Ako si Mark De Jesus, Minsan tawag nila saken Mdj, Mark. At kung sa mga girls Marky. Aaminin ko playboy ako, pano ba naman kase? Ang daming nahuhumaling sa kapogian ko. Mark ata yan. Ako pa ba? Hahahaha. Marami din akong naging ex. Meron nga wala pang dalawang minuto break na agad kame.
Ilang beses na din akong nasasampal ng mga babae ko. Pero syempre di pa din nagbabago kagwapuhan ko. Ilang beses na din umiiyak babae saken, minsan nga nakakasawa na eh. yung iba pa, di maka move on. Nakakainis ang kulet sa text, tinatawagan pa ako. So ayun? Wala akong pernamenteng number. Papalit palit kase ako ng sim. Hahaha
Para kase saken. Lahat LARO. Di ako nagseseryoso. Wala akong sineseryoso. Kung baga pag napag tripan ko, Go na lang.
Isa pa, Wala kong inuurungan laro. Game!!
Ngayon nandito ako sa Bar. Madalas naman akong nandito eh. Every night ata. Hahaha. Tsaka summer naman kaya lubos lubusin na. Ayokong sayangin yung panahon. YOLO nga diba? Hahahaha. So More Party More Fun. :))) Kilala na din ako sa mga bars. Mga waiter din, sila kase nakakakita pag nakikipag break up ako sa babae. So sanay na sila.
"Bro sino bago mo ngayon"
Si Jake. kabarkada ko, Hahaha sya lang ata yung medyo seryoso sa aming magbabarkasa. Hahaha baduy si dudong.
"Ako? Wala pa ! Yung chix kase kanina masyadong pakipot kala mo naman sobrang chix. Eh ikaw ba? "
"Wala pa din. tara hanap tayo"
"Onaman."
So ayun naghanap kame. Buti na lang dito sa bar na to marameng babae. Magaganda at sexy pa.
"Okay, spotted!, Akin na sya"
May nakita ko. Ang ganda nya. Naka itim na dress na maikli, sexy ang galeng pa sumayaw.
"Iba ka talaga bro"
"Elibs, Ako pa ba? Okay game na"
Nilapitan ko na sya. Nakita ko umupo na sya at mukang oorder na ng alak.
"Hi." tas sabay pamatay na ngiti.
"Who are you?" Ay mataray gusto ko to.
"Ahm? I am Mark. Mark De Jesus"
"Hello. I am Faith Tiu"
Di ako pumipili ng babaeng di maganda syempre. Sayang lang kapogian ko. Syempre isa sya sa magaganda. Mukang half Chinese. Chinita. Mistisa. basta maganda.
"Anong ginagawa mo dito mag isa?"
"Ano pa ba? Edi kumakalimot."
"Kumakalimot ng?"
"Nevermind :)"
"Psst ! Psst ! Pare ! " Epal talaga tong mga barkada ko.
"Be right back Faith" tas nginitian lang nya ako ang ganda talaga nya.
tas bumalik na ako dun sa table namen. Ano naman kaya pakana ng mga to.
"Oy chix yun pare ah?"
"Alam ko, akin na yun. Ako nauna"
"Alam namen bro, Pustahan tayo ulet."
"ano? tara game. Alam nyo naman di ako natatalo dyan"
"Osige. Paiyakin mo yun babaeng yun kahit isang beses. 50k? Game?!"
PS: mayayaman kame. Siguro yung 50k barya lang. Pero hindi.
"Tara. Game. yun lang ba guys?"
"Oo yun lang. Hahahaha"
Paglingon ko palapit na si Faith dito. Di naman nya siguro narinig yun, Hahaha
"Ahmm? Mark?"
"Oy. guys wait lang ha?"
"Hindi mo ba kame ipapakilala?"
"Bakit pa?"
"Tara na Faith"
Flirting.
Drinking.
Flirting
Drinking
Mag uumaga na.
Tas inaya ko sya sumayaw. Ayun nakakagulat pumayag sya. Galeng nya sumayaw. Ang sexy nya gumalaw. Pagtapos namin sumayaw. Nakakahingal at nakakpagod na din kase. Umupo na kame at uminom ulet. Nagkwentuhan ulet. Matapos ng ilang oras.
Hiningi ko number nya tapos binigay ko number ko. Hinatid ko sya sa kanila. At nalaman kong mayaman sya.
"Good Night" Syempre style na ng mga lalake na ikikiss sa noo para mainlove. Muka naman natuwa sya. First ngiht? Mission Success.
"Ahm. Sige. Ingat. Good night"
Pumasok na sya. At syempre. Hahaha mukang masaya sya. Ako pa ba? Mananalo din ako sa pustahang yun hindi pwedeng hindi.
