Chapter 2

449 7 1
                                    

CHAPTER 2

TREY'S POV:

Nandito na kami sa condo ko ngayon at eto namang babaeng to manghang mangha na kala mo di pa nakakapunta dati dito. Madalas niya akong ginugulo dati mula sa school hanggang dito sa condo ko. Hindi ko nga alam kung pano siya nakakuha ng susi ng condo ko eh. Kaya madalas dun ako sa bahay natutulog

"Grabe Trey baby di ko akalaing dito na ako titira kasama ka!" Maarteng sabi ni Sha saka lumingkis nanaman sakin -.-

"Wala akong choice. Maglinis ka na dyan aalis lang ako" Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at umalis na

San ba maganda pumunta? Sawang sawa na ako sa computer shop at dota pero minsan napipilitan akong pumunta dun para makaiwas kay Sha. Masyado syang clingy at malandi -.-

Sa sobrang dami kong iniisip, narating ko na pala ang park. Dito ako madalas tumambay bago umuwi galing sa school. Dati peaceful dito pero ng malaman ni Sha na dito ako madalas tumambay ay nagpupunta na din siya dito para guluhin ako. Cruel world

Umupo ako sa isa sa mga swing at pinanood yung mga batang naglalaro. Pag lumabas na baby namin--ay baby ko lang pala ano kaya ang magiging gender niya? Gusto ko lalaki kasi baka pag babae maging kamukha pa ni Sha. Kawawa naman ang baby ko

Tanggap ko na na magkakaanak na ako kahit na may parte sakin na gustong talikuran yung responsibility na yun. Napakarami ko pang gustong gawin sa buhay ko. Mag-aral, gumala, makakita ng maraming babae, matikman sila (hehe) at pumunta sa iba't ibang bansa. Pero dahil kay Sha, isang pagkakamali lang nawala na ang lahat.

Tatayo na sana ako para umuwi ng may babaeng umupo sa kabilang swing. Tinignan ko siya at nakita kong umiiyak siya. Tangna ang ganda nito ah?! Sinong gagong lalaki ang magpapaiyak sa isang babaeng tulad niya?!

"Miss, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Chix eh

"Uh, oo." Shit pati boses niya chix!

"Ako nga pala si Trey" Aba di ko na palalampasin tong chix na to. Inabot ko sa kanya yung kamay ko para makipag-shake hands

"I'm Charmaine" Gusto kong maubo ng sabihin niya yung pangalan niya. Charmaine?! Parang Sharmaine lang?! Tang inang yan ang ganga nito para maging kapangalan ni Sha!'

"Ang ganda naman ng pangalan mo :) bagay sayo" Sabi ko ang winked at her pero pwe nasusuka ako sa pangalang Charmaine

"Maria Charmaine ang totoong pangalan ko. Maganda ba yun?" Tanong niya. Maria Charmaine?

"U-uh oo naman! Maria na lang ang itatawag ko sayo ha?" Ayoko talaga ng Charmaine naaalala ko si Sha

"Ha? Sige bahala ka :)" Tang ina ang ganda ng ngiti niya :)

Nag-usap pa kami ni Charmaine at napag-alaman kong isa siyang Maria Clara. Just what I am looking for. Shit sana siya na lang ang nabuntis ko at hindi si Sha!

"Uhh Trey sige alis na ako ah? Baka kasi hinahanap na ako sa amin eh" Paalam niya pagkatapos namin kumain ng ice cream

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He was RAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon