Behind Those Eyes

39 2 14
                                    

Vonne's POV

"Pepper. Sorry na kasi..ang pikon naman nito." Belle said while slyly smiling at me.

"Sorry? Sorry mo mukha mo. Pagkatapos mo akong takutin kanina. Lumayo ka nga sa akin. Sipain na kita dyan eh." I stated acidly.

"Heto naman para biniro lang kita kanina. I'm sorry na Pepper. Sige na, patawarin mo na ako. Pretty please." malambing na paki-usap niya pagkatapos kumapit sa braso ko.

Psh! Gago talaga nitong si Belle. Pagkatapos akong takutin magso-sorry lang ng basta-basta. Ano ako easy to get? Isa pa din naman yung babae kanina. Sobrang nagmamadali ba siya at hindi na niya nakuhang magpaalam sa akin? Badtrip! Apparently my ghostly encounter with her is not so ghostly. Nagmukha tuloy akong tanga. Inis na sabi ko sa sarili.

"I didn't know that you were that gullible. Tsk! If you could have seen your face." she said teasingly, interrupting my thoughts.

"Are you mocking me you little brat?" galit na tanong ko. Iling lang isinagot niya sa akin habang kulang na lang ay gumulong sa kakatawa.

"Quit it Belle!" pagalit na sigaw ko. "Sabing tumigil ka sa kakatawa! Kokotongan kita." galit na banta ko habang papalapit ako sa kanya.

"Ahahahaha.....Vonne tama na! Hoy! Tigil na!" humahalakhak na sigaw niya habang umiiwas sa mga atake ko.

"Hindi! Gaganti lang ako. Hindi mo ba alam kung gaano ako natakot kanina?" naghihimutok na usal ko.

"Alam. Kitang-kita ko kaya kung paano ka manginig sa takot. Epic dude!" galak na sabi niya.

"Ah ganon?! You had your fun right? Halika dito. Gaganti lang ako. Isa lang! Isa! Stop moving." gigil na sabi ko habang sinusubukan ko siyang habulin.

"HOY! Tumigil na nga kayong dalawa." Inis na bawal ng bagong dating na si Lucas habang pilit na nagtatago si Belle sa likod niya. "Isa! Hindi ba kayo titigil? Tsk! Tumigil ka na nga Vonne. Nalulukot na damit ko" iritadong turan ni Lucas.

Ungas din nitong si Lucas. Ang layo ko kaya sa kanya."Ayos ah! Ako ba may hawak ng damit mo?" naghahamong tanong ko.

"Hindi. Kaso hindi naman magtatago si Belle sa likod ko kung di mo hahabulin." maangas na sagot niya.

"Tss! Langhiya! Ano 'to kampihan?" I asked sarcastically.

"Bata lang?" sabat ng unanong si Cassie.

"Hindi. Height mo pang-bata." walang ganang sagot ko.

"Jerk ka gago." masungit na baling niya sa akin.

I smiled triumphantly at her. "Ano bang ginagawa niyo ditong mag-tatay? May klase pa tayo." I asked while pointing at her and Lucas.

"Bopols may emergency meeting yung faculty. Mamayang one o'clock pa resume ng classes. Eh ikaw?" she stated inquiringly while throwing disgusted looks at me.

"Ihahatid ko itong ungas na 'to. Kaso may kabobohan na namang ginawa." I said while pointing at Belle.

"Bobo?! Genius kaya ako." makahulugang sabi ni Belle.

"Bakit ano bang ginawa mo?" Lucas asked.

Hindi sila magkamayaw sa kakatawa habang ikinukwento ni Belle yung nangyari kanina sa garden. Tang-ina bakit ba ang walanghiya ng mga kaibigan ko? Wala man lang akong simpatyang makuha.

"Tsk! Tanga mo din eh noh. Ang aga-aga multo." nang-uuyam na sabi nung unanong syota ni Lucas.

"Shut up midget." I hissed sarcastically. "I better go. Wala akong mapapala sa inyo." maangas na paalam ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Watching from the Sidelines (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon