Chapter 14

23 2 0
                                    


Ren's POV

Andito parin ako sa bahay nakaupo sa garden namin tapat lang ito ng Mansion at malapit din ito sa gate.

Gusto ko lang magpahinga dahil sa busog na ako at sa nakakarindi yung boses ng kapatid ko napairap nalang ako sa iniisip ko.


Tinignan ko ang paligid,wala naman nagbago puno lahat ng rosas ang paligid,natatandaan ko pang lagi kaming naglalaro dito ng nakababata kong kapatid na si Sam kasama sila Mama at Papa, halos dito lahat nangyari ang magagandang alaala naming pamilya pero dito rin nangyari ang mga alaala na dapat ng kalimutan at ibaon na sa hukay, napangiti nalang ako ng mapait..


Bumalik lahat ng mga pangyayari na mismong sumira sa amin..

Flashback
•9 years ago

Masaya kaming lahat dahil sa pagbalik ni papa dito sa pilipinas,10 palang ako habang si Sam naman ay 6 years old, apat na taon lang ang agwat namin..


Nagpahanda kami dahil gusto namin mag celebrate, isang taon nawala si papa dahil siya yung namamahala ng isa naming kompanya sa Canada pero paminsan minsan ay bumibisita naman siya saamin ng isang
buwan..

Naiintindihan naman namin na kailangan gawin iyon ni papa dahil para sa ikakabuti namin at para na rin sa pamilya namin..

Hindi kami makapaghintay na makauwi na si papa dahil sabik na sabik na namin siyang makayakap, pero sa gabi ding yun, nagbago lahat--..

Akala namin na magiging masaya ang pagdating ni papa pero akala lang namin iyon..

"Maam andyan na po si Sir Antonio"sabi ng isa sa maid namin, hindi ko mapigilang hindi tumalon dahil sa saya

Tumakbo nalang kami ng kapatid ko patungong pintuan para salubungin si papa, ang aming mga ngiti ay nagsilitawan..

Nakita ko naman na sobrang saya ni mama ng mga panahong yun

Bumukas naman yung gate at doon na pumasok yung kotse ni papa, kumaway pa kaming dalawa ni Sam para at least na makita niya kami, gabi na kasi noon kaya hindi niya kami masyadong makita..

Her 300 break up playlistWhere stories live. Discover now