Chapter 4: Changes

21 1 2
                                    

Sophia Crystal POV:

Mukhang nagbabago yata yung Badboy ngayon ah, may problema kaya yun. Pagkatapos naming manood ng fireworks ay pumunta kami sa malapit na restaurant, hindi pa rin kasi kami kumakain.

"Sorry nga pala sa mga nagawa ko sayo kung lagi kitang inaasar." wika nito. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya, totoo ba to o nanaginip lang ako.

"Totoo ba to, ikaw nagsosorry sa lahat ng ginawa mo sakin?" sabi ko sanya.

"Oo totoo to. Bakit ayaw mo ba, gusto mo ba lagi kitang aasarin, kasi kapag gusto mo pa mas matindi pa yun sa dati." sabi niya.

Kinabahan ako sa sinabi niya na mas matindi pa sa dati, kasi baka kung anong kalokohan ang gagawin niyan.

"Hindi gusto ko nga lagi ka nang ganyan eh. Hindi lang ako makapaniwala na ikaw na pinaka Badboy sa lahat ng badboy nagsosorry sakin." sagot ko sakanya.

"Lahat naman ng tao pati badboy nagbabago diba tsaka may second chance." sabi niya sakin.

Oo nga namin lahat ng tao nagbabago. Parang yung napapanood ko sa T.V yung mga kontrabida nagbabago, bumabait sila minsan sila pa yung nagiging bida.

"Okay papatawarin kita sa lahat ng ginawa mo sakin and I will give you a second chance para ipakita mo sa lahat ng tao na nagbago kana at kailangan sincere ka sa paggawa ng kabutihan, okay?" wika ko sakanya.

"Okay, thank you for the second chance and I will not forgot about my promise." wika niya.

"Your welcome, everybody deserves a second chance even if its a badboy." ani ko.

"Come  on, ihahatid na kita sa inyo mukhang lumalalim na yung gabi baka mag-alala na sila sayo pag lalo pa tayong ginabi." sabi niya.

"Okay" tipid na sagot ko.

Sumakay na kami sa kotse niya at pinaandar niya na ito. Tahimik lang kami sa byahe. Ni isa sa amin wala yatang balak magsalita.

"Uhm...paano mo nakilala si kuya? Diba sabi mo matagal mo na siyang kilala?" Pangbabasag ko sa katahimikan.

"Kaibigan ko siya, bale close friend ko siya kaso isang araw hindi ko na siya nakita sabi pumunta na daw kayo ng Korea. Palagi ka nga niya ikinikwento sakin dati eh. Sabi niya ang ganda mo daw at ang bait. Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi sakin na aalis pala siya. Kaya simula nun akala ko hindi na kaibigan yung turing niya sakin.

"Pumunta kami nun ng Korea kasi kailangan ni kuya nandoon kasi yung grandparents namin eh nung tme na yun may sakit si kuya na hindi alam dito sa pilipinas kaya minabuti muna namin na ilihim ito sa lahat ng malalapit kay kuya para hindi kayo mag-alala ng masyado. Ayaw rin kasi ni kuya na may mapurwisyo ng dahil sakanya. Kami nga nung una nagalit kay kuya kasi itinago niya samin yung sakit niya pero naintindihan namin yung dahilan niya at sana ikaw rin maintindihan mo rin siya." sagot ko sanya.

"Kaibigan parin yung tiring sayo ni kuya hanggang ngayon, lagi ka nga rin niya ikinikwento samin, ikaw daw yung laging nandyan kapag may problema daw siya tsaka ikaw daw yung kaibigang tunay niya halos parang magkapatid na nga daw kayo eh." wika ko ulit sakanya.

"Sorry si ko alam, akala ko kasi kaya siya umalis ay dahil galit siya sakin kasi bago siya umalis nakita niya kami nung girlfriend niya na magkausap. Alam ko nagalit siya dun sa nakita niya pero wala naman kaming ginagawa nung girlfriend niya nag-uusap kami dahil nagpatulong iyon sa paggawa ng malaking banner para sa pagkapanalo ng team nila Andrew sa basketball." sabi niya sakin.

"Hindi nagalit si kuya sainyo. Ni minsan hindi siya nagtanim ng galit sainyo. Kaya daw nun umalis si kuya ay nakaramdam siya ng sakit sa ulo at hindi daw siya makahinga ng maayos kaya nagpasya muna siya na umalis para di kayo mag-alala. Pagka-uwi nga namin ni kuya sa bahay bigla siyang hinimatay kaya pinabuti ng mga magulang namin na umalis muna ng bansa at pumunta ng Korea para doon magpagamot si kuya. Ako na humihingi ng tawad sayo kung bakit hindi sa inyo sinabi ni kuya yung dahilan niya sana mapatawad niyo siya." wika ko sakanya. Para naman akong maiiyak ngayon.

My Boyfriend is a Badboy PrinceWhere stories live. Discover now