Ella's POV
Ewan ko sa sarili ko dahil otomatikong lumuha ang mga mata ko nang alisin ko na ang nakapiring na paniyo sa mata ko
Tears of joy ika nga nila...
"Nagustuhan mo ba?"tanong sa akin ni John na nakaakbay sa akin sa bench
Tumango ako at niyakap siya,puro roses ang andito na color red tapos may mga nagviviolin pa na waiters
"Masyadong romantic"pabulong kong reklamo kaya napatingin siya sa akin
"Pasalamat ka nga pinunta kita dito"aniya sabay ikot ng mata
"Joke lang...ito naman highblood"ani ko sabay pisil sa ilong niya
"Parehas lang tayo noh,yung kanina sa kotse...naalala mo?"natatawa niyang banggit
"Eh sino ba ang hindi magagalit kung may importanteng selebrasyon sa bahay niyo tapos may biglang pupuntahan"ani ko sabay pout
May bigla namang humalik sa kaliwa kong pisngi kaya nagulat ako,wala naman akong katabi doon ah!
Lumingon ako sa likod ko ay si 'Kuya' pala ang humalik sa akin,aww miss ko yung paglalambing sa akin ni kuya
"K-kuya!"sigaw ko sabay tayo sa bench at niyakap si kuya
"Miss mo kaagad ang gwapo mong kuya?"tanong niya na natatawa kaya sinapak ko ang braso niya
"Ella,andiyan din sila Tita Maelyn at Tito Stanly oh"ani sa akin ni John na nakaupo parin sa bench
Tumakbo ako kanila mom at dad at niyakap sila
"Aww...ang sweet"sabi ni mom at dad
"Anak...balita ko nagmumura ka daw kanina sa kotse"ani ni mom sabay kalas sa yakap ko
Napatingin naman ako kay John at nagpeace sign lang siya,"Akala ko po hindi ko na kayo makakasama ngayong weekends"ani ko sa kanila
"Anak...ngayon ka lang hihiramin ni John sa amin,babalik ka pa naman sa amin eh"ani ni papa na pinapatahan ako
"Except...kung gusto mo nang tumira sa bahay nila"ani ni Kuya ng pabulong at iwas ng tingin sa akin
"Loko!"sigaw ko sabay sapak sa braso ulit niya
"You don't want?"nagsusumamong tanong sa akin ni John
"Emm......"ani ko sabay kibit balikat
"Sige anak,mauna na kami nina kuya at mom mo ha?enjoy!"ani ni papa sabay hatak sa kanila papalayo
"So....ano'ng gagawin natin ngayon?"tanong ko sa kaniya na nakangisi
Ngumisi ito ng nakakaloko
"Answer.My.Question!"mariin kong sigaw at aaktong kukwelyuhan ko sana siya ng iismack niya ako sa lips
"Andaya!!"sigaw ko na parang bata na naagawan ng candy
"We'll go anywhere you want"aniya sabay ngiti
Napapaisip nanaman ako,kung hindi kaya pumunta ulit kami sa Enchanted Kingdom at papatayin ko nanaman to sa takot...pero wag na,gusto ko munang makasama itong mahal ko...yieee!cheret!
YOU ARE READING
Is this Blessing or A Curse?
Teen FictionA girl who is 'Boyish' and 'Nerd' but she turned into like a princess when she met her someone "I'm not able to love a man cuz I'm boyish"ang paborito niyang kataga... And when she met her love,sunod sunod na mga kamalasan ang sumunod sa buhay niya...