Chapter 2

14 0 0
                                    


"Madison, gising na ba si Yuan? Bakit wala pa sya?" tanong ng Mommy ni Yuan.

"Ma'am—"

"Tita, Madison. Tita naman ang tawag mo saakin noon, diba?" binitawan nya ang kubyertos na hawak nya, "Mag-tatampo talaga ako kapag Ma'am pa ang tinawag mo saakin."

"Oo nga naman, Madison. Tito naman ang itawag mo saakin," sabi ni Sir— Tito pala.

Napatango-tango nalang ako, "Tatawagin ko lang po si Yuan."

Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa kwarto ni Yuan. Saktong pagka-pasok ko, gising na sya at nakapag-bihis na rin. Nasa harapan sya ng salamin nya, sinusuklay ang basa nyang buhok.

"Bumaba ka na pagkatapos mo dyan para makakain na at maka-pasok," bilin ko bago lumabas ulit ng kwarto nya.

Dumiretso ako sa kusina para sabayan sina Tita na kumain. Nakalimutan kong si Yuan nga lang pala ang amo ko, hindi pati sina Tita. Hindi na ako nahiyang kumuha ng pagkain dahil sila na rin mismo ang nag-sabi.

"Madison..." mahinahon na pag-tawag ni Tita saakin.

"Po?" tanong ko, inangat ko sakanya ang tingin ko.

"Aalis kami," hinawakan nya ang kamay kong naka-patong sa lamesa, "Ikaw na muna ang bahala kay Yuan. Alam ko namang maaalagaan mo sya e. Don't worry, we'll be back maybe after a month or two."

Kumunot ang noo ko, "Saan po kayo pupunta?"

"Sa america," sagot naman ni Tito, "May aayusin lang kami roon pero babalik din naman kami. Ibibilin lang namin si Yuan saiyo."

Ngumiti ako, "'Yon naman po ang trabaho ko."

"Ikaw lang mapagkaka-tiwalaan ko sa pag-babantay kay Yuan," natatawang sabi ni Tita, "Makulit kasi ang batang 'yan. Akala nya baby pa sya."

Natawa ako at nag-patuloy sa pagkain. Lahat kami ay napatingin kay Yuan nang dumating na sya. Ayan na, mag-uutos na 'yan na kuhanan ko sya ng pagkain. Ihahanda ko na ang sarili ko—

"Hoy Madison, kuhanan mo na ako ng pagkain," oh diba, sabi ko na sainyo e.

Tumayo ako pero hinawakan ni Tita ang kamay ko, "Pasensya na ha? Pag-pasensyahan mo na si Yuan. Ikaw na ang bahala," bulong nya.

Tumango ako. Binitawan nya ang kamay ko kaya nakatayo na ako ng maayos. Kinuha ko ang plato ni Yuan sa harapan nya. Nilagyan ko 'yon ng fried rice, pati na ng bacon at tocino. Hindi sya kumakain ng hotdog dahil naaalala nya raw yung teacher namin na nag-sabing bulate ang hotdog. E takot din sya sa bulate.

"Aalis na kami, Madison. Hey, Yuan baby?" pag-tawag ni Tita kay Yuan, "Magpaka-bait ka ha? 'Wag mong awayin si Madison. 'Wag masyadong pasaway."

Umirap si Yuan, "Oo na, Mom. Bye bye na!"

"Bye po," pagpapaalam ko.

Lumabas na sila ng kusina, naiwan ako at si Yuan sa kusina. Dahil tapos na akong kumain, naupo muna ako sa harapan nya habang hinihintay pa syang matapos sa pagkain nya. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa saka tumingin sakanya.

"Ayan ha, umalis ang parents mo at binilin ka nila saakin," sabi ko, para naman aware sya.

Binitawan nya yung kubyertos na hawak nya, "Oh tapos? Anong gagawin ko?" sarkastikong sabi nya.

Nagkibit-balikat ako, "Sinasabi ko lang naman."

Matapos nyang kumain, nilagay ko ang pinagkainan nya sa lababo. Pagkatapos ay pumasok na kami. Ibang sasakyan na naman ang dala nya ngayon. May lima syang sasakyan na pinagpapalit-palit sa isang linggo. Yaman ni gago e.

His Personal AssistantWhere stories live. Discover now