang nakapunta sa School nila. Sakto sila ng pagpasok. Pagpasok nila ay nadatnan nilang wala pa ang kanilang first subject teacher.

Miguel : Yes! Hindi late! xD Pa burger ka naman oh? Burger! Burger! xD

Andrew : Leche! Ang yaman yaman mo papalibre ka pa samin ng Burger, Sipain ko ngala ngala mo eh.

Miguel : Porket mayaman di na pwedeng magpalibre?! Anong klaseng Debate na naman gusto mong palabasin? Racist ka ba?

Clap : Ano?!! Upo na nga tayo Andrew, Baliw na ata yang kupal na yan. Dalhin na sa Mental yan!

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang first subject teacher na si Mrs. Garcia, Inutusan ni Mrs. Garcia si Ruth at Clap na pumunta sa office upang kunin ang nakalimutan ni Mrs. Garcia sa kaniyang co-teacher. Habang nasa daan ay naguusap si Ruth at Clap.

Ruth : Clap, May tanong ako sayo.

Clap : Nagtatanong ka na nga eh, Nanloloko ka ba?

Ruth : Loko loko ka talaga kahit kelan! Hay nako!

Clap : Kalma! Ano ba kasi yun?

Ruth : Uhmmmm.......

Clap : Wow! Sarap naman pakinggan ng tanong na yan, Sarap i-record tas ulit ulitin sa speaker ng school. Hahaha!

Ruth : Eto naman! Kainis ka talaga! Hmmmp!

Clap : Hahaha! Game na, Bilis! Ano ba yun? 

Ruth : Crush mo pa rin ba si Ashlyn?

Clap : Tanong ba yan? 

Ruth : Ay hindi! Pangungusap yan! Natural tanong yan Abnoy! Ano nga?!

Clap : Atat naman to! Oo naman syempre! 

Ruth : Sasagutin mo naman palang unggoy ka eh! Bakit ayaw mo kasi ligawan?

Clap : Alam mo....

Ruth : Hindi ko pa nga alam eh! 

Clap : Leche! Sipain ko mukha mo eh!

Ruth : Baka magawa! Ano nga?

Clap : Hindi pa kasi ako ready.

Ruth : Wow! Astig mo naman! Ikaw ba yung liligawan? Ang arte mo te!

Clap : Syempre mahirap na mabusted, Eh di naman natin alam kung ano sasabihin niya diba.

Matapos no'n ay wala ng umimik at ginawa na lang ang inutos ni Mrs. Garcia. Bumalik na sila papuntang classroom. Pagbalik nila ay saktong nag-ring ang kanilang bell. (Crush ni Ruth si Clap matagal na pero hindi niya lang ito sinasabi sa kaniya, Kaya nagtatanong siya ng mga bagay na ganyan.)

The Misadventures of Clap ChuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon