Kabanata VIII: Lagusan

58 3 5
                                    

Scott's Pov

Kahit kanina pang dumdungaw ang bilog na buwan, nakikita pa rin namin ni Alexa nang malinaw ang kapaligiran. Sa totoo lang, mas pipiliin ko na yatang mabuhay rito. Dahil nagagawa ko ang bagay na hindi ko nagagawa sa totoong mundo.

Malaya akong nagagawa ang matagal ko nang gustong gawin. . .

Malaya akong nakakalipad. . .

Malaya ako sa gutom. . .

Malaya ako sa kalungkotan. . .

At higit sa lahat—malaya akong nakasalamuha ang mga taong gusto kong makita.

Ang mundong ito na ikina-akala kong mapanganib ay siyang nagbibigay sa 'kin ng kalugoran. Mahirap mang tangapin ang katutuhanan ngunit mas mahirap mabuhay ng walang kalayaan.

Papunta kami ngayon ni Alexa sa Mansyon upang mabigyang kalayaan na ang mga taong naninirahan dito. Hindi na kasi nila nagagawang kontrolin ang kanilang sarili na mag-ibang anyo kapag nakaramdam sila ng takot sa mga manlalakbay rito mula noong nabuksan ang lagusan. Nanlilisik ang kanilang mata sa paninibugho, nanlalaki ang kanilang mga kuko sa galit, nauuhaw ang kanilang bibig sa kaluluwa, at namumutla ang kanilang katawan sa gutom. Ito ang kanilang nararamdamam sa tuwing nakakaamoy o nakakaramdam sila ng takot sa mga manlalakbay rito...

Nang matanaw na namin ni Alexa ang matayog na mansyon sa di kalayuan ay mas lalong binilisan pa namin ni Alexa ang paglalakad.

Nang marating namin iyon, agad naming itinulak ang malaking pintong kulay-kaki na mayroong nakaukit na dibuhong hexagon. Dahan-dahan kaming humakbang sa biyak-biyak na sahig. Huminto si Alexa sa gilid ng pinto at pinihit ang plangka dahilan nang bahagyang pagbukas ng mala-salamin na kurtina sa malaking pabilog na hagdan sa gitna.

Kitang-kita rito na nabukasan na ang lagusan; hugis globo ito na napaglalagusan ng paningin. Dahan-dahan sa paglaki, ngunit bumabalik din sa dating sukat.

Sa ibabaw naman nito ay may anim na taong naka-albang lumulutang at nakabaliktad sa himpapawid na tila pinapalibutan ang lagusan.

Habang papalakad si Alexa papunta ro'n, may tatlong lalaking lumuntad sa dilim at marahas na nagkakandarapang tumakbo kay Alexa.

Biglang inilabas ni Alexa ang kanyang libro at padabog na itinulak ito gamit ang balaghan—ang nakasaad sa kanyang libro.

Nagsilabasan ang mga mapuputlang nilalang sa dilim habang panay niyang itinulak ito. Sa tuwing itinulak niya ito, mas dumarami ang mga namumutlang dayuhan. May nakasuot na bestido, barong, bolero, toxido, at samo't saring kasuotan.

Lumikha siya ng isang naaaninag na harang. . .

"Bilisan mong pumunta rito at mauna ka nang pumasok sa lagusan," sigaw ni Alexa sa 'kin habang mas lalong pinapatibay ang ginawa niyang harang.

Tumakbo ako patungo sa kaniya at agad kong binuklat ang aking libro.

Pinikit ko ang dalawa kong mga mata at inisip ang mga masasayang alaala.

"Anong ginagawa mo? Bilisan mo! malapit nang bibiyak ang ginawa kong harang!" Hindi ko siya pinakingan at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Naramdaman ko ang maalinsangang enerhiyang humihipo sa aking balat at habang lumalalim ang aking pagbalik tanaw. Mas lumakas ang enerhiyang pumapalibot sa akin at ipasawalang bahala ko na lamang ito sa libro kung ano ang ipapakita nito sa'kin.

Ang umyak na mailathala sa kaliwa ay sumasagisag sa ganting-pagal ng lampos na kaluguran. Ilantad ang nararamdaman mula sa puno hanggang sa dulo ng kaibuturan at tuluyang pumutok na tila bulkan.

Isang luhang kumayat mula sa kaliwa kong mata kasabay nito ang pagbitaw ko sa enerhiyang humuhipo sa aking balat at tuluyan itong kumawala. Iminulat ko ang aking mata. Nakita kong nakadapa si Alexa.

"Huwag ka nang pumasok sa lagusan," mahina niyang sambit habang hinahabol ang kaniyang paghinga.

"Nagkamali ako. Marahil ang lagusang iyan ay matagal nang nabuksan... Ngunit dahil sa mga taong iyan," huminto siya sa pagsalita saglit at itinuro ang mga taong nakalutang, "dahil sa mga taong iyan, nagawa nilang ikalabos ang lagusang maaaring kumawala ano mang oras."

"Nasaktan ka ba?" Pag-iibang tanong ko sabay lahad ng kamay ko sa kaniya. Tinanggap naman niya ito at ramdam ko ang bigat sa kaniyang pagtahak.

"Habang hindi pa tuluyang kumawala ang lagusan, kailangan nating hanapin ang iba," aniya.

"Ibig sabihin hindi lang isa ang lagusan? Marami pa?" Ang unang tanong na naisip ko.

"Mayroong anim na lagusan. Dahil anim ang Astral Dimensions. Ang Astral, Mental, Buddhic, Atmic, Adi at Anupadaka. Kaya kung napapansin mo ang hexagon na nakaukit sa pader, pintuan, maging sa kagamitan, ipinapahiwatig dito ang anim na gilid sa hexagon bilang anim na Dimensyon."

Hindi ko pa rin lubusang maunawaan ang kaniyang ibig sabihin. Kung anim ang dimensions, paano naman kami makapunta ro'n? Paano ito nagawa? "Paano natin mahahanap ang ibang lagusan? Saan?" Sa dinami-rami kong tanong, iyon lamang ang lumabas sa aking bibig.

"Dito," agad naman niyang sagot.

"Dito?" Paanong naging dito? Baka may kinalaman ito sa mga taong naka-alba. Anim din sila. Ibig sabihin ba nito, bawat isa sa kanila ay naroroon sa bawat dimension? Paano namin matitigilan ang pagkawala ng ibang lagusan?

"Oo," sagot niya habang ako'y nakatingala, "tama ang naisip mo. Kung napapansin mong anim lang ang taong lumulutang, ibig sabihin, bawat isa sa kanila ay naroroon sa bawat Dimension. Kaya nagawa nilang matigilan ang pagkawala ng lagusan sa iba't ibang dimen—" Napahinto siya sa pagsasalita nang bigla siyang nakaramdam ng panghihina.

"Ngunit..." Kahit namumutla't nanghihina siya, sinusubukan pa rin niyang magsalita.

"Ngunit ano? Huwag ka munang aalis!"

"Dahil sa ipinakita mong balaghan nagawa itong kumawala ang lagusan kaya itong tinataha—" Huli niyang sinabi bago tuluyang maglaho.

Kahit hindi buo ang sinabi niya, alam ko na ang gusto niyang sabihin. Tuluyan ng nabuksan ang lagusan sa dimensyong ito.

Tinignan ko bawat sulok ng pader. Unti-unting sumikip ito at nagkaroon ito ng apat na solok. Napalitan ang malaking pintuan ng maliit. Nanatili ang malaking pabilog na hagdan sa gitna na kinakatayuan ko ngayon. Bahagya akong napatingala at naroroon parin ang anim na taong naka-alba. Ngunit unti-unting naglaho ang isa. Lima na sila ngayon. Tinignan ko sa ibaba nila ngunit hindi ko na makita ang lagusan. Mga ilang saglit pa ay napalitan ang lagusan na iyon ng banibago. Isa lang naman ang alam kong ibig sabihin nito. Ang tinatapakan ko ngayon ay ibang dimensyon. . . 

Rinig ko ang patak ng ulan sa labas nitong gusali at dahil sa malamig na hangin na pumasok sa loob mistulang nagkaroon ito ng buhay at sunod-sunod itong pinatay ang apoy ng solo at aranya.

Huli na ang lahat. . .

"May tao po ba rito?" Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong paligid.

"Andrew, ikaw ba yan?" Tanong ko. Kahit anong pilit kong imulat ang aking mata ay hindi ko ito magawa.

"Scott?" Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaibang puwersang humahatak sa akin pababa at unti-unti akong nanghina.

"Andrew, huli na ang lahat. . ." Habang sinasabi ko ang salitang iyon naramdaman ko ang unti-unting pagkamanhid ng aking katawan.

"Huli na ang lahat. . ." Wala akong ibang masabi maliban sa salitang iyan.

"Huli na. . ." Napaluhod ako sa matinding pagod habang walang kamalay-malay na inulit-ulit ko ang salitang, "huli na."

Astral TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon