CHAPTER 4: MISSION: 20 in 1?!

79 4 0
                                    

Mi An genuinely believes that the valuable things in life are the hardest to gain. Kapag daw kasi sobrang hirap bago mo nakuha ang isang bagay, mahirap sayo ang i-give up yun. Kaya naman hinanda ni Mi An ang kalooban niya sa mga possibleng pagsubok na pagdaanan niya sa pagpasok niya sa Andromeda G.

Puno ng kaba pero puno rin ng determinasyon ang dalaga sa pagtapak niya sa building ng AG. Lobby pa lang, maganda na. Nakita niya ang mga scholars at members na masayang nagkkwentuhan at naglolokohan sa lobby sa daan niya papuntang office.

“Yes, may I help you?” tanong ng uhmmm… secretary?

Ngumiti si Mi An. “Mag-aapply po sana sa scholarship program.” Iniabot niya ang portfolio niya.

“Sige, upo ka muna diyan.”

Binasa ng secretary ang portfolio niya at maya maya pa’y may kausap na sa phone ang secretary.

“Okay po.” Sabi niya. “Ms. Lee proceed na lang po kayo sa Meteor Room. Yung room dun sa dulo paglabas mo ng office.” Iniabot ni miss secretary yung portfolio sa dalaga. “hwaiting!”

“Kamsahamnida.” Ani Mi An sabay bow.

Lumabas si Mi An at narinig niyang may nagpapatugtog ng Chu ng f(x) sa di kalayuang covered court. Napangiti siya ng makita ang tatlong dalaga na nagtuturuan ng sayaw. Gusto niya rin ang f(x) pero never pa siyang nag-aral ng mga sayaw nila.

Tok.Tok.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at sa loob ay nakakita siya ng full length mirrors.

Dance Room.

Sa gitna ay isang binata who looks like he is in his early twenties at yung typical na lalaking mukhang mahilig sa hip hop.

“Annyeong hashimnikka.” Bati niya at nagbow.

“Annyeong!” ngumiti siya then his eyes formed crescents.

Nyak. Eye smiler. Parang si ppanyang ko lang (A/N: Palayaw niya kay Tiffany ng SNSD yung ppanyang)

Iniabot ni Mi An yung portfolio niya sa lalaki at tumayo doon awkwardly.

Habang skina-scan ng lalaki yung portfolio niya, inilibot ni Mi An yung mata niya sa Meteor Room. May mga kurtina sa dulo, speakers, ilang cabinet, bag, laptop, gitara –

“Ms. Lee?” binaling niya ang tingin sa kasama.

“Ne?”

“Ako nga pala si Justine. Isa ako sa mga language at dance instructor sa AG. Since andito naman na sa portfolio mo yung mga supposed to be ipapagawa ko sayo, ito na lang ang gawin mo.”

Matapos marinig ni Mi An yung instructions ni Justine, nanlaki ang mata niya.

---

20 minutes…

Annyeong haseyo. Lee Mi An imnida!

Kanina pa siya sumisigaw ng ganyan sa may hall pero walang pumapansin sa kanya.

Lahat busy… either nagpapractice, nagkkwentuhan o nagmi-meeting. Yung iba naglalaro ng uno.

Nagfacepalm siya,

Flashback…

 “Dun ka sa AG Hall. Maraming tao dun. Kahit anong trip, pwede mong gawin. Yung AG Hall yung parang entertainment room sa AG.” Natatawang sabi ni Justine. “And that doesn’t differ from you. Kahit ano pwede mong gawin, basta kailangan may 20 makaalala sayo sa pagbalik mong AG next week.”

Napangiti si Mi An. Ayos! Madali lang to!

Mali.

Nagkamali si Mi An ng akala.

Game of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon