[Charm's POV]
Ouch!
Sakit nun. </3
Naluluha na ako. Gusto ko nang umiyak.
Ang sasakit nung mga binitawan niyang salita sa'kin!
Pinunasan ko ang mga luha ko at tsaka umalis.
May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Wala naman diba? Kainis naman kasi, bakit pa kasi ako nagkagusto sa kanya! Ang sakit talaga. Siguro, dapat ko na siyang kalimutan. Titigilan ko na ang pagpapantasya sa kanya.
*bogsh!*
Aray! Malas ko naman! Nag-e-emote ako dito tapos napatid pa ako ng bato. T.T Kainis ka namang bato ka!
Sinipa ko ang batong nakapatid sa'kin dahil sa inis. Naisip ko tuloy na si Makku yung bato. Eh bato naman talaga siya diba? -.-
Buti nalang talaga walang masyadong tao dito ngayon kundi, pahiya ako dun. >///<
Pumara na ako ng taxi para mabilis akong makauwi sa bahay.
- - - - -
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho ko sa flower shop.
May makakasama na nga pala ako dito sa shop. Sabi kasi ng boss ko na dapat may kasama ako para di ako masyadong mapagod. Mamaya pa darating yun.
Umupo ako at inaayos na ang mga bulaklak. Napatingin naman ako sa restaurant. Nakita ko naman si Makku na nagdadala ng mga orders ng mga costumers. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at pinagmasdan na lamang siya.
Hayy... Makku, bakit di kita kayang kalimutan? Bakit ba kahit ipinagtatabuyan mo na ako, mahal pa rin kita? Ginayuma mo ba ako para mainlove ako sayo ng ganito? Kailan ba ito mawawalan ng bisa?
Tinitigan ko siya habang seryosong inaasikaso ang mga costumer. Ang gwapo niya talaga. Kung sana maging mature na ang isip niya para mapansin niya na ang pag-ibig ko sa kanya.
Narinig ko namang tumunog ang kuliling na nasa pinto, ibig sabihin ay may pumasok. Napatingin ako sa pumasok.
"Ah.. good morning po. Ako po yung kinuha ng boss niyo na makakasama niyo dito sa shop." aniya at nag-bow bilang paggalang.
Nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya.
"Ah, sige, mag-start ka na. Babalutin mo lang yung mga flowers para maging bouquet. At tsaka, lalagyan mo na rin ng mga designs."
Sinunod naman nya ang ginawa ko.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko habang inilalagay ko ang ibang mga bulaklak sa mga malalaking flower vase.
"Bianca po. Bianca Yap."
"Nice to meet you Bianca. Ako nga pala si Charm Pascual."
"Nice to meet din po."
Nag-usap lang kami ng nag-usap hanggang maging close na kami.
"Talaga?! Hindi ka rin pinapansin ng crush mo? Same pala tayo! Kahit alam na ng crush ko na may gusto ako sa kanya hindi pa rin niya ako pinapansin." sabi ko habang inilalabas ko yung mga malalaking vase sa tapat ng shop.
"Buti sayo, alam ng crush mo na gusto ka nya. Eh ako, nananatiling sekreto."
"Dapat sinabi mo."
"Mahina ang self confidence ko eh, di tulad sa'yo. Hanga na nga ako sayo eh!"
"Hehe! Ako pa. Sige na, umuwi ka na. 12pm na eh." sabi ko.
Si Bianca nga pala ang magbabantay ng shop sa umaga, at ako naman sa hapon. Napag-usapan namin na hatiin nalang ang oras, tutal magagaan lang naman ang gawain dito. Mula 8am hanggang 12pm siya, at ako naman ay 1pm hanggang 9pm.
BINABASA MO ANG
Ayoko Sa'yo! bleehh!
Humor| UNDER REVISION | Genre: ROM-COM Ayoko sa'yo! Di kita type! Kahit maganda ka, Di kita type! Kahit mabait ka, Di kita type! Kahit malakas ang charm mo, Di pa rin kita type! Alam mo kung bakit? Dahil, Ayoko Sa'yo! bleeh!! Di tayo bagay!