Lala: ilang taon ka na Elaine?
Elaine: 19
Mimi: Unnieeeeeee, I'm 16 hehehe
Lala: parehas kayo ni founder ng edad, 19
Elaine: sinong founder?
Kit: ako, hi novus 🤗
Naubos ang oras namin na puro tanungan lang at sinabi ko naman sa kanila ang mga bagay na gusto nilang malaman. Masaya, pakiramdam ko nagkaroon ako bigla ng mga kaibigan. Hindi ako nagkaroon ng kaibigan noon kaya masaya ako.
Diane: nagsusulat ka ba El?
Elaine: sulat san?
Diane: I mean, writer ka ba?
Elaine: business ad course ko
Kit: bwahaha
Mimi: nyahahahahaha
Lala: epic hahahahaha
Ehh? Bakit sila tumatawa? Anong meron?
Elaine: uhh? Bakit?
Diane: Hahahaha my bad, ibig ko sabihin kung wattpader ka?
Elaine: ahhh, yeah
Diane: writer or reader or both?
Elaine: reader.
Diane: pero natry mo nang magsulat?
Elaine: uhhh... no
Elaine: wala akong talent diyan, masaya na ako sa pagbabasa
Puro tanugan lang ang ginagawa namin, they asked me kung gaano nako katagal nagda-dummy at first di ko gets pero naalala kong dummy accunt nga pala tawag sa account ko na gawa ng pinsan ko, sinagot ko naman ng bago pa AS IN bagong-bago.At kagaya nung message nung Leandre Bandini
"wag kang magtitiwala agad ate" sabi ni Diane.
Well ate naman talaga ako kasi mas matanda ako sa kanilang lahat. pero di ko maiwasang kabahan sa sinabi niya or I'd rather say babala niya. pakiramdam ko may mangyayaring di ko inaasahan na talagang makakapanakit sa akin ng higit pa sa kaya ko.
"Noted" sabi ko na lang na may ngiti kahit 'di naman nila ako nakikita. Gusto kong makita silang lahat kaso feeling ko taboo yun sa mundong 'to. kaya di ko na pinush pa.
Wala din naman ng nagchat pagkatapos isend ni Diane yung babala niya. Just when pipindutin ko na ang log out the chat head popped out.
"hey..."
it's from Eros.
Naiinis ako sa kanya aryt? sineen niya 'ko how dare he? But then there's this feeling of excitement kasi nagchat siya. Nakakainis! Ano na self? Na-fall ka na agad? my gash! ganito na ba ako kasabik sa lalaki at kahit di ko pa nakikita naattract na ako? well, nakita ko naman na siya..I mean yung kalahati ng mukha niya. pesteng mask!
"oh?" reply ko sa kanya
Eros: ang sungit
Ewan ko pero kahit 'di ko siya nakikita feeling ko nakangisi siya. hmp!
Elaine: why do I have this feeling that you're grinning?
Eros: Oh? Manghuhula ka na?
Elaine: baka Empath? LOL
Eros: parehas lang yun!
Elaine: whatever masked guy
Eros: HAHAHA! Will you stop calling me that? Magagalit ako sayo sige...
Elaine: yeah galit, with matching 'HAHAHAHA'.
Eros: El....
Natigilan ako sa chat niya na yun, nangingilabot ako 'di ko alam kung bakit. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. There's this imaginary voice ni Eros sa isip ko na seryoso at para bang may gustong sabihin pero nagdadalawang isip. Para bang magco-confess - Ay! wait ha? ang lawak na masyado ng imagiation ko!
Elaine: Ano?
Eros: Galit ka ba?
hmp!
Elaine: Hindi
Eros: Ba't feeling ko , Oo?
Elaine: LOL! Tama yang feeling mo
....
Elaine: Feeling lang talaga yan
Eros: HAHAHAHA, Pero seryoso na? Galit ka?
Elaine: I'm not, naiinis lang
Eros: And why is that?
sasabihin ko ba? yikes! Whatever
Elaine: kasi seen Lord ka!
Eros: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Napataas ang kilay ko ng mabasa reply niya, like what the hell! Anong nakakatawa?
Elaine: -_- !
Eros: you amused me El..
Pesteng El yan! kahit 'di ko tunay na pangalan kinikilabutan ako.
Eros: sorry na babe, 'Di na mauulit?
'Di ko alam pero, nung mabasa ko ang chat na yun,
napangiti ako...
Elaine: oo na, uwi ka na :)
--
YOU ARE READING
I Loved you before i met you
SonstigesMaari nga bang magmahal ng taong di mo pa nakikita? Sukatan ba ang distansiya para masabing umiibig ka? Naglalaro nga lang ba pag sa teknolohiya kayo nagkakilala? At Paglalaro pa rin ba kahit nasasaktan ka na.