Sophia's Point Of View
Breaktime na non at nagtungo kami sa cafeteria.Biglang nawala sa paningin ko si Hero dahil makikisabay daw sana siya sa amin.Nasaan kaya siya.Pero teka?bakit ko na siya hinahanap?dapat siya pumunta samin no!
"Sophie?wait!"
Here he is.
"Saan ka nanggaling?hinanap kita kanina."
Pabulong na sagot ko dahil naweweirdohan ako sa nangyayari.Nakakahiya din kay Annika.Nahihiya ako ng walang dahilan.
"Ah.I-i was supposed to go to library pero naalala ko yung sinabi ko sayo kanina.At hindi ko yun bibitawan ng ganon ganon na lang"
A-ano daw?Ang corny mo Hero! Para yun lang e.
Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa pag-init ng pisngi ko.
"Ang corny dude!"
Patawang sabi ni Annika.Nagtungo kami sa Table na kinauupuan ni Roxane, kanina pa pala siya naghihintay.
"Here!"
Sigaw ni Rox at infairness ha?may hamburger and fries na.Oorder nalang kami dito ng drinks.
"Wala kaming prof. later kaya maaga akong uuwi. Sunod kayo sa bahay after class niyo ha?magpapaluto ako ng spaghetti"
Paanyaya ni Rox. Madalas siyang ganito kapag wala silang prof.
Tumango-tango nalang kami pero si Hero. Parang hindi siya excited.Nagtinginan sila ni Rox at agad na umiwas ng tingin si Hero.Kitang-kita ko yun dahil nasa harap ko sila.Ano ba talaga ang meron sakanila? Nagseselos na ba ako?Lols bakit naman ako magseselos!
While we're walking going back to our classroom,sumasagi sa isip ko ang titigan ng dalawa.Hindi naman sa iniisip kong merong namamagitan sa kanilang dalawa pero iba ang nararamdaman ko.May kakaiba sa titigan nila.
Nagpaalam na ang prof. namin at nagligpit na kami ni Annika ng gamit.
"Bessy Let's go?"
"Tara :)"
Pagsang-ayon ko.
"How about Hero?"
Tanong niya sakin.At sinenyas ko nalang na hindi ko alam.Kaya naman si Hero mismo ang tinanong niya.
"Yes.Sakin nalang kayo sumakay."
Sabay sabay kaming lumabas ng classroom at nakatitig sa amin si Jaz. As in titig talaga.Walang halong biro na para bang may binabalak siyang gawing hindi kaaya-aya.I was worried for Hero. Kung nababadtrip man siya dahil mapapalitan na siya sa trono niya sa school,well I dont f*ckin care.
Every year ay nagkakaroon ng pageant dito sa FHU ng Mr. Adonis. Palakasan at paramihan ng fans kumbaga.Si Jaz ang nanalo last year at sa tingin ko, si Hero ang pinakamakakatapat niya.
Nakarating na kami sa bahay nila Rox na agad naman kaming sinalubong ng katulong nila.
"Maupo kayo"
Paanyaya ng maid at agad namin kaming umupo para hintayin si Roxane.
Inopen ko muna ang messanger ko para icheck kung nay message at ganun din sila Annika at Hero.
Agad na nakuha ang atensiyon ko sa Message Request from Jason Paris
"Be careful lady"
Gusto kong iignore nalang ito tulad sa mga nakasanayan ko.Pero bakit pakiramdam ko kailangan ko talaga tong bigyan ng pansin?
Bakit iba ang nararamdamab ko sa message na to?bakit nakararamdam ako ng kaunting kaba?

BINABASA MO ANG
My Myth Demon
Mistério / SuspenseKakayanin mo bang mabuhay sa mundo kung saan hindi lang mga tao ang nakakasalamuha mo? Akala mo kakampi pero siya na pala ang tatapos sayo? Isang mundo kung saan ang mga taong nakapaligid sayo at mga taong pinagkakatiwalaan mo, at ang taong pinakama...