CHAPTER 2: Inlove pa rin

138 19 2
                                    

CHAPTER 2: Inlove pa rin

"Best ko?" I asked him

"Opo, ako nga ito." Ngumiti siya sa akin.

Nananaginip ba ako?

"Wait, biro ba ito?" may namumuong luha sa mga mata ko.

"Of course not! Do you see this? This is my evidence."

Pinakita niya uli ang necklace. At ngayon na niwala na talaga ako. Tuluyan na akong lumuha nang yakapin ko siya.

"Best nasasakal mo na ako."

"Sorry." humiwalay na ako sa kanya.

"Wait I'm asking you na miss mo ba ako?" tanong niya muli.

"Sira! tinatanong pa ba iyan? Syempre Oo ang tagal kaya nating hindi nagkita. Hindi nga kaagad kita nakilala eh."

"HAHAHA! I thought you forgot me already."

"Sandali lang, bakit hindi mo ako tinulungan kanina?" Buti na lang naalala ko.

"Wala lang." Kinurot ko siya.

"Ouch!" Lumingon si Sir Lopez sa amin.

"Any problem Mr. Sy?"

"Nothing Sir." Tumawa na lang ako. Halatang na-miss namin ang isa't isa di ba?

Napa-kilala ko na pala si Sam kay Shine. Hindi pa nga maka-paniwala si Shine. Small world daw talaga. Kahit ako rin naman hindi maka-paniwala parang kanina lang hindi ko pa siya naalala. Ang bilis lang ng oras pauwi na kami ngayon at kasama ko si Sam. Ihahatid niya raw kasi ako kaya pumayag ako.

Tawa ako nang tawa dahil sa mga kwento niya. Hindi namin namalayan na madilim na buti na lang ay nandito na kami sa tapat ng bahay.

"Salamat sa pag-hatid. Ingat ka sa pag-uwi." nakangiti kobg sabi.

"Sige bukas ulit, bye!" naglakad na siya ngunit nagulat ako nang bumalik siya at yumakap sa akin.

"Thanks kasi hindi mo ako nakalimutan." After that tumakbo na siya.

"Salamat din kasi bumalik ka." bulong ko sa sarili ko habang tinititigan ang papalayong si Sam.

Pagpasok ko sa room ko, humiga agad ako, nakatingin ako sa puting kisame at unti-unti kong naalala ang nangyari kanina habang pauwi kami.

***FLASHBACK***

"Kamusta ka na? Ang dami kong hindi alam sayo simula noong pumunta akong ibang bansa." lumingon ako sa kanya.

"Ayos lang. Alam mo ba naging top 5 ako noong first year high school tayo. Kaso wala ka na that time kaya hindi ko nasabi sayo." pahayag ko, tahimik naman siyang nakikinig.

"Nanalo rin ako sa spelling contest naiyak pa nga ako kasi akala ko hindi makaka-attend si Mama 'nung awarding."

"Ang dami mo talagang achievements. Kaya gustong gusto ka ni Mommy na maging girlfriend ko eh." napatingin ako dahil sa sinabi niya.

"Ha?"

"She likes you to be my girlfriend, ikaw daw kasi yung tipong hindi magiging bad influence." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hedi sana ako na lang mismo ang nanligaw sayo dati." biro kong sabi sa kanya.

"Ako kasi dapat ang gagawa 'non. Nahiya lang ako."

Natahimik ako sa sinabi niya. Ano raw?

"Hindi ko nagawa kasi nahiya ako dagdagan pa na paalis na kami that time."  Tumingin siya sa akin.

"Nanghihinayang nga ako eh. Buti na lang may chance na ulit ngayon." dagdag pa niya.

Hindi ko talaga na gets ang sinasabi niya at buti na lang nasa tapat na kami ng gate namin.

***END OF FLASHBACK***

***SCHOOL***

Ilang lingo na ang lumipas. Ang bilis lang talaga ng panahon. Ang tagal ko na palang classmate si Sam. Ang dami naming nagawang projects, na-survived na quizes at natapos na performance.

Friday na pala ngayon kaya masaya. Nasa canteen kami ni Shine. Hindi matanggal ang ngiti ko. Kinikilig na yata ako.

"Ano naman yang ngiti mo?" tanong ng kasama ko.

"Niyaya ako ni Sam na gumala bukas." bulalas ko

"Talaga?!" Tanong ni Shine. Tumango ako sa kanya.

"Sama ako!" napasimangot ako dahil sa sinabi niya.

"Baliw! Bakit ka sasama? Date namin 'yun." paliwanag ko sa kanya.

"Joke lang hindi ka naman mabiro."

Sakto namang lumapit si Sam kaya nagsimula na kaming kumain.

Hanggang sa matapos ang klase iniisip ko pa rin kung anong magiging kahihinatnan ng date na iyon. Date nga ba iyon? I hope so.

Nasa harap na kami ng bahay namin.

"Make sure maganda ka bukas ha." Syempre ako pa ba?

"Sure, ako pa ba?" Ang yabang ko di ba?

"Sige na, uwi na ako. Sunduin kita bukas."

"Sure. Ingat ka." nginitian ko si Sam at pumasok agad ako sa gate.

Kailangan kong maghanda para bukas. Siguro bukas na ang nakatakdang araw para sa gagawin ko.

BEST KO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon