Kakabalik mo lang sa classroom dahil ipinatawag ka para sa isang meeting. Ikaw kasi yung president ng class niyo. Ginawa ka nilang president dahil daw masipag ka at maasahan. Kahit ayaw na ayaw mo talaga, wala ka ng magagawa dahil botohan iyon.
Dumeretso ka sa upuan mo at kinuha yung phone mo sa loob. Nakita mo na 5 pm na pala. Kinuha mo na yung bag mo at naglakad ng napansin mong madumi yung room. Wala ka ng magagawa at kailangan mo pang maglinis dahil papagalitan kayo ng adviser niyo at ikaw ang masmapapagalitan sa lahat dahil ikaw yung president.
*le sigh*
Binaba mo na ulit yung bag mo sa upuan. "Thank you very much cleaners! Galing niyo eh. Ako din pinaglinis niyo! 3 claps for you all! -____-" sabi mo habang nagwawalis ng sahig.
*Grrrr*
Hala ano yun? Tanong mo sa sarili mo.
*Grrrr*
Nalaman mo na ikaw pala ang nagawa ng tunog na yun. Gutom ka na pala. Tumingin ka sa window para tingnan kung madilim na ba at bigla kang nagulat ng may nakita kang nakatingin sayo.
"AAHHH!" Sigaw mo sabay turo sa bintana.
Binuksan nung lalaki yung sliding window at pumasok doon. Nakita mo na si Kai pala iyon. Kaklase mong di mo masyado kaclose pero matagal ng may gusto sayo.
"Oh, Hi! Tsk! Ano ba yun?! Ginulat mo ko kanina! Kala ko kung sino!"
"Sorry, nakita kasi kita na naglilinis kaya tutulungan sana kita."
"Eh bakit ka nakatayo lang dun? Matagal ka na ba nakatayo dun?"
"Ah, hindi! Hehe. Kakarating ko lang, promise!" Pero kanina pa talaga nakatayo doon si Kai. Tinititigan niya yung maganda mong mukha.
"Tulungan na kita!" sabi niya sabay smile sayo. Naramdaman mong nanginit yung mukha mo. Napansin ni Kai na nagbblush ka at natawa.
Tinakpan mo yung mukha mo at lumabas.
"Oy! San ka pupunta?"
"Kukuha ng mop. Magwalis ka na dyan." sabi mo sabay takbo palabas.
Aish! ___ bakit ka biglang nagblush? Ano ka ba? Nakakahiya sa crush mo! sabi mo sa isip mo habang hinahampas yung ulo mo ng mahina. Kinuha mo na yung mop at bumalik sa room. Tinulungan ka ni Kai buhatin yung lalagyan ng mop.
Natapos na kayong maglins. "Thank you Kai. Thank you sa pagtulong. Kung wala ka siguro baka 12 na ko nakauwi. Hehe, dumi kasi ng room natin."
"Sus, wala yun! Basta ikaw." sabay kindat ni Kai sayo. nagblush ka nanaman. Tatakpan mo na sana yung mukha mo ng pinigilan ka ni Kai.
"____, bakit ka nagbblush? May gusto ka rin ba sakin?"
Napatahimik ka saglit ng narealize mo yung sinabi niya.
"Rin? May gusto ka rin sakin? May gusto ka sakin?"
Namula din si Kai. Napatawa ka naman.
"Oo Kai, may gusto rin ako sayo."
Nagsmile sayo si Kai at niyakap ka niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry po~ Pangit po ba?
please vote and comment :))
Exo! Saranghaja! Godbless!
Annyeong~! MiToesMiNise
