PROLOGUE

62 1 0
                                    

Ang pag-ibig ay parang goma. Pag bumitaw yung isa, masasaktan yung isa.

Ang pag-ibig ay parang plantsa. Pag di na mainit, di na kayang umayos ng gusot.

Ang pag-ibig ay parang ketchup. Matamis, kaya madaming nakikisawsaw.

Ang pag-ibig ay parang bumbay. Bigla bigla nalang dumarating.

Ang pag-ibig ay parang ay parang cellphone na nahulog sa toilet bowl. Makukuha mo lang pag may lakas ka ng loob.

Ang pag-ibig ay parang bubble gum na kahit anong klaseng nguya ang gawin mo darating pa rin sa puntong mawawalan ito ng tamis.

Ang pag-ibig ay parang Foreign Language. Kung di pagaaralan, di maiintidihan.

Ang pag-ibig ay parang tsinelas. Di ka makakapaglakad ng maayos kung wala yung isa.

Ang pag-ibig ay parang sinampay. Nananakaw.

Ang pag-ibig ay parang lotto. Kailangang sumugal para maka-jackpot.

Ang pag-ibig ay parang joke. Minsan pilit, minsan masaya, minsan nakaksakit.

Ang pag-ibig ay parang washing machine. Paikot-ikot lang.

Ang pag-ibig ay parang sipon. Makapigil hininga.

Ang pag-ibig ay parang mga kaibigang may kinakampihan. One sided.

Ang pag-ibig ay parang turtle na may pakpak. Kalokohan.

Ang pag-ibig ay parang larong Poker. All In ang tiwala at respeto.

Ang pag-ibig ay parang bagyo. Hindi mo maprepredict kahit may PAGASA.

Ang pag-ibig ay parang boxing. Di maiiwasang may masaktan.

Ang pag-ibig ay parang bill ng kuryente. Maraming hidden charges, wala kang laban.

Ang pag-ibig ay parang virus sa computer. Sinisira lahat ng pinaghirapan mo.

Ang pag-ibig ay parang ipis na tinapakan. Akala mo patay na, yun pala buhay pa.

Ang pag-ibig ay parang halaman. Kapag hindi inalagaan, mamamatay.

Ang pag-ibig ay parang teleserye. Abangan ang susunod na kabanata.

Ang pag-ibig ay parang ang paborito mong laruan. kahit pangit at sira na, ayaw mo pa ring bitawan.

Ang pag-ibig ay parang damit. Hindi lng basta dapat bagay sayo. Dapat komportable ka rin.

Ang pag-ibig ay parang trahedya. Nakakpagpapabago ng pananaw sa buhay.

Ang pag-ibig ay parang tubig. Mahalaga pero inaaksaya.

Ang pag-ibig ay parang Algebra. Parating panggulo ang “x” at laging may tanong na “y”.

Ang pag-ibig ay parang Bible. Maraming lesson.

Ang pag-ibig ay parang global warming. Di mo mamamalayang nararamdaman mo na pala.

Ang pag-ibig ay parang antique furniture. Habang nagtatagal, nagmamahal.

Ang pag-ibig ay parang Cobra Energy Dring. Kapag meron ka nito, wala kang talo!

Ang pag-ibig ay parang ulan. Kung kelan di ka handa tsaka naman bubuhos, kung kelan nageenjoy ka na, tsaka hihinto.

Ang pag-ibig ay parang planeta, tumitingin lamang sa bituin kahit hindi niya ito kayang abutin.

Ang pag-ibig ay parang pagsasagot sa exam. Kinakailangang gamitin ng maige ang utak mo.

Ang pagibig ay parang Aso. Ulol.

Ang pag-ibig ay parang biogesic. Nakakapagpagaling kahit walang laman ang tiyan.

Ang pag-ibig ay parang bulutong. Nagiiwan ng marka.

Ang pag-ibig ay parang pagkain. Hindi dapat pinagaantay.

Ang pag-ibig ay parang 3-day sale. Hinihintay.

Ang pag-ibig ay parang cross stitch. Maraming pattern.

Ang pag-ibig ay parang lobo. Once na binitawan mo, hindi na babalik sayo.

Ang pag-ibig ay parang baha. Gaano man kalalim, mawawala’t mawawala din.

Ang pag-ibig ay parang Wi-Fi. Madaling madetect, mahirap iconnect!

Ang pag-ibig ay parang gutom. Lumilipas.

Ang pag-ibig ay parang course. Minsan, hindi talaga para sayo. Kaya kailangan magshift.

Ang pag-ibig ay parang imburnal..nakakatakot mahulog..at kapag nahulog it’s either aksidente o tanga ka lang talaga.

Ang pag-ibig ay parang Math. Hindi nauubusan ng problema.

Ang pag-ibig ay parang science. Maraming dapat patunayan.

Ang pag-ibig ay parang Chemistry. Kailangan ng tamang elements para makuha ang tamang reaction.

Ang pag-ibig ay parang PE. Minsan nakakapagod, minsan boring, minsan papawisan ka, minsan naglalaro ka lang talaga.

Ang buhay ng tao o pag-ibig man ay parang isang laro.

May nananalo at syempre may natatalo.

May nagtatagumpay at nagiging masaya.

Meron ding natatalo at nagmumukmok.

ganun talaga.

Minsan nga wala ka na lang talaga magagawa.

Kundi tanggapin.

At mapapaisip ka...

Tama ba yung pinasukan kong laro? 

O una pa lang pala, talo na ako di ko pa alam?

Kung alam mo di mo na kaya..

Susuko ka na lang ba? O lalaban ka pa?

Mananalo ka ba at liligaya.?

O? Matatalo ka at iiyak na lang?

GAME OVER (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon