WBIL 8

3 0 0
                                    

Gabi na nung kami ay nagising dahil sa pagod, sabay kaming naligo at pagkatapos non ay ako ang unang lumabas para magbihis at sinabihan ko nalang siya na lumabas na at lalabas na ako para pumunta sa kusina, pasalamat ako at kabisado ko parin itong mansyon nila andami kasing pasikot sikot dito tas silang dalawa lang ng nanay niya nakatira, nakakamangha diba? Ha ha ha

Agad ko nang tinungo ang kusina at tinignan ang kanilang ref kung may mailuluto ba ako.

Sakto namang may mga sangkap dito at di na ako nagpatumpik tumpik pa at kinuha ang mga iyon, sakto na iyon para makapagluto ako ng paborito niyang luto ko

Sinigang, habang naghihiwa ako naramdaman ko na may yumakap sakin patalikod at inilagay ang kanyang ulo sa aking balikat

Nararamdaman ko yung hininga niya sa tenga ko, nakakakiliti!

"D-Dane, ano ba..."Pagpapa tigil ko sakanya, agad naman 'tong tumigil at umupo pinanood nalang ako

Nang matapos ko iyon ay agad ko namang sinabi sakanya na luto na ito at nilagyan siya ng kanin sa plato at yung sinigang naman ay nilagay ko sa bowl.

Dinamihan ko itong plato na ito dahil makikihati nalang ako sa plato para hindi na dagdag hugasin ang mga ito

Nang magsimula kaming kumain ay tahimik na atmospera ang nakapalibot saamin hangganf sa matapos, sinabi niyang siya na ang maghuhugas at umakyat na daw ako dahil ihahatid na niya ako bukas kila mama, ikinalungkot ko naman agad iyon dahil hindi nanaman kami magkasama bukas pero tagal ko ng hindi nakapunta kila mama at namimiss ko narin siya.

Nakakabagot naman dito, sayang dahil hindi ko nadala ang cellphone ko dito ang pagkakaalam ko naiwanan ko ata iyon sa kotse ni Dane eh hays...

Tumayo muna ako sa kama ni Dane at tumingin sa bintana, ang ganda nga ng kwarto niya makikita mo talaga ang buwan dito.

Ilang saglit lamang ay narinig ko ang pinto na bumukas, at ng aking lingunin ay niluwa naman ito si Dane

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang paa ko para salubungin siya at yakapin ito ng mahigpit

"J-Justine, matulog na tayo dahil maaga pa bukas" Sabi nito at humiwalay naman sakin para ayusin ang higaan

Nang matapos niya ito ay inanyayahan niya ako matulog sa tabi niya at hindi ko naman iyon tinanggihan bagkus ay tinabihan ko rin siya

Ang braso niya ang nagsilbing aking unan at kinakantahan niya ako bilang pampatulog

"Magandang gabi, Justine tulog na"

Yun na lamang narinig ko at unti-unti ko namang pinikit ang aking mata

Kinabukasan

Mga ilang oras din ang nakalipas ay nandito na kami sa bahay ko-- nila mama, kapag pumupunta ako dito ay kinikilabutan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit

Nag doorbell ba kami at pasalamat naman na may nagbukas na niluwa naman non ay si-- si Tita Avel? Andito?

"Oh, Hija Justine? Mukha namang gulat na gulat ka pati Yeshua?"Bungad nito samin pati si Dane ay halatang gulat na gulat

Kinakabahan na ako sa mangyayari mamaya, baka tanungin kami ng kung anu-ano

Nakita ko si Mama na nakaupo at nakangiti ito kay Dane, jusko ito na nga ata iyon.

"So... kumusta na pala kayo?" Hinigpitan ko ang hawak ko sa jamay ni Dane, senyales na siya ang gusto kong ipasagot sa tinatanong ni Mama

"O-okay lang naman po,"Halata sa mukha ni Dane na kinakabahan din ito

"Ay naku! Dane! Alam namin Dalawa ang ginawa niyo nung nakaraang gabi!" Gulat na gulat kaming dalawa at ang ekspresyon ng kanilang mga mukha ay nakangiti lang sila Mama ng wagas

"M-mommy..."Si Dane naman, namumula na

"Hays, osige. Ganito kasi iyon Yeshua umuwi ako nung gabing iyon, pinuntahan ko ang kwarto mo at...
Narinig ko kayo, Hahaha!"Halatang tuwang tuwa naman silang dalawa ni Mama kahit kailan talaga!

"Osige na Yeshua at Justine mamaalam muna ako sainyong dalawa, aalis na ako Paula sige!"Pamamaalam ni Tita Avel

Nakalipas ng anim na oras, magga-gabi na napagpasyahan na ni Dane umuwi dahil gabi na at may klase pa bukas.

Hinatid ko naman ito sa labas, hindi ko parin talaga maalis ang lungkot sa aking mukha dahil aalis na siya hays...

"Don't be sad, okay? Magkikita pa naman tayo bukas" Sabi nito at ngumiti then he gave me a quick kiss at sumakay na ito sa kotse

* * * *

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Way Back Into Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon