Character's Info

243 6 1
                                    


Ivan Miguel Perez as a playboy but sweet. Mabait sya lalo na kay Anna. Isa syang badboy pero sumikat dahil sa taglay nyang yaman. Sa kanya ang school na pinapasukan nya pero pumapasok sya na isang studyante at hindi principal. Maraming nababaliw sa kanya isa na rito ay si Lea Christina Perry sya ang kauna unahan na kaibigang babae ni Ivan kaya sobra sobra ang pagpapahalaga sa kanya ni Ivan ngunit hindi aakalain ni Ivan na mahuhulog ang loob neto sa kanya dahil turing lang nya dito ay isang matalik na kaibigan. Lahat ng malalapit kay Ivan ay minamahal nya na parang pamilya dahil ang totoo nyang pamilya ay busy sa pagpapaunlad ng mga buhay nila kahit na sobra sobra na ito para sa kanila. Ang magulang ni Ivan ay hindi nya na kasama, walang bonding o ano man na samahan ng pamilya kahit buong buo ang kaniyang pamilya, meron syang kapatid na babae si Ira May Perez, ngunit hindi nya ito madalas makita dahil kasama ito lagi ng mga magulang nya. Naninirahan ang kaniyang pamilya sa South, Korea at sya naman ay naiwan dahil sa paaralan na itinayo para sa kanya ng kaniyang ama, upang maranasan daw nya ang hirap sa buhay. Ang kapatid na si Ira ay spoiled sa kaniyang mga magulang lahat ng nais nya ay nabibili kahit na 15 y/o na sya, di rin sya na karanas ng hirap dahil kahit wala syang gawin ay nag kaka pera sya parang EASY MONEY. Madali lang sa kanya ang buhay pero kahit ganon sya ay maawain at matulongin syang anak kahit na lumaking mayaman. Si Ivan ay nakaranas ng hirap hindi tulad ng kaniyang kapatid na si Ira. Lumaki sya sa mga katulong nila, kaya dun sya natoto gumawa ng iba't ibang gawain sa bahay tulad ng pagluluto sa kusina. Kahit misteryoso si Ivan ay mamamangha ka sa kaniyang taglay na ugali dahil kahit mayaman sya ay nirerespeto nya ang bawat nasa paligid nya kahit na badboy sya at mayabang.


Si Anna Macyie Del Moon as a mataray with a heart. Mataray pero may puso parin kung maitatawag. Hindi sya yung tipo ng babae na mag papaapi dahil lalaban at lalaban sya sa kaniyang sarilng paraan. Mayaman sya at model ng sikat na brand pero hindi nya iyon sineseryoso dahil mahilig syang mag luto at kahit na papiliin mo sya kung kusina ba o mall ay pipiliin nya ang kusina dahil marami daw syang magagawa sa kusina na hindi daw tulad ng mall na ubos allowance nya pa. Di sya maarte pero kung ganda naman daw ang panglulugaran ay aarte sya in short umaarte lang sya sa tamang lugar at paraan. Siguro nag tataka kayo sa apelyido nya noh? Del Moon. ang bawat salita na nasa apelyido nya ay pinaikli lang tulad ng DEL ang del ay short lang ng DEL VANE dahil ayaw daw nya na mahaba ang kaniyang pangalan mahirap daw kasi maubosan ng laway (anong connect nun?) . Ang Moon naman ay MOONLAY pinaikli nya lang kaya naging MOON pero ang salita na yan ay ng galing sa kaniyang ama na apelyido rin syempre neto. Ang pamilya nya ay sikat pero bilang lang ang nakakaalam dahil ang pamilya ng mga MOONLAY ay magulo at ang daming tinatago tulad ng kaniyang ama na may babae at isa na ang nanay ni anna. Ngunit ang kinikilalang tunay na asawa ay ang nanay ni Anna kahit hindi sila kasal (ganon ka gulo) dahil ayaw daw ng tatay ni Anna ang magpakasal at hindi iyon uso sa pamilyang MOONLAY ngunit kahit na ganon ka gulo at pamilya ng kaniyang tatay ay mayayaman sila, pagmamay ari nila ang sikat na building na na ka tayo sa South,Korea. Marami silang negosyo kaya marami rin ang na pundar nila tulad ng mga hotel sa iba't ibang panig ng bansa. Pero lumaki si Anna sa hirap hindi naman totally mahirap na kakakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw pero hindi nya naranasan ang bilhan sya ng mga laruan o mga gusto nya nung pagkabata nya. Iisa lang syang anak ng nanay nya pero di nya lang alam sa tatay nya dahil babaero ito. Kaya yung kinuha sya ng tatay nya at nagsama ang nanay at tatay nya ay dun nya lang naranasan ang pagmamahal ng isang tatay pero hindi parin ito naging sapat sa kanya dahil ang dami nyang kulang sa buhay ni Anna tulad ng pagiwan neto sa panig ng ina.


Nicolas Antonio Ferrer as a good boy but slightly mayabang. Mayaman kilala ang kanilang pamilya dahil sa pag dodoctor. Kaya naman marami na rin silang hospital na pag mamay ari mismo nila dahil bawat pamilya ng angkan nila ay doctor ngunit ang pag dodoctor ay inayawan nya dahil ayaw nya neto ganun lang ka dali dahil mashado daw kasing boring yun at gugustohin na maging piloto ng eroplano na lang. Ngunit malaking hakbang yun para sa kanilang pamilya dahil sya lang ang lalayo ng landas sa mga angkan ng mga ferrer. Si Nicolas ay lumaki sa yaman pero hindi sya spoiled dahil lagi syang pinahalalahanan sa mga bagay bagay ng kaniyang ama. Papa' s boy kasi sya pero close naman sila ng mama nya. May tatlong kapatid sya kasama na sya. Si Nicole Amie Ferrer at Si Neon Andrew Ferrer, isang babae AT DALAWA SILANG LALAKI. Lumaki silang magkakasama kaya naman ng sumama ang babae nyang kapatid na si Nicole sa tita nya sa ibang bansa ay naging malungkot na sya at naging matamlay di nya kasi kayang pigilan ang mga magulang na huwag na sumama ang kapatid nyang babae sa tita nya. Kaya lahat din ng nasa paligid nya ay pinapahalagahan nya upang hindi ito mawala.


Lea Christina Perry as a maldita. Sikat ang pamilya nila dahil sa pag momodel ng mga damit o produkto kaya na papansin nyo kung pano sya manamit. Ang buo syang pamilya ngunit wala rin itong oras, laging hindi ma kausap at busy sa kaniya kaniyang trabaho ng kaniyang mga magulang. May kapatid sya na si Lance Carl Perry ngunit namatay rin ito dahil hindi na kayanan ng kaniyang ina ang pag luwal dito, Lance Carl Perry ang dapat pangalan nya ngunit imbis salubongin ito para sa kaniyang mundo ay na uwi na lang sa lapida at doon na lang inilagay ang ipinangalan sa kaniya. Dahil doon naging busy sila upang makalimutan ang hinanakit at di nila na mamalayan na lumalayo na ang landas ni Lea sa buhay nya. Dahil umiinom na ito at nag babarkada kahit na lubos iyon na inaayawan ng kaniyang mga magulang.











Asahan nyo po na may bagong lalabas na character dahil may bago talaga hehehe. Vote and Comment. And folllow me. thankyouuuuuuuu. Sana po masuportahan nyo ang una kong story, Marami pa po kayong aabangan na mangyayari kaya po sana ay maabangan nyo.





Main Character:

Ivan Miguel Perez the badboy but sweet.

Anna Macyie Del (Del Vane) Moon (Moonlay) the mataray with a heart.

Nicolas Antonio Ferrer the good boy with slightly mayabang.

Lea Christina Perry the maldita and kontrabida.



I'm Inlove With a Sweet Badboy ( IIWSB )Where stories live. Discover now