Tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang kumakain kaming lahat sa hapag."How's school?"
Tanong ni tito sa anak nyang si Nette. Lumunok at uminom muna sya ng tubig bago ngumiti at sinagot ang ama.
"Okay naman pa, I'm doing good promise"
Sabi nya sabay thumbs up. Napailing na lang ako. At nagpatuloy sa pagkain
"How are you?"
Napaangat ako ng tingin sa tito ko at sumagot ng
"Okay lang"
Akala ko magpapatuloy sya sa pagkain gaya ng madalas ng ginagawa pero nagkamali ako.
"How long it had been?"
Napayuko ako, hindi dahil nahihiya ako ngunit dahil sa wala akong masagot. Wala akong masagot dahil ayokong pag-usapan.
Isang beses lang sa isang buwan umuwi sina tito at tita gawa ng trabaho nila. Kung saang-saang lugar kasi sila napupunta kaya kada-uwi madami silang tanong.
Dati naman si Nette lang ang madalas nilang tanungin kaya nakapagtatakang ngayon ay pati ako.
"Hindi naman sa minamadali kita pero parang ganun na nga, tatlong taon na ang nakalipas. Maawa ka naman sa sarili mo"
Nakita ko ang pagsulyap ni tita at ni Nette sakin. Ngintian ko na lamang sila. Si tito ay kapatid ng daddy ko. Nang mamatay si mommy at daddy ay dito na sila tumira kasama ko at sila din ang tumatayong legal guardians ko.
"I'm fine tito"
"Are you? Nakakainis na makita na mas matagal ka pang nagluksa sa panloloko sayo ng Yorke na yun kaysa nung mamatay si kuya at ang mommy mo"
I was caught off guard. 4 years ago namatay sina mom and the next year I was betrayed
"I'm done"
Uminom ako ng tubig at nagpahid ng bibig bago tumayo.
Narinig ko pang pinagsabihan ni tita si tito dahil sa mga sinabi nya bago ako pumasok sa kwarto at tuluyang wala ng marinig.
Masakit. Masakit marinig yun galing sa taong itinuturing mong ama. Masakit kasi pakiramdam ko totoo.
Bakit nga ba matagal bago ako nakamove on?
Hindi ko rin alam.
Nung mamatay ang mga magulang ko ginusto kong sumunod. Pakiramdam ko mag-isa ako. Pakiramdam ko wala nakong karapatang mabuhay dahil ang mismong dahilan kung bat ako naisilang ay wala na.
Di ko makausap si tito noon dahil maging sya ay nasasaktan din. Ulila sila ni dad kaya si dad ang tumayong ama at ina nya.
Naiintindihan kong hindi nila ako madamayan dahil sya rin nasasaktan pero bakit sila? Bakit di nila ko maintindihan?
Noong panahong nawala sila mommy at daddy wala sila para damayan ako. Pero si Yorke nandoon. Nandoon sya ng mga panahong kailangan ko ng karamay at mapagkukunan ng lakas.
YOU ARE READING
I Loved you before i met you
Ngẫu nhiênMaari nga bang magmahal ng taong di mo pa nakikita? Sukatan ba ang distansiya para masabing umiibig ka? Naglalaro nga lang ba pag sa teknolohiya kayo nagkakilala? At Paglalaro pa rin ba kahit nasasaktan ka na.