Chapter 1: First Day of School

23 1 0
                                    

Sophia Crystal POV:

Maaga akong nagising at nag ayos na ng akong sarili para sa first day of school.  Pagkababa ko nakita ko sila mama at kuya na kumakain na kaya sumabay na ako. Pareho nga pala kami ni kuya ng school kaya magkasabay kami pumasok, pero magkaiba lang kami ng room. Si kuya kasi fourth year highschool na at ako naman ay third year highschool lang. Nang matapos na kami kumain ay nagpaalam na kami na papasok na dahil baka malate kami lalo na't first day pa naman ngayon.

"Sige ma una na po kami." sabi ni kuya kay mama.

"Sige mag-iingat kayo lagi ha. Wag mong pabayaan yang kapatid mo." sabi naman ni mama

"Opo ma tsaka po wag niyo na pong alalahanin kung may masamang mangyari dyan kay Sophia sa tingin niyo ba ma may magkaka interes dyan?" natatawang sabi ni mama

"Grabe ka naman talaga kuya. Makapang-asar ka, excuse me lang ha magkapatid tayo kaya magkamukha tayo kaya kung hindi ako maganda, panget ka din." ganti ko sa pang-aasar ni kuya. Bigla namang nagbago ang kanyang expression mukhang napikon sa sinabi ko, medyo pikunin din kasi yan si kuya.

"Hindi kaya pogi ka ako eh. Ewan ko ba kung saan ka nagmana, maganda naman si mama at pogi si papa pero ikaw lang talaga yung ibang itsura sa atin." pang-aasar namn ni kuya. Aba mukhang nakakabawi ah.
"Tumigil na nga kayong dalawa dyan sa asaran baka malate na kayo." sabi ni mama. Buti na lang at nagsalita si mama kung hindi  baka talo ako sa sinabi ni kuya. Malakas kasi yun mang-asar kaso pikon nga lang.

Sa Xavier Lee University nga pala kami nag-aaral ni kuya kasi kaibigan ni papa yung may ari ng school na ito. At business partner din sila.Na-meet na namin ni kuya dati yung family nang kaibigan ni papa noon pero bata pa kami non at tsaka doon ko din nakilala si Sandara at kaya kami naging magkaibigan ngayon pero hindi ko pa nakikilala yung kapatid niya kasi hindi yun sumama kasi daw may ginagawa siya noong importante, pero sinabi niya rin kaya nalaman ko na yung kuya niya pala ay isang BadBoy Prince dito, pero hindi ko pa iyon nakikita ng personal.

Pagdating namin sa school, pinark na ni kuya yung sasakyan at dumiretso sa gym ng school dahil may flag ceremony dahil monday rin ngayon. Malaki ang gym ng school na ito kasi magkaiba yung basketball court, gym kung saan doon nagaganap yung mga event sa school. Meron din ditong garden at malawak yun at kapag may problema ka, makakahanap ka dito ng katahimikan. Pagkatapos ng flag ceremony nag paalam na rin kami ni Sandara kay kuya dahil pupunta na kami sa aming klase. Kinikilig pa nga siya eh, may gusto kasi siya kay kuya.

"Bes grabe yung kilig mo kanina ah, akala ko mapapansin ni kuya kasi halos pumutok na yang pisngi mo sa sobrang pula." sabi ko sa kanya.

"Paano ba naman hindi mamumula itong pisngi ko eh first time niya akong kinausap at alam mo naman na may gusto ako sa kapatid mo diba. Ang pogi niya talaga at ang cute niya." kinikilig nitong sabi. Oo inaamin ko rin pogi naman talaga si kuya eh kaya di na ako magtataka kung maraming magkagusto sa kanya at isa na roon ang bestfriend ko si Sandara.

Pagkapasok namin sa classroom nakita namin si Kira at tila naghihintay sa amin natagalan din kasi kami buti nga at wala pa yung teacher namin eh. Eto kasing si Sandara nagpasama pa sa canteen, nagutom daw siya, hindi raw kasi siya masyadong nakakain ng breakfast kanina.

Umupo kami ni Sandara sa tabi ni Kira. Maya-maya ay nakita naming nagkakagulo sa may pinto kaya hindi na kami nagtaka kung sino yung dahil wala ng ibang pinagkakaguluhan dito kundi ang mga Prince. Nung makita ko si Clifford, feeling ko namumula rin kasi ako. Crush ko kasi si clifford hindi ko lang sinasabi kaya ayan patago lang. Nakita ko siyang nakangiti habang papalapit sa amin pero nagkamali doon pala siya nakangiti sa babaeng nasa likod namin, girlfriend niya kasi iyon at doon din sila umupo.

"Bes parang napapansin ko na parang may gusto ka dyan kay Clifford ah, parang matutunaw na yan kakatitig mo ah." sabi ni Kira. Sige na oo na sasabihin ko na sayo pero hindi muna ngayon, pag nagbreak na yan sila ng girlfriend niya. Hindi naman sa bitter ako pero wag muna ngayon.

"Hindi ah doon ako nakatingin sa paintings na nakasabit ang ganda kasi ng pagkakapaint doon mukhang totoo." pagsisinungaling ko sa kanya para hindi niya mahalata. Buti na lang at may painting doon.

"Okay sabi mo eh, pero pagnagkagusto ka sa isa dyan sa mga Prince sabihin mo ah. Diba promise natin walang taguan ng secret." sabi niya at buti na lang at hindi na siya nagtanong pa ulit.

Mabilis lang natapos ang klase naman at breaktime na, kaya pumunta na sila ng canteen. Pero ako pupunta muna ng Library gusto ko kasi magbasa ng libro at gusto ko muna ng katahimikan kanina kasi ang ingay sa classroom dahil sa mga babae dahil na rin sa mga prince.

Pagkapasok ko sa Library hinanap ko yung libro na paborito kong basahin. Habang hinahanap ko yung libro may bumanga sakin dahilan para mapaupo ako at pagkatingala ko nakita ko yung lalaki, matangkad siya at maputi. Habang pinupulot niya yung dala niya bigla kong nakita yung libro na paborito kong basahin.
Tatanong ko sana kung tapos na siyang basahin yung libro kaso nakita ko yung I.D niya at nakalagay doon ay Axel Zyreen Lee ibig sabihin siya yung BadBoy Prince.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan. Pati tuloy ako dinamay." sabi niya. Yan na lamang yung huling narinig ko sa kanya dahil pagkatayo ko sabay ring pag-alis niya at hindi ko alam kung saan na siya pumunta.

======================================
#BTS Forever😙
   #ARMY❤

My Boyfriend is a Badboy PrinceWhere stories live. Discover now