First day of school.
New school, fresh faces, new environment. Yup, I think I'm ready.
Oh. My name's Zoe btw. Andddd, it's my first day in W Academy! Actually, excited na excited na akong ma meet yung mga kaklase ko, sana mababait sila. *cross-fingers*
Tingin tingin sa room numbers and poof! Nakita ko na yung room ko! :)))
Papasok na sana ako sa room namin nang biglang may umuna na lalaki sa pagpasok. Nabangga niya ako dahilan para matumba ako.
"Aray! Ano ka ba!" sigaw ko. Ehh kasi naman, parang nagalusan yata kaunti yung tuhod ko sa lakas ng impact!
"Hahahaha sorry taba. Nagmamadali kasi ako tsaka kung payat ka sana, magkakasya sana tayong dalawa sa pagpasok." sabi nung lalaki
Nagtawanan yung mga kaklase ko. Grr!
Fast forward >>>
Mga ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang nagtransfer ako dito sa W Academy at, kung tinatanong niyo kung naging masaya ba ako dito? Hmm. HINDI! #capslockparaintense!
Eh paano naman ba kasi, sikat na sikat ako sa school namin. Ako kasi yung palaging binubully ng mga tao dito kesyo mataba raw ako. Tsk. Hay naku! Eh paano ba naman kasi, standout talaga ako dito sa highschool department kasi ako yung pinakamalaking babae sa school namin. Meron namang mga matataba pero ako talaga yung PINAKAMATABA. (-_-)
At bakit ako yung favorite nilang ibully? Kasi lumalaban ako. Hindi kasi ako yung tipong kapag inaaway ay iiyak lang sa may sulok at magpaka tragic diyan.
1st summative exam.
Dito ako unang na inlove. Ganito kasi yun, diba pag nag eexam eh, one-seat apart? Sa amin kasi, parang 3-seats apart kung mag exam! So ang ginawa ng teacher namin ay may limang estudyante na mag eexam sa labas. Wala masyadong may gustong sa labas mag take ng exam kasi mainit sa labas walang aircon. Pero napagdesisyunan ko nalang rin na doon mag eexam kasi yung katabi kong lalaki dito sa loob ay panay ang sabing, "Hoy baboy, pakopyahin mo ako mamaya ah? Lagot ka sakin pag di ka nagpacopy"
Grr! ang kapal ng mukha niya! Kaya eto ako ngayon sa labas nag eexam para hindi siya makacopy!
Panay ang tagak-tak ng aking pawis habang nag aanswer ako ng math. Gosh! Dugo't pawis ko talagang sinagutan yung math!
Panay ang reklamo namin dito sa labas at habang busy ako sa pagsasagot ng aking pinakamamahal na math, (take note the sarcasm here) ay hindi ko namalayang may tumitingin pala sa aking papel mula sa likuran..
[cont.]
BINABASA MO ANG
True Love Weights
Fiksi Remaja"Ayaw niya sa akin dahil mataba ako." -Based on a true story