CHAPTER 3: Will you be my GIRL?
***SATURDAY***
At dahil saturday na ngayon. Maaga akong nagising. Nag-ayos ako ng mabuti nakakahiya naman kasi kung mukha akong bagong gising sa pupuntahan namin.
Naka-upo ako sa kama. Kinakabahan ako. Bigla kong narinig ang boses ni Mama mula sa sala.
"Den! nandito na si Sam!." Agad akong bumaba. Pagbaba ko nakita ko ang isang matipunong lalaki. Nakasuot siya ng V-neck na color white na shirt. May bulsa pa ito sa left side. Naka jeans siya at naka vans. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya.
"Wow! naka-dress." puna niya sa suot ko. Naka dress ako. Above the knee. May designs itong mga flowers at butterflies. Color blue ang dress kaya napili kong magsuot ng converse na color white. Buti na lang at bumagay.
"Lets go?" Tumango ako. Nagpaalam kami kay Mama.
Pagdating sa labas ng gate tumambad sa amin ang isang kotse. Sumakay kami. Hindi si Sam ang nag-drive kundi ang driver nila. Wala pa raw kasi sa legal age si Sam kaya hindi pa siya pinapayagan ng Daddy niya na mag-maneho.
Dumating kami sa isang private park. May entrance fee rito kaya siguro iilan lang ang nakakapasok. Ang linis ng paligid hindi ito katulad sa ibang park na maraming basura ang nakakalat. May comfort room din mismo sa loob nito at may mga kainan.
Dinala ako ni Sam sa ilalim ng malaking puno, hindi ko nga lang alam kung anong klase ng puno. Nang tumingala ako isa pala itong tree house. Umakyat kami roon and to my surprise may nakahanda ng mga pagkain.
"You like it?" tanong ni Sam sa akin.
Tumango ako."Talagang pinag-handaan ah." Ngumiti lang siya. Habang kumakain ay nag-kuwentuhan lang kami. Pagkatapos 'nun ay umupo ako sa banda sa pintuan ng tree house. Tumabi naman sa akin si Sam. Tanaw namin ang mga naghahabulang mga bata.
"Ang saya nila." pahayag niya.
"Kung mahuhulog kaya ako dito may sasalo kaya sa akin?" tanong ko habang tumitingin sa ibaba.
"Wala" maikli niyang sagot. Napakunot ang noo ko.
"Wala kasi hahawakan ko ang kamay mo para lang hindi ka mahulog at masaktan." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Sam"
Tanging pangalan na lamang niya ang nasabi ko.
"Alam ko masyadong matagal ang panahong di tayo nagkita. So gusto ko sanang makabawi sayo. Denise huwag ka sanang magalit pero...mahal kita. Sorry hindi ko man lang nasabi sayo kasi natatakot ako na baka magalit ka, baka masira ang friendship natin. Noong umalis ako nagsisi talaga ako kasi hindi ko naamin sayo kung gaano kita kamahal at hindi ko rin alam kung tatanggapin mo ako. Ayaw ko ng rejection lalo na kung mula sayo kasi bestfriend kita at mahal kita." Pagpapaliwanag niya.
"Sam no need for you to say Sorry. Wala kang kasalanan. Parehas lang tayong natakot."
"What do you mean?"
"Sam, katulad mo lang rin ako. Natakot akong umamin kasi baka hindi mo rin ako matanggap." This time umiiyak na ako.
"Natatakot ako Sam na kapag nalaman mo lumayo ka. Pero mali ako. Mas nakakatakot pala na hindi ko naamin sayo lalo na't umalis ka."
"Denise you love me?" Hindi siya makapaniwala.
"Yes!" and because of that niyakap ako ni Sam. I hugged him back. Hindi ako mahihiya kasi naamin ko na ri. Sa kanya.
"Denise I'm really glad. I promise hindi na ako lalayo pa lalo na't alam kong may dahilan para mag-stay ako." Pinunasan niya ang luha ko.
Pero mas lalo akong naiyak sa huli niyang tanong.
"Denise. Will you be my girl?"
BINABASA MO ANG
BEST KO?
Teen FictionKaibigan ko siya. Mahal ko siya kaso huli na, umalis na siya. Siguro malas ako kasi hindi ko man lang nasabi. At ngayong bumalik siya, maaamin ko na ba? O mananatiling lihim ang nararamdaman ko para sa kanya? (This is my first story, I hope you lik...