Iyak

129 0 0
                                    

Melanie's POV

"Min! Malayo pa ba tayo sa inyo?" tanong ko sa kaibigan ko. Nakaupo ito sa unahan katabi ni Manong Bert. Nag-aya kasi si Minda na pumunta sa kanilang probinsya. Isang linggo naman kaming walang pasok kaya pinayagan ako ni Mommy na sumamasa kanya.

"Malapit na Mel," tanging sagot niya. Napatingin ako sa labas. Nakakarefresh dahil puro puno at may mangilan-ngilang bahay din akong nakikita. Maya-maya ay huminto ang sinasakyan namin sa isang malaking bahay. Ito na siguro ang bahay ng lola ni Min.

"Magandang hapon po, Lola," magalang na bati ko pagbaba ko sa sasakyan sa matandang nag-aantay sa tapat ng pintuan. Ngumiti ito at nagsalita.

"Magandang hapon rin sayo, hija," sabi niya saakin.

"Hi La! Eto nga po pala si Melanie, kaibigan ko po." Pagpapakilala ni Min saakin.

"Hali kayo, pumasok na tayo. Naghanda ako ng makakain niyo," sabi niya saamin. Pumasok kami ni Min sa loob habang sumunod naman si Mang Bert para ipasok ang gamit namin ni Min. Napakaganda ng bahay ng Lola ni Min medyo madilim nga lang sa loob. Dahil siguro ay hapon na at malapit ng lumubog ang araw.

Matapos kumain ng hinandang pagkain ni Lola Lucresia pumunta na kami sa taas kung nasaan ang kwarto ni Minda, tabi kasi kaming matutulog mamaya.

"Min, darating pala ang Ate Slyvia mo," pahabol na sabi ni Lola. Nang makapasok sa kwarto ay inilapag ko ang gamit ko sa kama ni Minda.

"Sino si Ate Slyvia, Min?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya pero agad niya namang binawi at bumalik sa paglalaro sa kanya selpon.

"Asawa ng Kuya Rob ko," sagot niya. Tumango ako. Nagpaalam ako kay Minda na lalabas muna para kumuha ng tubig at umihi, ng mapansin ko ang isang bukas na kwarto. Pinuntahan ko ito sinilip, may iilang manika ang nakapatong sa mga cabinets. Naggagandahang manika. May isang manika ang nasa lapag at nakatihaya, pupulutin ko sana ito. Pero sinarado ko nalang ulit ang pinto dahil sa pagmamadaling pumunta ng banyo.

Gabi na pero hindi parin dumarating sina Kuya Rob, naglaro lang kami ni Minda sa kwarto at maya-maya lang ay napagpasyahan na naming matulog.

Kalagitnaan ng gabi ay nagising ako dahil sa narinig kong kaluskos ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon at natulog ulit.

"Uwaaaaaaaaaah! Uwaaaaaaah!" malakas na iyak ng isang sanggol na nagpagising saakin. Napabangon ako at napakamot ng ulo.

"Ang ingay naman ng baby nila Ate Slyvia" mahinang sabi ko at muling bumalik sa pagkakahiga, lumipas ang ilang segundo ay umiyak na naman ang sanggol.

"Uwaaaaaaaaah! Uwaaaaaaaah" naiinis na napatingin ako sa kabilang kwarto. Mahinang tinapik ko ang balikat ni Minda.

"Hmm Ano?" mahinang sabi niya.

"Ang ingay sa kabilang kwarto! Rinig na rinig ko ang pag-iyak ng baby nila Ate Slyvia" sabi ko kay Minda. Narinig ko ulit ang mga kaluskos.

"Matulog ka nalang ulit!" sabi niya. Pero hindi ako makatulog dahil patuloy paring umiiyak ang baby.

"Minda! Hindi mo ba iyon naririnig!?? Kanina pa umiiyak ang baby nila Ate Slyvia!" naiinis na sabi ko sa kanya. Bumangon naman ito at gulat na tumingin saakin.

"Paki-ulit nga ng sinabi mo Mel" sabi niya saakin. Naguguluhan man ay inulit ko ang sinabi ko.

"Sabi ko kanina pa umiiyak ang baby nila Ate Slyvia! Ang ingay, hindi ako makatulog ulit" sabi ko sa kanya. Namutla bigla si Minda.

"Hoy! Bakit ka namumutla?" akang tanong ko sa kanya.

"Dahil imposible iyang sinasabi mo. Imposible Mel" namumutlang sabi niya.

"Pano naging imposible?" tanong ko sa kanya.

"Dahil walang anak sina Kuya Rob at Ate Slyvia, Mel," mahinang sabi niya.

"Hoy Min! Wag kang manakot ha!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro Mel," sabi niya

"Eh sino yung naririnig kong umiiyak?" tanong ko sa kanya, sabay kaming nagkatinginan ni Minda at nahiga sabay talukbong ng kumot. Patuloy parin ang iyak na naririnig ko sa kabilang kwarto. Nagdasal kami ni Minda hanggang sa makatulugan namin ito. Nang sumapit ang umaga ay nagtanong kami kay Lola Lucresia. Hindi pala natuloy ang pag-uwi nina Kuya Rob dahil may bagyo raw at ang iyak daw na naririnig namin sa kabilang kwarto ay iyak ng isang namatay na sanggol nung hindi pa nakakalipat rito ang Lola ni Minda. Hinding-hindi ko makakalimutan ang karanasan ko sa probinsya nina Minda.

Vote. Comment. FollowMe

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon