Prologue

85 3 9
                                    

Naramdaman ko ang mabining sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Napangiti ako sa isiping umaga na at ikaw ang una kong makikita. Marahan kong kinapa ang katabing espasyo. Nagtatakang napamulat ang aking mga mata ng hindi maapuhap ang inaasahan ko. Inayos ko ang sarili at hinananap ka sa kabuuan ng aking tahanan. Tinawag ko ang pangalan mo. Iisa lamang ang narinig ko......nakakabingi at nakapanlulumong katahimikan. Kinakabahang tinawagan kita sa iyong telepono... ngunit walang sumasagot. Dali-dali akong gumayak upang hanapin ka. Hindi ko maintindahan ngunit unti-unti akong kinakain ng kakaibang kaba at hindi maipaliwanag na takot. Paalis na ako ng mapansin ang isang sulat. Nanlulumo akong napaupo matapos basahin ang sulat na iyon. Itinatanggi ng aking buong pagkatao na tanggapin kung ano man ang nabasa ko. Para akong nauupos na kandila, gusto ko ulit pumikit at isiping isa itong masamang panaginip. Na gigisingin mo ako at sasabihing panaginip lamang ang lahat. Ngunit kahit anong pikit ang gawin ko, muling napapadilat ang aking mga mata sa sakit na nararamdaman ko. Paulit-ulit kong binasa ang sulat na iniwan mo at nagbabakasakaling nagkakamali lamang ako. Namanhid ang aking kabuuan at sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Habang paulit-ulit na naglaro sa aking isipan ang mga katagang isinulat mo.

'In our lifetime people come and go. We may treasure them but then again we may not. We may be affected by their lost but again may be not. Each stage is a fulfilling adventure, each step is necessary. And in the end of every journey a new one awaits. Maybe my part ends right here. Please don't look for me....just live....we never know if our paths are going to cross again....because just like you....I'm tired and lost.... waiting.... watching from the sidelines....'

Date Created: September 2, 2013

Date Finished:

Watching from the Sidelines (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon