Doppelganger

100 0 0
                                    

"Ma totoo nga kasi! Nakita ko si Mae kanina, lumabas. Tinanong ko pa nga kung san siya pupunta pero hindi sumagot," palatak ng nakakatandang kapatid ni Mae na si Kay. Kumunot naman ang noo ng kanilang Ina.

"Paanong lalabas e tulog yung kapatid mo. Ako ba pinagloloko mo?" sabi ng kanilang ina.

"Baka multo yung nakita mo, nak!" segunda ng kanilang ama sabay tawa pagkatapos ay bumalik sa ginagawa nito. Napapikit naman ng mariin si Kay. Kitang kita ng dalawa niyang mata na lumabas ang nakababatang kapatid niyang si Mae at pumasok ito sa kanilang tindahan. Kinausap niya pa nga ito!

"Mae! Aga mong magising ah," natatawang sabi nito sa nakababatang kapatid habang sinundan ito papasok sa kanilang tindahan.

"Hoy!" tawag niya dito pero tiningnan lang siya nito at hindi nagsalita.

"Pero ma, totoo talaga!" pangungumbinsi nito sa Ina.

"Sige halika, puntahan natin ang kapatid mo sa kwarto niya at nang magkaalaman," sabi ng kanilang Ina. Pumasok sila sa loob ng bahay at tinungo ang kwarto ni Mae.

Marahas na binuksan nila ang pintuan at nakita ang mahimbing na natutulog na si Mae.

"Kita mo na? Tulog ang kapatid mo," sabi ng kanilang Ina. Hindi mapalagay si Kay kaya lumapit ito sa nakakabatang kapatid. Tinapik tapik niya ito.

"Mae? Mae, gising," sabi ni Kay. Naalimpungatan si Mae, tiningnan niya ang kanya Ate at napaupo.

"Lumabas ka ba?" diretsahang tanong ng Ate niya. Naguguluhan siyang tumigin dito.

"Anong pinagsasasabi mo? Hindi ako lumabas kasi kakagising ko at dahil yun sa pagtapik mo!" tugon niya rito na medyo naiinis pa dahil yun pala ang dahilan ng paggising nila sa kanya, ang tanungin kung lumabas ba siya.

"Pero, Mae...nakita kitang lumabas," mahinang sabi ni Kay. Biglang kinabahan si Mae, binalot ng takot ang kanyang katawan.

"Pinagsasabi mo?" naiinis na sabi niya sa kanyang Ate at pilit tinatago ang takot na nadarama.

"Ma hindi talaga ako nagbibiro! Nakita ko si Mae lumabas! Tinanong ko pa nga siya pero di sumagot. Siguradong sigurado ako ma!" frustrated na sabi ni Kay sa kanilang Ina.

"Pareha ba kami ng suot, Ate? As in, parehang pareha ba kami?" mahinang tanong ni Mae. Doon lamang napagtanto ni Kay na magkaiba ang suot ng nakita niyang si 'Mae' at ang Mae na narito sa kwarto. Nakaputing tshirt ang kanyang nakababatang kapatid taliwas sa nakitang niya kulay ng tshirt na suot ng 'Mae'.

"Hindi," tugon ni Kay. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Mae sa sinabi ng Ate niya. Pero di parin mawala ng lubusan ang takot nito. Alam ng Ate niya na matatakutin siya, akala niya nagbibiro lang ito pero sa nakita niyang pagiging seryoso nito ay naniwala agad ito sa kanya. Her Ate can be an annoying but she's telling the truth.

"Hindi naman pala magkaparehas e. Naku Kay, baka namalik mata ka lang," sabi ng kanilang Ina na bahagyang tumawa "O siya! Hali na kayo at kakain na tayo," dagdag pa nito. Umiling si Kay at tumayo.

"Siya talaga yung nakita ko," sabi ni Kay. Tumayo na rin si Mae at sinundan ang kanyang Ate. Ayaw niyang magpaiwan sa kwarto sa takot na baka magpakita ang isang Mae na nakita ng Ate niya.

Dala ang cellphone, umupo siya sa isang upuan malapit sa lamesa. Agad niyang niresearch ang Doppelganger.

A doppelganger is a mysterious, exact double of a living person. It's a German word that literally translates to "double walker" or "double goer". A doppelganger isn't someone who just resembles you, but is an exact double, right down to the way you walk, act, talk, and dress.

What happens when you see a doppelganger? Eto ang mga katagang tinype niya sa Search bar ng Google. Bigla siyang nagulat nang may inilapag sa harapan niya ang kanyang Ina, isang pinggan na may lamang pagkain.

"Ano pang ginagawa mo? Kumain kana" maotoridad na sabi ng kanya Ina, ngumiti siya rito at ibinalik ulit ang atensyon sa kanya cellphone.

"Teka lang, Ma,"

Legend has it that if you come face to face with your doppelganger, it's an omen or warning of death, for both you and your twin. Because of this, if you see a replica of yourself, run for your life. If you keep seeing your doppelganger, chances are that your days are numbered, because you'll soon see your demise.

Kinilabutan si Mae sa kanyang nabasa. Kaagad niyang inioff ang cellphone. Hindi parin maalis sa isip niya ang kanyang nabasa at laking pasalamat niyang hindi siya mismo ang nakakita sa kanyang doppelganger.

Nilingon niya ang kanyang Ina at matamis na ngumiti.

"Ma, dun ako mamaya matutulog sa inyo ha?"

END

A/N: This is a true story that happened to me way back 2016 or 2017, hanggang ngayon kinikilabutan parin ang tuwing maaalala ko yun.

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon