Hindi na ako nagtaka na may nakita akong iilang friend requests galing sa mga taong di ko kakilala. Ganun naman diba? Kahit sino na lang inaadd kahit di mo personal na kilala. Pero nagtaka ako sa Eros Sarmiento na ito.
Sino siya? Bakit nagsend ng friend request ang pinsan ko sakanya?
Dahil naboboring din naman ako pinagdiskitahan ko nalang ang pag-accept sa mga FR ko. Pero bored padin ako kaya naisip kong istalk lahat ng nasa friend's lists ko.
Wala akong masyadong nakita sa iba pero kay Eros Sarmiento,
meron.
Halos lahat ng posts nya puro masasakit. Yung post na kapag binasa mo papasok sa puso mo at mapapaiyak ka na lang bigla.
Pero,
Buti pa siya, nasaktan siya pero nagawa niyang harapin. Nasaktan siya pero nagpapatuloy. Hindi tulad ko, habang buhay na ata akong makukulong.
Kung sabagay hindi na naman pare-pareho ang sakit. May mga sakit na mabilis makalimutan at meron din yung katulad ng akin. Matagal.
Pero syempre depende yun sa tao kung gaano sya kalakas at yung resistensya nya sa sakit. Ay teka, hindi pala depende yun sa capacity ng tao pagdating sa emosyon. Ayun yun
Naagaw ng pansin ko ang biglang paglitaw ng chatbox.
Si Eros
Eros: Hi
Hi, isang simpleng pagbati na hindi ko alam kung kaya ko bang replyan. Nakakatakot na nakakahiya dahil di ko naman siya kilala. But then nagreply parin ako
Elaine: Hello
Kinakabahan talaga ako ng hindi ko alam kung bakit.
I waited.
And waited
And waited
Pero hindi siya nagreply. Nag-offline pa nga. Gusto kong mainis, hindi ba ko worth it kahit seen man lang?
Patuloy akong tumitingin sa news feed ng biglang nag- pop ang chat box
Eros: hello
He said hello, kung kanina nahiya akong magreply ngayon naman nagdadalawang isip ako. Magrereply o hindi? Kaso naseen ko na baka isipin neto ang snob ko. Sa huli ay napagdesisyonan kong magreply na lang.
Elaine: uh, hi ulit. Musta?
Madami siguro siyang kachat, ang tagal magreply.
Napahingang malalim na lang ako.
Gusto kong magsaya ng nakita na niya ang message ko
Pero nakakainis pala, kasi matapos niyang maseen.
Naglog out siya ulit.
Naiinis na talaga ako sa kanya. Pero ang gulo ko rin. Gusto kong maseen nya pero nung maseen na gusto ko namang replyan pa. Mali to, dapat makontento ako saka di ko naman sya kilala noh. Para ang lakas kong magdemand.
Eros: App crashed sorry. I'm okay by the way. Ikaw musta?
Oh? He has his reasons naman pala.
Elaine: I'm good.
Eros: okay
Okay? Ang hirap replyan ng okay. Sa dami naman kasi ng pwedeng ireply okay pa. Saka bat okay? I'm good tapos okay? Walang kwenta kachat.
Makapag-off line na nga lang.
-
YOU ARE READING
I Loved you before i met you
De TodoMaari nga bang magmahal ng taong di mo pa nakikita? Sukatan ba ang distansiya para masabing umiibig ka? Naglalaro nga lang ba pag sa teknolohiya kayo nagkakilala? At Paglalaro pa rin ba kahit nasasaktan ka na.