"Magkano pa po ba ang kulang ko?" tanong ko sa cashier ng school."Sandali, titignan ko muna," sabi nya.
Tumango ako saka tumingin sa monitor ng computer. Nag scroll down and up sya habang tinitignan ang mga record.
"Last name?" tanong nya, hindi manlang sya lumilingon.
"Vasquez po," magalang na sabi ko.
Hinanap nya ang pangalan ko. Ilang scroll down and up pa at huminto rin sya. Naupo muna ako sandali para ihanda ang sarili ko sa maaaring marinig. May binabayaran na nga akong utang, pati ito ay pino-problema ko. Jusko!
"Miss Vasquez?" rinig kong pag-tawag nya sa pangalan ko.
"Yes po? Magkano po?" tumayo ako para lapitan sya.
Bumalik sya sa monitor, "Fully paid ka na hanggang last sem."
Napanganga ako, "Wait. Huh? Paki-check nga po ulit? Baka nagkakamali lang kayo ng tinignan. Hindi pa po ako nagbabayad e."
Naupo sya ulit sa harapan ng monitor para i-check. Tinignan nyang maigi ang record. Humarap sya saakin na nakakunot ang noo.
"Last week ka pa nag-bayad, Miss Vasquez. Madison ang pangalan mo, diba? Then, I'm right. Bayad ka na nga until last semester," paninigurado nya.
"Paano po nangyari 'yon e hindi pa naman ako nag-babayad?" tanong ko.
"Hindi ko alam pero 'yon ang sabi dito sa computer, bayad ka na. Baka nakalimutan mo lang na na-kabayad ka," sabi nya.
Kumunot ang noo ko at napaupo nalang sa sofa. Pilit kong iniisip kung nag-bayad ba ako lastweek pero hindi talaga. Hindi pa talaga ako nag-babayad. Syempre siguro ako. Sino pa bang mag-babayad ng tuition ko kundi ako. Alangan namang bumangon sa hukay ang mga magulang ko.
"Miss Vasquez, may kailangan ka pa ba?" napatingin ako sakanya.
Umiling ako saka tumayo, "Wala na po. Salamat po."
Lumabas ako ng cashier office para hanapin ang boss ko. Tss. Boss? Nakakainis talaga. Isang impyerno ang pinasok ko simula nang mamatay ang magulang ko at malamang malaki ang utang nila sa mga magulang ni Yuan. Ngayon, ako ang mag-babayad non. Oh diba? Ang saya lang.
Huminga ako ng malalim nang makita si Yuan na nag-lalakad sa hallway kasama ang mga kaibigan nya. Nag-salubong ang tingin namin ni Chandler pero nag-iwas din ako kaagad ng tingin. Geeeez, nahiya ako bigla.
"Oh, Madison! Buhatin mo 'to," inabot nya saakin yung bag nya na may lamang mga damit nya, kaka-tapos lang nila mag-basketball.
"Bro, ano ba?" nagulat ako nang agawin ni Chandler ang bag saakin, "Ako na magbi-bitbit. Papahirapan mo pa yung babae e."
Uminit ang pisngi ko dahil sa mga sinabi ni Chandler. Gusto kong lumipad at magpaikot-ikot dito kaso nahihiya ako. Pinigil ko nalang ang pag-ngiti.
"Katulong ko sya. Susundin nya ang mga sasabihin ko," dagdag naman ni Yuan.
Napairap ako bago iangat ang tingin kay Chandler, "Ayos lang, Chandler. Hindi naman ganon kabigat," sabi ko saka kinuha ang bag.
"Sure ka ha?" tanong nya.
Ngumiti ako saka tumango, "Oo."
"Landi nyo. Tara na, Madison. Ipagtitimpla mo pa ako ng kape," sabi nya saka naunang mag-lakad.
Putcha, ang bigat ng bag ni loko. Pero kahit mabigat, sumunod ako sakanya. Nginitian ko lang ang mga kaibigan nya bago umalis. Huminga ako ng malalim bago ipasok sa sasakyan ni Yuan ang bag nya. Napagod ang balikat ko dahil sa bwisit na bag nya. Kainis.
YOU ARE READING
His Personal Assistant
Teen FictionI'm his personal assistant..... shhhh it's so personal