Chapter 17

29 1 0
                                    


Clark's POV

"Kyahh! andyan na si king!"ay hindi,hindi wala pa ako..

"Kunin niyo yung make up kit ko!hinde ako ready!"kahit hindi ka mag make up pangit ka parin..tsk

"Ang gwapo ni king!"tsk..alam ko -__-,hindi mo na kailangan isigaw pa psh..

Hindi ko na pinakinggan pa yung mga sinasabi nila, nakakasakit lang sila ng tenga!, umagang umaga ito ang bubungad sayo!sinong hindi maiirita..tsk

Kung hindi niyo pa ako kilala ako si Clark Xydex Colt, third year college sa course na Architect..pangarap daw kasi ni Mom at Dad yun para sa akin, wala pa kasi akong napapagisipan na course para sa akin edi sinunod ko nalang yung gusto nila

Expected na mayaman ako, bakit nila ako tinatawag na king?, bakit nila ako kinakatakutan? at bakit kaliwa't kanan ang mga babaeng gustong maging boyfriend ako?

Dahil alam nilang mayaman ako,dahil nasa akin na lahat ng ideal man ng isang babae, at dahil sa bully ako..

Gusto nila ako dahil may pera ako na gwapo ako (mahangin ba? sorry malakas aircon rito ;)] ) na bad boy ako dahil sa tingin nila cool yon pero hindi nila ako minahal sa kung sino ako..well hindi ko naman sila pinipilit na mahalin nila ako, sila palang ang nagsasabi sa sarili nila na 'mamahalin kita!, kahit anong mangyari idol! no. 1 fan mo ako' pero pag may nagtransfer na bago eh nagbago na pala..

Psh..i don't care if they find someone else mabuti nga eh para mawala ang mga nambwibwisit sa umaga ko tsk..kailangan pa kasi ipaulit ulit yung sinasabi nila pag andyan ako,tss hindi na nila kailangan sabihin pa dahil alam ko na yun tsk..nakakasakit lang sila sa tenga, gatos pa abot ko nito

Papasok na kami sa architectural department na bigla kong naalala si Music o di kaya Musica masyado kasing malaswa pagtatawagin ko pa siyang music..

Kung nagtataka kayo kung sino si Musica eh siya lang naman ang ka una unahang babae na kumalaban sa akin..alam ko namang kilala niyo na yun at kung nagtataka ulit kayo kung bakit ko siya tinawag na Musica eh pinaiksi ko na yung pangalan niya

Niresearch ko lahat tungkol sa kanya, kaaway ko siya kaya dapat alam ko yung buo niyang pangalan at kung anong pwedeng ipangloko sa kanya para naman pag nagaway kami eh may ipapanlaban ako sa kanya ang talino ko talaga..tsk

(A/N: Musica stands for Mullen Siren Carisse hindi ko na idinagdag yung apelyido but yeah gawa gawa ko lang yan)

Pero wala talaga akong balak na tawagin siyang Musica dahil nakaisip na ako dati pa ng pwedeng ipangalan sa kanya..hindi ko mapigilang mapangiti ng nakakaloko dahil sa magiging reaksyon niya pag tinawag ko siyang ganun..

"Hahaha! lagot ka saakin Sirena ka tingnan lang natin hahaha!"napatingin naman yung dalawa sa akin na para bang nababaliw ako did i say that out loud? mukhang oo..

"Wag ka ngang tumatawa na walang paalam!gusto mo ba akong mamatay ng sakit sa puso tsk!"kahit kailan talaga may pagka stupido rin tong si Zach tss..saan ka makakakita ng tao na magpapaalam para tumawa diba wala tsk, sira..

"Eh bakit ka nga ba tumatawa?, sino naman yang tinutukoy mong Sirena?"tanong naman ni Ice tsk..nakakainis rin tong kumag na to masyadong maraming tanong..'lahat nalang ng tanong dapat sinasagot at lahat naman ng sagot may tanong' tsk..eh bakit hindi nila inimbento na  lahat ng bagay complicated para naman masaya psh..

"Yung kapatid ko na kapatid niya tsaka tumatawa ako dahil gusto ko lang bakit bawal bang tumawa?"

"Hindi naman"sabi nito tapos lumakad nalang biglang papasok ng department,tsk.. kahit na tahimik yang tao na yan may pagkasira din yan sa utak hindi ka gaya ko na maayos ayos pa tsk..

"Oh ikaw may problema ba?"maangas na tanong ko rito"Eh wala naman hehehe, sige una na ako hehehe"bigla naman siyang tumakbo papasok ng architectural department tsk..mga tao nga naman ngayon nagkahawa-hawa ng sakit sa utak tsk..

Hindi na akong nagalangan pa at pumasok na rin yung room na papasukan ko aish..eto nanaman tayo..

Sunod sunod na flash ng camera ang biglang sumalubong sa akin,iba't ibang tilian  ng mga nagkukumpulang babae..

"Pati rito ba naman meron sila..tss"i hissed..baka magaya na rin ako sa dalawang yun tsk, saan na ba sila?!

Nagbigay daan naman yung iba habang nakatutok yung mga cellphone nila sa akin

"Ipo-post ko to sa instagram ko yiehh!"

"Ieedit ko to na kasama niya ako ang galing ko talaga!"

"King!pleashh be mine!"

"Mga ambisosya akin lang siya!"

Wala na!sira na yung tenga ko,kailangan ko ng makaalis rito

Tumakbo na ako wala akong pakeelam kung mabangga ko man sila dahil kailangan ko na talagang makaalis rito..

Hindi muna ako papasok sa umaga, maiintindihan naman ako ng prof ko, kahit wala naman ako dun alam ko ang pinagaaralan nila tsk..para saan pa ang pagiging king ko kung hindi ako matalino

Lumabas na ako sa loob ng architectural department at umalis ng mabili,baka maabutan pa nila ako tss..patay na kung nangyari yun

Sa pagmamabilis ko hindi ko napansin na nasa garden na pala ako

Nahihingal na din ako akalain mo tumakbo ako ng pagkahaba-haba, ang lawak kaya ng University na to tsk..

Dahil narin sa pagod napa upo nalang ako pero nahagilap ng mga mata ko ang isang imahe ng babae na nakahiga sa damuhan..

Tumayo ako at dahan dahan na lumapit dun sa babaeng nakahiga.. nakatakip yung mukha niya ng buhok, at nakakabit pa yung headphone sa tenga nito..

Nilapit ko pa yung mukha ko para lang kompormahin yung hinala ko na siya yun..

Napalaki nalang yung mga mata ko ng biglang bumukas ang mga mata nito

"Anong ginagawa mo rito?"

To be continued

Sorry for the late update! Marami kasing ginagawa sa bahay kaya na late ako mag UD sana magustohan niyo at happy new year na rin sa inyo!🎉🎆

-The Riddles







Her 300 break up playlistWhere stories live. Discover now