Warren's POV
Magaalas-tres na ng maisipan naming magbabarkada na umuwi na. Nagkayayaan kasi kami na maginuman matapos ang practice namin sa soccer at ngayon inabot kami ng umaga. Konti lang naman ang nainom ko. Kaya kayang-kaya ko pang umuwi.
"Pano pre, mag-ingat kayo ah!" sabi ko sa kanila.
"Sige pre, ikaw rin," sagot naman nila saakin. Binuksan ko ang gate ng bahay namin at kumatk sa pinto.
"Day! Paki buksan nga 'tong pinto," sabi ko at kumatok ng makailang beses. Si Inday ang nakababatang kapatid ko. Ayaw ko na kasing gisingin pa sila Mama kaya si Inday nalang ang gigisingin ko. Maya-maya lang bumukas ang pintuan, nakayuko ako. Kaya hanggang beywang lang ni Inday ang nakikita ko.
"Salamat, day," sabi ko sa kanya at naglakad na patungong kwarto, hindi naman sumagot si Inday saakin, malamang nainis na yun kasi siya na naman ang ginising ko. Naglakad na ako papuntang kwarto para matulog.
KINABUKASAN
Lumabas ako ng kwarto matapos maligo para makakain na. Pagkaupo ko. Tinanong agad ako ni Inday.
"Manong, paano ka nakapasok? Diba may practice kayo?" tanong niya saakin, natigilan naman ako sa pagkain. Manong ang tawag saakin ni Inday simula nung bata pa siya, ewan ko nga kung bakit yun tawag niya eh, pwedeng "Kuya" naman ang itawag niya saakin.
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Ikaw ang nagbukas saakin" tanong ko sa kanya. Sira talaga 'tong kapatid ko, kung ano-ano ang pinagsasabi.
"Ako? Hindi ako ah, ni hindi nga kita narinig na kumatok kagabi. Baka naman si Mama ang nagbukas sayo." sabi niya saakin.
"Hindi si Mama ang nagbukas ng pinto saakin, Inday," sabi ko sa naman kanya.
"Eh sino?" tanong niya saakin. Pumasok sa kusina si Mama.
"Ma, si Inday oh! Kung ano-ano ang pinagsasabi. Hindi daw siya ang nagbukas ng pinto saakin kanina," sumbong ko kay Mama.
"Eh Ma totoo naman talagang hindi ako ang nagbukas sa kanya eh," depensa naman ni Inday. Umupo si Mama sa tabi ko.
"Alam mo nak, totoo ang sinasabi ni Inday, nauna pa nga siya saamin matulog kagabi dahil napagod siya kakalaro eh." paliwanag ni Mama
"Eh kung ganun po, sinong bumukas ng pintuan? Alangan namang multo yun," natatawang sabi ko kay Mama.
"Yun nga eh! May nakatirang multo dito kasama natin. Nung isang linggo ko nga lang naramdaman eh. Una dito sa kusina may mga ingay akong naririnig, pagbukas ng gripo, mga ingay ng plato, pero nung tiningnan ko naman wala naman akong nakita mag-isa lang ako nung araw na yon. Pangalawa ang sa papa mo, may kumuha daw ng newspaper niyang binabasa nung hinanap niya natagpuan niya doon sa inuupuan niya. At ang pangatlo ay ang nangyari sayo." mahabang paliwanag saamin ni Mama. Kinilabutan naman ako sa sinabi ni Mama, simula nung ikinuwento saamin ni Mama ang mga nangyari, nagpasya kaming pabendisyunan itong bahay na binili namin.
Vote. Comment. FollowMe
A/N:
Yey! Try lang. Narinig ko kasi yung kwento ni Kuya na pinagbuksan daw siya multo. Hahahahah Well, tinry ko lang kung maganda ang kinalabasan netong story ko. Don't forget to vote minna! :)