A/N:
Happy 50 reads matchmakers! Aylabyu all! Mwaaah! Just continue to support by voting! Happy new year!Destiny's POV
"Aaaaaaaahhhhh!", tanging nasabi ko nang makita ko ang liwanag na iyon.
Bigla akong napunta sa isang dimension na hindi ko alam. Para bang gumuguho na ang mundo. Nahihilo na 'ko! Ano na ba kasi ang nangyayari!
Unti-unti kong nakikita ang aking katawan. Teka! Wuut? Kaluluwa ako diba paano ako nagkaroon nito? Waaaa I need an explanation Cupiiiiiiddd!
Tapos bigla akong nagkaroon ng dalawang braso, kamay tapos paa! Nababaliw na ako! Ano ba kasi talagang nangyayari?
Hanggang sa bigla na lang akong bumagsak na para bang galing ako sa ere. At kasabay noon at ang pagpikit ng aking mga mata dahil sa sobrang pagkalito at pagkahilo..
Sa pagsapit at pagdating ng araw ng mga puso,
Isang trahedya ang magaganap at ang kaligtasan ng lahat ay nakadepende sa desisyon mo,
Darating ang pagkakataon kung saan kailangan mong mamili sa dalawang bagay,
Buong mundo, o isang tao, pagpapasiya ay gawing matiwasay.
"Aaaaaaahh!", sigaw ko dahil sa sobrang pagkagulat sa aking narinig. Haaayst.. Buti na lang pala panaginip lang yun.
Nakakatakot naman kasing magdecide no! Tapos kung between sa isang tao at mundo, edi mundo na lang. Tss. Isang tao lang naman papalagpasin ko eh.
Luh.. Teka asan ako? Halaaaa! Omaygad! Nakalimutan kong nagtransform na pala ako bilang tao! Oh my gosh! Hala baka nakahubad ako.. De joke lang haha..
Asan na ba kasi talaga ako? Basta alam ko lang pagkagising ko nandito ako sa isang maganda at eleganteng kuwarto. May make up table sa left side. May study table sa right side. Tapos may mga shelf pa! Andaming libro! Kaninong katawan kaya itong napasukan ko? Yaman niya ah! Complete na complete ang bedroom eh. Kumbaga sa kanta, " nasa'yo na ang lahat". Haha!
"Irish, Snow is here. Bumaba ka na diyan.", may kumatok sa pinto at nagsabi nun. Teka, ako ba yung pinapababa niya?
"Irish!? Hindi ka pa ba bababa diyan? Nandito si Snow oh!", wuuuut? Teka? Ako yung Irish? Dont tell me—!
Waa don't know what to do, don't know what to say! Anong gagawin ko ngayon?!
" Uhmm.. Hehe. Wait! Coming!", yan na lang ang tanging nasabi ko. Haha nag-english ako kasi medyo mayaman ata yung may ari ng kuwarto na 'to. Hehe.
Bago ako umalis ng kuwarto, tumingin muna ako sa salamin dun sa make-up table. Tapos nakakita ako ng multo! MAGANDANG multo. Waaa de joke lang. Ako yun. Haha.
Ay hindi pala ako yun.. Si Irish pala hehe..
Pero in all fairness, magaling pumili ng katawan 'to si Cupid! Ang sexy tapos ang ganda pa! Pwede na pang model haha!
"IRISH CARMELA ERIANNA LOPEZ! Are you going down or papapuntahin ko diyan sa taas si Snow?"
Waa oo na po. Sigaw ng sigaw eh. Atat much?
"Pababa na po!", sagot ko at bumaba na ng hagdanan. Muntikan pa nga akong madapa dahil sa sabrang ganda ng bahay namin— er, I mean, bahay ni Irish hehe..
Nandun na ako sa last two steps ng hagdanan tapos biglang may nagsalita sa isip ko.
Magkita tayo sa park mamayang 4pm. Ibibigay ko sa'yo ang lahat ng impormasyong kailangan mong malaman ng sa ganon ay madaling matapos ang misyon mo.
Tandaan mo, Ika-labindalawa na ngayon ng Disyembre. May dalawang buwan ka na lang para tapusin ang misyon bago ang tuluyang pagkawasak— ah pagkatapos pala ng oras mo.
Ugh! What the heck Cupid?! Mind link nanaman? –_– Oo na!
Dahil sa mind like na iyon ay sumakit ang ulo ko for seconds. " Hey Ice, are you okay? Sabihin mo lang kung hibdi para bukas na lanh tayo magmall.", sabi sakin nung Snow. Infairness ah, mukang mabait 'to.
"Uhmm.. I'm okay, I guess.", sagot ko habang medyo nahihilo pa. Letse kasing Kupido na 'yan eh. Daming alam.
"Oh is that so? Okay. Magbihis ka na so we can go shopping!", sabi niya ng may halong excitement. Really? Ano 'to first time niya kang makakapagmalling? Haayst..
—
Nagbihis na ako at sinuot ko na lang kung anong nakita ko sa closet. Nagsuot ako ng isang gray shirt with matching pants. Simple pero maganda naman. Nagsuot din ako ng relo para atleast alam ko kung kailan ako pupunta sa park para makipag kita kay Cupid.
At bago ako bumaba para magshopping, I took a deep breath, and smiled.
Haayst.. This is the start of my mission. Sana talaga magtagumpay ako.
To be continued...
YOU ARE READING
Working As Destiny
FanfictionManiniwala ka ba kung sasabihin kong ako ang tadhana? Oo tama ang binasa mo. Ako nga ang tadhana. Nagtatrabaho ako bilang normal na tao sa mundo. Pero may ilang mga tao na gustong baguhin ang tadhana.. At ang mga nakatadhana sa kanila... Kaya naman...