"Since patay na ang mga magulang mo...." nakakadiri syang ngumisi, "......ikaw na ang magbabayad ng utang nila sa mga magulang ko.""A-Ano?" nakanganga kong sabi.
"Magta-trabaho ka saakin. Personal assitant, parang ganon," nakakainis syang tumawa.
Paano ko naman mababayaran ang 20,000,000 e isa lang naman akong college student? Pang-tuition nga, hindi ko alam kung saan hahagilapin e. 20,000,000 pa?!
"Alam mo, wala akong panahon para sa mga kalokohan mo!" sabi ko.
Hinablot nyang bigla ang kamay ko, "Madison, I'm serious. Sina Dad na rin ang nag-sabi, ako na ang bahalang maningil ng utang."
"Aba saang lupalop akong kukuha ng 20,000,000? Maawa ka naman saakin! Wala na nga akong mga magulang oh," bulyaw ko sa pagmumuka nya.
"That's it, Madison. You're going to work for me," sabi ni Yuan.
Napalunok ako, "A-Ayoko nga. Sa iba nalang ako magta-trabaho kaysa naman sayo."
"Or else.... ipapakulong kita," pananakot nya, "Alam mong kayang-kaya kong gawin 'yon."
"Gago ka ba talaga?!" inis na sigaw ko, "Tsk! Bwisit naman talaga oh!"
"Choose, Madison. Work for me or jail?" nakangisi nyang tanong, "Don't worry, kapag nabayaran mo na ang utang ng nga magulang mo, papaalisin na rin kita."
"Anong papaalisin?" tanong ko.
"Papaalisin sa bahay. Sa bahay ka titira habang nagta-trabaho ka para saakin," ngumisi ulit.
"Aba!" napabuga ako ng hangin dahil sa inis, "Nababaliw ka na, no? Anong iisipin ng mga tao kapag—"
"Kapag nalaman nilang nakatira ka sa bahay? Wae, Mad? Katulong lang naman kita," nakangising sabi nya.
Napalunok ako dahil sa sinabi nya. Oo nga naman. Nagta-trabaho lang naman ako.
"Deal?" nilahad nya ang kamay nya sa harapan ko, "Or else, ipapakulong kita."
"Nag-tanong ka pa, iba-black mail mo rin pala ako," napaira ako saka kinuha ang kamay nya, "Deal."
Ngumisi sya, "You're now my personal assistant."
I'm his personal assistant....
YOU ARE READING
His Personal Assistant
Teen FictionI'm his personal assistant..... shhhh it's so personal