Axel Zyrren POV:
"Oh ayan isaksak mo sa baga mo, ang yabang mo. Nagtataka lang ako bakit ang sama-sama ng ugali mo samantalang ang bait-bait ng kapatid mo." sagot niya.
Hindi ko alam pero nung makita ko na umiiyak siya parang nakaramdam ako ng guilt at pagkainis sa sarili ko.
Gusto ko man sanang habulin siya at mag-sorry sakanya, pero parang may kung anong pumipigil sakin. Parang sinasabi ng utak ko na wag muna siyang habulin kasi hindi rin siya maniniwala sayo kasi ikaw yung BadBoy Prince.
Kahit Badboy ako marunong naman ako magsabi ng salitang "sorry" sa taong nasaktan, yun nga lang kapag hindi ko talaga gusto yung ugali nung tao ay hindi mo talaga ako mapapasabi ng sorry.No Way!
Nung makita ko si Sophia sa kanyang locker ay nilapitan ko siya.
"Sophia, sorry sa nagawa ko kanina, hindi ko naman sinasadya na sabihin yun sayo." sabi ko sakanya, pero mukhang hindi siya kumbinsido.
"Wow! May Himala yata ngayong araw kasi firstime kong narinig na mag sorry yung isang Axel Lee na pinakaBadboy sa lahat ng badboy." sagot niya sakin. Aba ako na nga tong nag-sosorry ganyan pa ganti niya.
"Pero sorry ka din, hindi basta basta nakukuha ng sorry mo lahat ng mga ginawa mo sakin noon simula nung mabangga mo din ako sa library." dagdag pa niya.
"Edi kung ayaw mo edi wag, ako na nga tong nag-sosorry sayo ganyan pa inaasta mo." Sabi ko naman sakanya.
"At sorry ka din kasi hindi na mababago yung ugali ko kasi sinimulan mo ko kaya palagi kitang aasarin, tandaan mo yung sinabi mo ako yung pinakaBadboy sa lahat ng Badboy." dagdag ko pa, pero parang walang epekto sakanya.
"Edi gawin mo lahat ng gusto mo, wala naman akong pakialam sayo eh. Kahit magpakamatay ka pa dyan eh, baka nga mag-celebrate pa ako kapag hindi na kita makita eh kasi magkakaroon na ako ng katahimikan sa buhay ko." sagot niya.
Mukhang wala talaga akong epekto sakanya. Ni hindi siya natatakot sakin.
Lumapit ako sakanya dahilan para mapaatras siya. Kinorner ko siya sa gilid ng locker, parang nagulat siya sa ginawa ko. Ngayon makakabawi ako sakanya.
"Hoy, anong ginagawa mo. May binabalak kang masama sakin noh?! " sabi niya sakin.
Aba wala akong balak sakanya noh, isa pa ang nerd niya, bakit naman ako magkakagusto sakanya.
"Hoy, wag ka mag-isip ng kung ano ano dyan, wala akong balak gawin sayo. Isa pa ang nerd mo sa tingin mo ba magkakagusto ako sa isang nerd na kagaya mo?" sabi ko sakanya. Mukhang nainis siya, pero bigla namang napalitan itong reaksyon niya.
"Eh bakit ka lumapit sakin. May balak ka yatang halikan ako eh?" sabi niya.
"Ang kapal mo noh, ikaw hahalikan ng poging katulad ko? Nako hindi mangyayari yun kahit kailan, pwera na lang kung gaganda ka at kung magugustuhan kita? Sabi ko sakanya.
Oo inaamin maganda siya kaso nakasuot lang siya ng makakapal na salamin at hindi siya nag-aayos ng mukha niya kaya hindi napapansin yung kagandahan niya.
Noong pumunta ako nakaraan sa Library, nakita ko siya doon na walang salamin at nakatali ng maayos ang kanyang buhok at doon ko napansin na maganda siya lalo na kapag tinitigan mo siya.
"Oh ayan na yung libro na gusto mo rin, nakakahiya naman kasi sa Badboy Prince baka kung anong masamang mangyari sakin." wika nito.
"Hindi sige sayo na lang, marami rin naman akong ganyan sa bahay hindi ko na kailangan yan." sagot ko sakanya.
Oo, marami ako niyan sa bahay namin. Hindi ko lang dinadala kaya dito sa library ako nagbabasa.
"Tumabi ka nga dyan. Dadaan ako." sabi nito.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ko sakanya.
"Aba malamang uuwi na. Labasan na oh." sagot niya sa tanong ko.
"Samahan mo muna ako, gusto ko lang magkaroon ng katahimikan sa buhay, gaya ng sabi mo." sabay hila sakanya papuntang parking lot.
"Hoy, san mo ba ako dadalhin. Uuwi na ako tsaka naipagpaalam na kita sa kuya mo at pumayag na siya." nagulat yata siya sa sinabi ko.
"Uhm...may ga..gawin pa ko sa bahay. Tsaka may ma..kikipagkita sa akin importanteng ka..ibigan." utal-utal nitong wika.
"Wag ka nang maraming salita wala namn akong gagawin sayo. Samahan mo lang ako. Hindi ako nangangain ng tao." sabi ko sakanya.
Sumakay siya sa loob ng kotse at mabilis na pinaandar ko ito. Habang nasa byahe ay tahimik lang kami.
"Saan ba tayo pupunta tsaka paano mo nalaman kung sino yung kapatid ko?" pangbabasag niya sa katahimikan.
"Hintayin mo na lang kung saan tayo makakarating tsaka alam mo naman na ako si Axel diba kaya lahat kakilala ko sa campus na yun." Sagot ko sakanya.
Mabilis kaming nakarating sa pupuntahan namin. Pagkababa namin mukhang namangha si sophia sa nakita niya. Maganda kasi dito maliwanag tsaka kita mo yung buong city.
"Wow, ang ganda. So ito pala yung sinasabi mong magandang lugar na relaxing.?" sabi nito.
"Yes" tipid kong sagot.
"Paano mo nalaman tong lugar na ito eh medyo malayo to sa campus at sa lugar mo. Pwera na lang kung may bahay kayo dito." sabi niya sakin.
"I've known this plase because we have a vacation house here. Medyo malayo lang dito pero madadaanan mo to pag pumunta ka doon." sagot ko sakanya.
"May napapansin lang ako, may crush saming mga prince noh. Sabihin mo lang kung ako yun, payag naman ako." pang-aasar ko sakanya.
Napapansin ko na sakanya matagal na. Hindi ko lang alam, kung makatitig siya akala mo matutunaw kaming mga prince.
"Oo meron si Clifford tsaka ikaw crush ko? No way! Kaso si Clifford may girlfriend na tsaka di rin naman ako magugustuhan non, isang nerd." mukhang wala siya sa sarili niya.
"Hala! Bakit ko pala sinabi sayo. Baka ipagkalat mo sa buong campus." sabi nito sakin.
"Wag ka mag-alala hindi nagsasabi ng mga secret kaya pwede mo akong pagkatiwalaan." Sabi ko. Mukha kasing wala siyang tiwala sakin.
"May sakit ka ba mukhang hindi mo yata ako inaasar ngayon." sabi niya.
"Bakit gusto mo asarin ulit kita?" tanong ko sakanya.
"Hindi wag na, sana ganyan ka na lang palagi para happy ang lahat." Sabi nito.
"Okay." Tipid na sagot ko.
YOU ARE READING
My Boyfriend is a Badboy Prince
Teen FictionPaano kung ang taong kinaiinisan mo sa una ay magiging forever mo sa huli? Ang Isang Badboy at isang Nerd ay maiinlove sa isa't isa..at mapapabago nila ang kanilang mga sarili dahil sa tinatawag na LOVE