Chapter 2

85 5 1
                                    

[Makku's POV]

Aisshh! Kailangan ko ba talagang magtrabaho?

Tinatamad ako. -__-

Lumabas ako ng kwarto ko para kausapin si mama na next year nalang ako magtatrabaho.

Ano? Aangal kayo? Eh kung kayo nalang ang magtrabaho?! =.=

Tinatamad nga ako eh!

Nadatnan ko naman si manok sa living room, nanonood ng TV. Nilingon naman niya ako at binelatan. Ganun din ang ginawa ko. Ganito kami araw-araw, labasan ng dila. XP

Pumunta ako sa kusina pero wala siya. Bumalik naman ako sa living room at nagtanong sa kapatid.

"Hoy manok! Asan si mama?"

"Nasa garden!" sagot niya habang nakatutok sa TV.

Agad naman akong nagtungo sa garden. Nandoon nga siya, nagdidilig.

Nilapitan ko siya.

"Ma, pwedeng next year nalang ako magtrabaho? Di pa ako handa eh!"

"Hindi pwede! Naki-usap ka na last year na ngayon ka magtatrabaho!" sabi niya na nakatalikod pa rin sakin at dinidiligan ang mga halaman.

"Argh! Ma naman!"

"Basta sinabi kong ngayon, ngayon! Naiintindihan mo ba?!" sabi niya na nakaharap na siya sakin.

Arggh! Ano pa ba ang magagawa ko. =_=

"Papasok ka na sa trabaho bukas. Sa café ka magtatrabaho bilang waiter." dagdag niya.

o_o

Ano?! Waiter?! Kaya ko ba yun? Eh ang bagal-bagal ko nga!

"Ma! Bakit waiter?! Eh alam niyo namang kilos pagong ako!"

"Ah basta! Ako ang masusunod! Kung ayaw mo, ipapakuha nalang kita sa papa mo at ipa-handle sa'yo ang business niya! Gusto mo ba yun?!"

Ayoko syempre! Nakaka-stress daw yun eh!

"Oo na ma! Wag niyo lang akong ipasok sa business."

"Good!" pumasok na sa loob ng bahay si mama.

Arggh! It's so frustrating!

Gusto ko lang mag-english. Bakit ba?! -__-

Sumunod na rin ako sa loob at nagkulong sa kwarto ko.

-----

[Charm's POV]

Nakapangalumbaba lang ako habang hinihintay ang magdi-deliver ng mga bouquet ng bulaklak.

Amboring naman!

Namiss ko rin ang mokong na Jomel na iyon kahit papano. Araw-araw kasi siyang nagpupunta dito.

Huy! Baka iniiisip niyo na may gusto ako sa mokong na yun ha?! Wala akong gusto dun ha! Si Makku lang ang love of my life ko!

Napatingin ako sa isang restaurant na kaharap lang nitong flower shop. May nakita naman akong babaeng may kinakausap na manager ng restaurant.

Parang pamilyar siya ah.

Tinitigan ko siyang mabuti.

Mama ba yun ni Makku?

Tumayo ako at lumabas ng shop para lapitan ang babaeng kanina ay kausap ang manager. Paalis na siya kaya tinawag ko.

"Tita!"

Napalingon naman ang mama ni Makku sa direksyon ko.

Ngumiti naman siya at niyakap ako nang makalapit na ako sa kanya.

Ayoko Sa'yo! bleehh!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon